CORLEANNE
Ideal Girl
"Yung tipo kong babae magaling sa kama." yan ang malutong at prankang linyang binitiwan sa akin ni Harvey. Saka bumalik siya sa mga kaibigan niya na may kanya-kanyang babae.
Hindi ko lubos maisip kung bakit ako napadpad sa ganitong klaseng lugar na kung tawagin nila ay 'BAR'.
First time ko makapasok sa ganitong lugar. Iba't-ibang kulay ng ilaw na panay ang patay sindi at kung minsan umikot-ikot.
Yung mga tug-tog nakakabuhay ng sistema. Nakakabingi para sa akin dahil hindi naman ako sanay sa mga ganoong mga malalakas na kanta.Madaming tao na nagkakasiyahaan, nagsasayawan, nag-iinuman at naghaharutan.
Sinama ako dito ng kaibigan ko, Si Harlene. Magkaibang-magkaiba kami ni Harlene sa madaming bagay pero naging magkaibigan kami. Simula nung nag-college ako ay siya na ang tinuring kong kaibigan.
Party goer si Harlene. Maganda at sexy. Single and always ready to mingle. Siya yung tipo ng babae na ayaw magsettle down. Hindi naniniwala sa mahabang relasyon.
Harlene always loves to party and hang outs. Such a chill girl.
Hinanap ng mata ko si Harlene at masayang nakikipag-sayawan sa dance floor.
Alam kong magagalit siya sa akin sa gagawin ko pero kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Hindi ako nababagay sa mga ganitong klaseng lugar. Yeah! Such a boring girl I am.
Tinungo ko ang pintuan palabas ng lugar na ito at saka naghintay ng masasakyan pauwi.
Ilang sandali lang ay may huminto ng taxi sa aking harapan at sinabi ko lang aking tinitirahan at saka sumakay na. Pinaandar naman ng driver ang taxi at saka simulang nagdrive.
***
Inalala ko ang huling pag-uusap namin ni Harlene bago nagpunta sa bar."This is your chance para mapansin ka ni Harvey." sabi ni Harlene habang nilalagyan niya ng cream ang aking mukha.
"Hindi naman niya ako mapapansin yon kasi hindi naman ako ang tipo niyang babae." simangot kong sabi.
Si Harvey ang kaisa-isang lalaking nagustuhan ko. Gwapo si Harvey, matangkad, maganda ang pangangatawan, yung ilong niyang sobrang tangos, yung panga niya na para bang inukit ng magaling na sculptor at higit sa lahat yung mga labi niyang mapupula.
Pero si Harvey ay kilalang playboy si school namin. Isa lang ako sa mga babaeng palihim na nagkaka-gusto sa kanya.
Hindi naman sa ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya kasi alam ko naman na hindi niya ako matitipuan kasi hindi naman ako kagandahan.
"Shh! Stop being nega nga." suway sa akin ni Harlene. Patuloy pa din siya sa pag-aayos sa akin. "Kailangan mo lang maging confident. Masyado kang ano ... manang." saka tumawa siya ng malakas na malakas.
Oo, tama si Harlene. Yung itsura ko parang manang lang. Yung hindi pang display. Hindi naman kasi ako marunong mag-ayos ng sarili ko. Simpleng powder at lip gloss lang. Okay na sa akin. Hindi ko naman na prino-problema ang aking kilay kasi maayos naman na.
"Corleanne, wag kang magagalit sa akin ha." parang maamong tupa niyang sabi. Nagsign pa siya ng "peace"
"Sanay na sanay na ako sayo, Harlene. At saka totoo naman yun." tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Biglang nagulat ako sa kinalabasan nung pag-aayos sa akin ni Harlene. Omg! Gandang di mo inakala.
BINABASA MO ANG
NIGHT LESSONS
General FictionSa umaga hanggang hapon si teacher ang nagtuturo sa mga studyante. Pero pag-sapit ng gabi si teacher ang tinuturuan. Ano kayang lessons ang itinuturo kay teacher? Mature Contents || R-18 + || SPG ||