Corleanne
It's Him
Saturday.
Papunta kami ngayon ni Meneses sa Jewel City Lounge Hotel. Nag-taxi kami.
"Ma! Bayad ho." abot ni Meneses ang limang daan. "Keep the change po, kuya." pagsisisngit ko.
Pinandilatan naman ako ng mata ni Meneses. "Ay, mahirap ang buhay kuya. Amina yung barya ko."
Natawa nalang ako sa inasta ni Meneses. Kung tutuusin nga barya lang sakanya yung limang daan.
"Hoy!" tawag sa akin ni Meneses. Nauna na kasi akong naglalakad. "Maghintay ka, di kita nilibre ng pamasahe para iwan iwan mo ako dito ha."
Humarap ako sa kanya. "Naawa ka naman sana sa driver no?"
"Mahirap maghanap ng pera, no?"
Ginaya niya naman akong nameywang. Saka kami nagtawanan.
Naglakad nalang kami papuntang Hotel. Nang marating namin ang loob ng hotel ay dumiretso kami sa elevator. Pero di ko maiwasan na humanga sa ganda ng Hotel. Halatang pang sosyalin at yayamanin.
Pinindot ni Meneses ang 5th floor.
Dadalawa kaming sakay ng elevator.
"Ano kayang meron sa event?" pagtatanong ko kay Meneses.
"Ewan ko din be, pero excited ako. Hahahaha." kapag kwan ay itinaas niya ang aking baba. "Cheer up! Loosen up your ass. Hahaha."
Inalis ko naman ang kamay niya sa baba ko. "Hahahaha. Kadiri ka!" inirapan ko siya.
Nang marating namin ang 5th floor ay may bumungad sa amin na malaking dual door.
May babaeng nakaupo sa may desk. Matalim ang mga mata niya at wala kang makikita ibang aura niya kundi sinseridad at strikto.
"Do you have the invitation?" - receptionist. Mataray na boses niya.
"Oh yes, we have." Di naman nagpaawat tong sin Meneses. Ginaya niya yung accent nung receptionist. Hahaha. Ibinigay niya iyon sa receptionist at chineck lang ng receptionist.
"Welcome to NIGHT LESSONS! Miss Corleanne and Miss Meneses. Enjoy the party and the night."
Itinuro niya naman ang door kung saan kami papasok.
Nang makapasok kami ay nabigla kami. Nagtinginan kami ni Meneses.
Tumingin din yung mga tao sa amin.
Nag-expect kaming sobrang dami ng tao pero bilang yung mga tao. Puru babae pa.
May pa-music muna sila habang yung iba ay naka-upo na. May mga nagseserve din ng pagkain.
Umupo kami ni Meneses sa may gilid na table. May kanya-kanyang business yung iba.
Yung iba nagchichikahan, yung iba nagseselfie/groupie.
What's with this place?
"Good evening, Ladies!" Lahat kami ay napatingin sa babaeng na stage at nagsasalita.
"On behalf of THE WHOLE NIGHT LESSONS FAMILY, we warmly welcome you all here. We would also like to extend our greatest thanks to all of you who made it tonight. We assure you, your decision to enroll here is the right thing you've made in your life."
BINABASA MO ANG
NIGHT LESSONS
General FictionSa umaga hanggang hapon si teacher ang nagtuturo sa mga studyante. Pero pag-sapit ng gabi si teacher ang tinuturuan. Ano kayang lessons ang itinuturo kay teacher? Mature Contents || R-18 + || SPG ||