Scary Creepy #2: Bad vibes then Good vibes then Bad vibes AGAIN!
"Ang sarap talagang maging isang anak oh?" pang aasar sakin ni Gaisea
"Tapos nag iisang apo pa!" usap pa ni Berna
Tss.
Okay papakilala ko na sila sa inyo. Basta lahat sila ay KAIBIGAN KO. 'Kay?
Si Arnold ang nag da-drive, ang nag iisang lalaking kasama naming ngayon kasi wala pa si Babes.
Ang katabi naman nya ay si Roselyn ang long time Girlfriend nya na kahit bawal eh sila pa din. Ssh
At ang mga katabi ko naman ay sina Gaisea, Bernalyn, at Michelle.
Hayyy ang gulo gulo talaga nitong nasa gitna namin ni Michelle. Pag pinagsasama talaga 'tong si Gaisea at Berna oh?
"Girls pwede ba? Tss hanggang dito ba naman?!" sita ko sa harutan nitong dalawa.
"Gail? High blood? Agad?" pangingialam nitong si Michelle, nako!
"Guys, tama na, 'to naman kasing dalawang 'to walang humpay magharutan parang araw araw hindi nagkikita eh." Sermon naman ni Arnold na kahit nag da-drive eh nakikinig naman pala samin dito sa likod.
"Sorry Guys." Sabay na sabi nung dalawa.
Syempre ako nag sorry din. Makasigaw kasi wagas eh.
"Alam mo Gail, kanina naman ang saya mo ah? Ba't parang nag iba? May something ah?" Puna sakin ni Mich
"Baka ganyan ang epekto pag wala ang mag partner in crime. Kaya ikaw Roselyn wag mo kong iiwan ha?" Hirit naman ni Arnold
"Nako wag dito guys! Bata pa ko!" tili naman ni Gaisea
"Weird." Tanging sabi ni Roselyn
Natawa naman dun sa sinabi nya, anong weird dun? Sya nga yun weird eh. Haaaay.
"Ano ba guys i-enjoy na lang natin 'to okay?"
Tumango na lang kami sa sinabi ni Mich except pala kay Berna. Na akala mo'y nag iisip.
"Baliw! Project kaya 'tong gagawin natin tapos i-enjoy?" Ayan, humirit na si Berna
Nga naman? Pano namin 'to ma eenjoy?
Ang haba ng byahe, naka tingin lang ako sa mga dinadaanan namin.
Nga pala I forgot to tell you guys na group project ang gagawin namin about sa history ng probinsyang pupuntahan namin. Sa Capiz?
Ilang oras pa ang nakalipas at narating na nga namin ang Hotel kung saan kami nag pa book.
"What?!" sigaw ko dun sa babaeng kausap namin.
"Gail, *Sabay tingin sa akin ni Michelle then sa babaeng kausap ko* Ms. Wala ba talaga? Sige, give us room na lang na vacant?"
"Sorry ma'am pero wala po talaga ditong naka reserve. Tsaka fully booked na po talaga eh."
"Paano nangyari yun eh tumawag na ko dito two weeks pa para magpabook?" Pagtataka ko? Eh totoo naman eh, tumawag ako.
"Sorry Ma'am but wala po talagang Gail Leonardo dito."
"Eh saan pa po ba ang pinakamalapit na Hotel dito?"
"Ah wala na pong malapit dito. Sa kabilang bayan na po."
"Saan ho?"
"Sa Kamatayan Ville na po."
"Creepy!" Sigaw nila.
"Haaay!" Sapo ko sa noo ko, nakaka bad vibes.
"So guys ano?" Tanong ni Michelle.
"Kaya pa ba natin umabot doon sa kabilang bayan?" tanong ko ke Arnold
"Hindi na siguro, aabutan tayo ng dilim sa daan. Hindi pati natin alam ang pasikot sikot. Mahihirapan tayo. Mas okay sana kung umaga tsaka mukhang uulan oh? Konti na lang din ang gas." Mahabang lintaya nito, if I know tinatamad lang 'to mag drive. Sabagay, ang layo at ang tagal naman ng byahe. Baka pagod na din sya.
"So san tayo?" tanong ko sa kanila
"Guys sa mayor kaya?" suggest ni Berna
"Baliw di ah? Kapitan! Tsaka pwede siguro sa kanila noh? Hindi na natin kailangan maglibot masyado." Gaisea
Aba now lang nag ka sense ang pinag sasabi nitong mga 'to ah? Pwede naman siguro yun diba?
"So ano dun tayo? Mukhang malapit lang naman dito eh." Sabi pa ni Arnold
"How did you know?" tanong ko.
"Ayan oh?" sabay turo nya sa may board na may nakalagay na "Kapitan's Mansion This Way" na may ARROW pa!
"So guys ano? Tara?" yaya ni Arnold
Agad naman kaming nagbalikan sa sasakyan at sinundan lang naming yung arrow hanggang marating na naming yung sigurong Mansion ng Kapitan.
"Wow!!" sabi agad nila Gaisea at Berna
"Guys ang layo naman nito sa kabayanan?" Michelle
"Sobrang liblib pa at ni ultimo kapitbahay wala." Arnold
"Kasi nga kapitan diba? Baka para tago sa mga taong hingi ng hingi ng tulong? Tsaka baka ayaw ng kapitbahay na?" Gaisea
"Pero seryoso, ang gand talaga. Ganto ba talaga pag mansion sa probinsya? Astig!" Berna
"Weird."
Ayan na naman komenta ni Roselyn. Minsan na lang to mag salita, nakakakilabot pa.
"Ano ba yan guys? Nganganga na lang ba tayo dito at mag dadaldalan? Hindi pa ba tayo papasok?" Sabi ni Arnold. Antok na 'to.
____________________________________________
@GaillersXOXO
BINABASA MO ANG
OBSESS KiLLER (COMPLETED)
Bí ẩn / Giật gânPaano pag nalaman mong may nagkaka gusto sayo? Matutuwa ka diba? Pano pag nalaman mong may patay na patay sayo? Mas matutuwa ka diba? Yung tipong laging naka sunod sayo, laging naka nandyan para sayo, at madami pang kayang gawin, basta mapa Oo ka la...