Scary Creepy #20: Mang Kulas' Side (PART TWO)

5.6K 122 3
                                    

Isang araw, may dumating ding mga panauhin na kuno na naligawan.

Agad itong kinatuwa ng kapitan at pinatuloy agad.

Mabait na tao ang Kapitan. Bukas ang puso nito para sa lahat ngunit may hindi sila alam dito.

Matagal tagal ding tumuloy roon ang magbabarkada.

Ngunit dumating yung araw na aalis na sila. Uuwi na sa kanilang totoong lugar.

Kinagalit naman iyong ng Kapitan.

Naging masama ang trato nya dito.

Ipinasara nya agad sakin ang gate ng mansion. Wala naman akong magawa noon.

Pilit nilang binubuksan ang gate. Kaso di nila makaya at nakita nila ang kapitan na papalapit sa kanila na may hawak na asarol. Agad silang nagtakbuhan sa loob ng mansion. Dahil doon eh natuwa muli ang Kapitan.

Di nya alam na nagtago ang mga ito sa loob ng kanyang mansion.

Kinagabihan, hapunan. Handa na ang hapunan nila at mismong si Kapitang tumawag sa kanila.

Laking gulat nilang lahat na nakita sila nito.

Ipagpatawad nila pero kabisado ito ng Kapitan, lahat ng sulok ng kanyang tahanan.

Agad na nagtakbuhan ang mga kabataan nay un. Ang isa ay tinaga agad sa ulo ng kapitan. Naabutan pa nya noon ang tatlong kababaihan na pababa ng basement. Agad nya itong hinila. At pinasok sa loob ng laboratory.

Agad itong kumalat sa kabayanan. Lalong nag alisan ang mga kalapit bahay namin. Miski isa ay walang natira.

Wala naman akong magawa kundi ang manuod sa mga nangyayari.

Taon din ang lumipas ng bumalik na muli si Ginoong Paolo. Natuwa ang kapitan at agad na nagpahanda sa aking ng mga putahing kinigigiliwan ng ginoo.

Ngunit pagkatapos ng araw nay un e hindi na muli ito lumalabas ng kanyang basement.

Nang dumating kayo. Ayaw ko talaga kayong patuluyin noon. Kaso masyado kayong maingay at agad na narinig ito ng Kapitan.

“Oh di sana nilabasan nyo na kami noon pa.at winarningan.”

“Oo nga. Takte ka talagang kuba ka. Masyado kang USELESS.”

“Paumahin po.”

“Sige ituloy mo lang ang pagku-kwento.”

Agad na lumabas noon ang kapitan at pati na rin si Ginoong Paolo.

Masyado silang natuwa sa pagrating. Kunwari pa noon ang Kapitan na walang alam sa mga nangyayari.

“Scripted? Ganun?”

“Tae Jorey manahimik ka nga dyan. *tingin sa akin* Sige ho Mang Kulas ipagpatuloy nyo lang po.”

At eto na nga tayo.

Ngayon hindi lang ang Kapitang ang pumapatay ngayon pati na rin si Ginoong Paolo. At alam kong hindi sha titigil hangga’t hindi nya nakukuha ang gusto nya. Kaya kayo mga munting kabataan ay parating mag iingat.

__________________________________

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon