NL: Three

1.1K 17 0
                                    

CORLEANNE

New Opportunity

It's been three months since I graduated.

Lagi naman kami nagvi-video chat ni Harlene sa messenger. She's currently pursuing her dreams to become a doctor. While me, I'm loving what I'm doing now.

Employed na ako sa isang private school. Mejo may kalayuan nga lang sa bahay namin kaya nagdesisyon na muna akong mag-apartment ulit. Tuwing friday ng hapon ay umuuwi ako sa bahay para dalawin si mama at papa.

Araw ng linggo ngayon at bukas ay simula na ng pasukan. Ready na akong magturo at mameet ang mga studyante ko.

Senior High Students ang mga tuturuan ko dahil wala pa akong license para magturo kaya dinala muna ako sa senior high ng principal ng school. Binigyan nila ako ng 5 years to pass the Licensure Examination for Teachers.

Hindi man ako education graduate, sisikapin ko naman maging mabuti at maunawain sa aking mga studyante.

Nag-aayos lang ako ng gamit ko. Pagkatapos ay kumain ng dinner mag-isa. Nag-shower at natulog na.
**
Kinabukasan ay maaga akong nagising.

Naligo tapos nag-ayos ng konti. This time red na lipstick naman ang ginamit ko. Para magmukha akong hindi fresh graduate. Dapat matured teacher ang makita ng mga studyante sa akin.

Kinuha ko nalang yung gamit at sa canteen nalang ako ng school kakain.

Nag-drive ako papuntang school. Smooth ang naging takbo ko dahil walang traffic dahil maaga pa.

Nang makarating ako ng school ay napansin kong may mangilan ngilan ng mga studyante. Mga senior high students.

Dumiretso lang ako sa canteen ng school nang mai-park ko yung sasakyan ko.

Umorder lang ako ng hotdog with fried rice. Hindi naman kasi mahilig mag heavy breakfast.
Pagkatapos ko kumain ay dumiresto ng faculty room. Pero huminto ako sa may hallway kung nasaan yung biometric para magtime-in.

"Good morning!" ngiting bati ko sa tatlong teachers na nandito na sa faculty room.

Napansin ko naman na tumingin silang lahat saka bumati din ng "Good morning."

Dumiretso ako sa table ko para ilapag yung mga gamit ko.

"Hi. I'm Angie, and you are? " kapag kwan ay tanong sa akin ng babaeng nagpakilalang si Angie.

"Hello, ako pala si Corleanne. You can call me, Lea for short." ngiting sagot ko.

"Siya naman si, Dormi." tinuro niya si Dormi habang kasalukuyan ang pagla-laptop niya.

"Hi! Lea, Sorry, mejo busy. Let's chika chika later." magiliw niyang pagbati. Workaholic pero kalog din siguro siya. Nasabi ko nalang sa sarili ko.

"Dito kami sa kabilang table. Si Meneses siya yung katabi mo." dagdag pa ni Angie.

Tumango naman ako.

"Salamat sa pag-welcome."

"Nako. Dito sa faculty we are family. So, Lea feel at home ha." tumatawang sabi ni Angie. Mababait pala sila. Hindi ako mahihirapan makisama sakanila.

Nagpa-alam naman si Angie kasi may pasok siya ng 7:30AM.

Mamayang 8:30 pa ang pasok ko
"Bago ka lang no?" biglang tanong sa akin ni Meneses.

"Oo e. Fresh grad." tipid kong sabi.

"Anong tinapos mo?"

"Business Administration."

NIGHT LESSONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon