NL: Thirteen

497 7 0
                                    

Second Lesson

Corleanne

Inihatid ako ni Harvey dito sa apartment ko. Magte-ten na ng umaga ng makarating kami sa apartment.

Bubuksan ko na sana yung pinto gamit yung susi ko pero nagulat ako ng bumukas yung pinto at nandun si mama na nakatayo.

Seryoso yung mukha niya. Parang galit. Bigla akong kinabahan.

"Hi ma." may nginig sa boses ko. Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko. Humalik pa ako sa pisngi ni mama. Matalim pa din ang tingin niya sa akin.

"Kanina pa ba kayo dito ma?" pagtatanong ko. Nandun pa rin yung kaba ko. Nakatayo pa din kami sa pintuan.

"Kagabi pa kami ng papa mo dito." Shit! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bisita mo ba siya? Pumasok muna kayo? Kumain na ba kayo?" sunud-sunod na tanong ni mama. Medyo kumalma naman na ang boses niya pero ramdam ko pa din na parang may iba.

"Good morning, Ma'am. I'm Harvey by the way."

Kalmado lang na bati ni Harvey kay mama. Nakatingin lang naman si mama kay Harvey.

"Kilala kita." sobrang diin nung pagkasabi ni mama na para bang ang tagal niya nang kakilala si Harvey. Papalit palit ako ng tingin kay mama at Harvey. "You must be Corleanne's classmate."

"Yes ma'am. But, I just want to ask permission from you personally."

"And what is that?"

"Can I court your daughter?"

Nanlaki ang mata ko sa pag-uusap nila Harvey at mama ko. Hinihinaty ko naman ang magiging sagot ni mama.

"Hmm." yan lang ang sinagot ni mama. Saka bumaling siya sa akin ng tingin. Bumalik na naman yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Where are you last night, Corleanne?"

Hindi ako maka-imik. I was terrified. Feeling ko alam ni mama kung saan ako galing at isang maling sabi ko lang ay baka itakwil niya ako.

"She was with her co-worker, Meneses. The whole friday Ma'am. They we're so busy doing their lesson plans and reports. Then, next morning she texted me to fetch her. That's why I'm with her to drove her here."

Alibi ni Harvey. Hindi ko alam kung saan niya pinagkukuha yung kwento niya. Naiintindihan niya yung part ko. Ayaw niyang ikwento yung totoong nangyare kasi nakakasira sa image ko. Ganon ako kamahal ni Harvey. Hanggat kaya niyang pagtakpan gagawin niya.

"I'm not talking to you." banat naman ni mama.

"Sorry, mama. It's true. I stayed and slept at Meneses's house. It's my fault I didn't informed you right away. Sorry po, kung nag-alala kayo sa akin." naintindihan ko naman si mama. Sobrang protective lang niya sa akin.

"Well, don't worry. I'm not mad to both of you." She assured it to us. "I'm just really concerned with you, Corleanne." niyakap naman ako ni mama. Medyo naiiyak na ako kasi hindi kasi ako sanay ng ganitong feeling. There's a guilt. Nagsinungaling kami ni Harvey. Alam kong mali but we have no choice.

NIGHT LESSONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon