NL: Four

923 11 0
                                    

Corleanne

The Millionaire

Ang bilis ng araw. Thursday na ngayon at papunta ako ngayon kay principal.

Katatapos lang ng klase ko. Maaga ko silang dinismiss dahil may pa-reporting na magaganap bukas sa klase ko.

Ilang saglit lang na paglalakad ay narating ko din ng aking pupuntahan.  Dala ko na ang mga pinapagawa ni Principal sa akin.

'Office of The Principal'

Kumatok muna ako.  Saglit lang ay bumukas iyon. 

Si Gwyneth ang nagbukas.  Secretary ni Principal.

"Good morning!" bati ko kay Gwyneth.

"Good morning din,  Miss Corleanne." sinuklian naman ako ng ngiti ni Gwyneth.

"Maupo ka muna,  Miss Corleanne."

Tumuloy lang ako sa loob.  "Thank you!"

Malamig dito sa office ni principal.  Maayos at  may mga indoor plants dahil mahilig si principal sa mga halaman.

Bago ka tuluyan makapasok sa pinaka-office ni principal ay may recieving area pa ito.

"Nandiyan ba si Ma'am Ellen?" tanong ko kay Gwyneth.  Si Ma'am Ellen ang principal ng school. 

"Oo.  Pero may kausap siya. Hintayin mo nalang siya." sabi ni Gwyneth.  Saka itinuon ulit yung atensyon niya sa computer.

Nag-beep yung phone ko at nang silipin ko ito ay galing kay Meneses.

From: Meneses 🌸

Beh.  Nasaan ka?

To: Meneses 🌸

Nandito ako sa Principal's Office. Ikaw?

From: Meneses 🌸
Nandito ako sa Faculty Room. Sabay tayo mag-lunch ha.

To: Meneses 🌸

Okay beh. 

Ibinalik ko na muna yung phone ko sa  loob ng bulsa ko.

Sakto naman na lumabas na si Principal kasama yung kausap niya.

Nakita kong sumulyap si Gwyneth sa bisita ni Ma'am Ellen.

Matangakad siya. Sakto yung pangangatawan.  Malinis ang kanyang ayos.  Saka gwapo siya.

Nakuha niya naman yung atensyon ko dahil tumayo agad ako.

"Good morning, Ma'am./Good morning, Sir."  bati ko sakanila.

"Good morning, Corleanne. What brings  you here?"

"I will just give these to you, Ma'am."
Magalang kong sagot saka itinaas ko konti yung hawak kong mga folders.

"Ohh.  The course outlines."

"Yes,  Ma'am. "

"Okay,  just give it to Gwyneth and let it be recieved."

Hindi naman sa pag-aasume pero nakatitig lang si Mr.  Handsome sa akin. 

Nag-excuse lang ako sakanila saka inabot kay Gwyneth yung mga folders.  Isa-isa niya itong tinatakan.

Bigla naman akong tinawag ni Ma'am Ellen.

"Corleanne, come here." tawag ni Ma'am Ellen.

"Yes, Ma'am."

"Corleanne,  this is Mr. George Burhington one of the Admins in our school. Mr.  George and his family is a well known for their businesses in town. They donated lot of buildings in our school. "

NIGHT LESSONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon