NL: Nine

649 7 0
                                    

Realizations

Corleanne

Nagising akong wala na si Harvey sa kama. Wala din akong damit kundi kumot lang ang bumabalot sa aking katawan. Inilibot ko ang aking tingin sa aking kwarto pero hindi ko makita si Harvey. Uggh!  Nasaan ka ba Harvey?

Sumandal ako sa headboard ng aking kama. Saka ipinikit ang aking mga mata. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Lalo na sa pagkababae ko. I just surrendered my everything to Harvey without gaining something in return. How can I be so dumb? Ano na ang susunod na mangyayari sa buhay ko? Andaming katanungan ang nag-uunahan sa isip ko kaya mas lalong sumasakit ang ulo ko. Paano kung mabuntis ako? Paano kung hindi ko na muling makita si Harvey?

Iminulat ko ang aking mga mata. Saka pinilit tumayo kahit namimilipit pa ako sa hapdi at sakit. Nakabalot pa din ako ng kumot. Dumeretso ako sa may Cabinet ko para maghanap ng damit. Nang makahanap ako ng damit ay isinuot ko na ito. Tinupi ko muna ang kumot ko.

Gosh! Napamura nalang ako nang makita ko yung blood stain sa may bedsheet. Paano nalang pag makita ito nila mama? Dali-dali kong tinggal ang bedsheet saka pinalitan ito. Iniligpit ko na yung mga nagkalat na damit sa sahig. Wait-- damit ko lang naman ang mga ito. Lumakas lalo yung kabog ng dibdib ko na baka wala na nga si Harvey.

Sex and run??

Bumaba ako kasama yung bedsheet saka mga damit ko. Nang makababa na ako ay may napansin akong bulaklak na rosas sa mesa.

"Good morning, Baby. I cooked breakfast for you." ❤ Harvey

Bakit parang kinikilig ako? E, dapat nga nandito siya para pag-usapan yung tungkol sa amin?

Tinignan ko naman yung niluto niya. Sunny side up eggs with hotdogs matching with fried rice. Binalik ko muna yung food cover. Mamaya nalang ako kakain.

Nilagay ko na sa may washing machine yung mga damit ko at bedsheet. Nilagyan ko ng bleach at Liquid soap yung washing machine. Automatic kasi itong washing machine na binili ni mama kaya maganda kahit iwan mo. Ready to fold nalang siya.

Bumalik ako sa may kusina para kumuha ng pinggan saka spoon and fork para mag-breakfast. 

Mas masaya sana kung kasama ko si Harvey mag-breakfast. Ughh! Saan na ba siya? Bakit bigla bigla siyang umalis?

Pinilit ko nalang kumain kahit parang nawawalan ako ng ganang kumain dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Kahit na umalis naman siya ng basta basta. Naisip pa rin niya akong ipagluto. Hindi ko alam parang gusto ko ulit siyang makita pero paano? Ni contact number niya wala ako. Ang tagal ng sabado. Gusto ko na siyang makita.

Tinapos ko lang kinakain ko saka hinugasan yung mga pinagkainan ko. Isang oras pa ang lumipas nang matapos na din yung labada ko. Tinupi ko ang bedsheet saka inilagay sa may cabinet ko.

Itinago ko na din yung green na damit ko kahit punit ito. Pati yung shorts bra at panty.

Hindi ko alam kung paano iwaglit sa isipan ko yung nangyari sa amin ni Harvey. Kaya minabuti ko nalang magbasa ng lesson ko para bukas.

Mga ilang oras ko din binasa at inaral yung lesson ko para bukas. Gumawa na din ako ng power point presentation ng lesson ko. Inayos ko na muna yung mga libro na binasa ko pati yung laptop ko in-off ko na muna. Humiga ako muna ako sa kama para magpahinga. Tumunog naman yung cellphone kaya bumangon ulit ako para tignan kung sino yung nagtext sa akin.

From: Meneses ❤

Sissy, are you free today?

Tinignan ko naman yung oras 11:30 na pala.

NIGHT LESSONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon