Scary Creepy #12: Mini Stop
Gail's POV
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating din kaming ligtas sa isang gasoline station dito sa lugar na 'to.
Tahimik kaming nakapark sa tapat ng isang gas at parang isang musika ang aming katahimikan. Walang nagsasalita, walang bumabasag nito nang biglang may kumatok sa window namin kung saan ako at si babs nakapwesto.
Agad kaming nagsigawan sa loob
Pero nag kamali kami. Si Kuya pala yun, isang gasoline boy. Agad namang binaba ni Jorey ang bintana namin.
"Sir? Ma'am? Okay lang po ba kayo?"
Agad na tanong nito sa amin.
Bukod siguro kasi sa sobrang pawis at halatang natakot kami, dalawa din kami sa passenger seat nitong lalaking katabi ko.
"Fvking no." Masungit na sagot ni Babs dun sa lalaki.
Napalunok naman ito at nagtanong na kung magkano ang aming ipapalagay.
"2000." Matipid na sagot ni Jorey.
"Babs, bumaba ka na dyan, sa likod ka na." Pilit ko syang pinapalipat sa likod. Napapasarap na kasi sa pagkakaupo at napapapikit pa. Habang ako ay hindi comfortable sa pwesto. Haaaaay.
"Tss. Okay." Sabi na lang nito at lumabas na ng sasakyan.
Maya maya ay hinila nito si Jorey palabas kaya naman napakamot na lang ang kakawang Jorey at bumalik sa backseat.
"Ahmm sir, ma'am, baka po gusto nyo munang lumabas? May mini stop po kami dyan baka po gutom na kayo." Sabat na naman nitong lalaki. Ang tagal naman kasi tsaka ang tahimik.
"Anong oras na ba?"
"4:30 am na po Ma'am."
"Ah sige. Thanks." Sabi ko sabay tingin sa likod.
Halatang wala na silang mga lakas, at napagod sa mga nangyayari samin. Pero kung pagod kami at nanghihina, pano kami lalaban? Kailangan din naming kumain muna at mag charge ng katawan.
"Tara labas na muna tayo. Guys look nyo naman mga phone nyo baka may signal na din." Sabi ko at lumabas na. Mukhang safe na naman kami dito.
Naglabasan na naman silang lahat at pumunta na kaming mini stop.
Kasalukuyan kaming bumibili ng pagkain ngayon sa loob ng mini stop.
"Guys seriously wala talagang signal 'tong phone ko." Sabat ko sabay kagat ng bread na binili ko at umupo sa may bakanteng upuan.
"Same." Sagot ni Babs at agad naman nilang tiningnan ang mga phone nila.
"Bat kanina meron naman? Kausap ko pa kanina si Berna." Sagot naman ni Gaisea at umupo sa tapat ko.
Agad naman kaming natahimik. Si Gaisea parang iiyak na naman.
"I miss her na." Iyak ni Gaisea sabay punas sa mga luha nyang nagbabagsakan.
"Darling." Sambit ni Jorey habang pinapatahan ito.
"Gaisea, lalong malulungkot si Berna pag nakita ka nyang ganyan. Diba gusto nya lagi kang masaya? Lagi tayong masaya?"
Sa sinabi ko ay lalong umiyak si Gaisea.
"Tsss. kahit kailan talaga hindi ka marunong magcomfort." Sabat ng magaling kong boyfriend. Tinitigan ko sya ng masama.
"Sorry ha? Sorry. Hindi ko talag alam pano magcomfort. Tssss."
Bago pa kami mag away ni Babs ay biglang nagsalita si Rose sa tabi ko.
"Ahmm guys? May alam ako." Hindi na natapos ni Rose ang sasabihin nya dahil humagulgol na din to ng iyak. Ngayon dalawa na sila ni Gaisea na umiiyak at wala akong magawa. Si Jorey na ang nagpatahan sa dalawa.
"Tahan na Roselyn. I think masaya naman ngayon si Arnold dahil hanggang sa huli nyang hininga e niligtas nya tayo." Sabi ni Gaisea sabay hila kay Rose at niyakap.
Tiningnan ko lang sila. Ayokong pati ako umiyak. Baka mas lalo lang silang mawalan ng pag asa.
"It's all my fault." Mahinang sagot ni Rose sa gitna ng paghihikbi nya.
What did she say?!
"You have to be kidding me, Roselyn." Naaasar kong sabi. Alam kong wala syang kasalanan at mas lalo lang nyang dinadown ang sarili nya.
"Hindi nyo ko naiintindihan. Alam ko na 'tong mga nangyayari satin at wala na tayong takas dito. Alam kong may gantong mangyayari satin, pero hindi ko sinabi sa inyo. Bakit? Kasi alam kong hindi kayo maniniwala sakin. Bakit kailan ba kayo naniwala sa mga nasabi ko na sa inyo? Alam ko tingin nyo sakin weird at crazy pero I'm just stating the truth. Hindi kayo naniniwala sa kahit na anong sinabi at sasabihin ko dahil nga weird ako! Weird ako sa paningin nyo!"
Mas lalong hinigpitan ni Gaisea ang pagkakayakap dito.
"Ibang usapan na 'to Rose. Buhay na natin ang nakasalalay dito. Dapat sinabihan mo kami. Oh di sana hanggang ngayon buhay pa sila Arnold." Sabi ko na parang sinisisi pa. Oo, sinisisi ko sya. Masama ba ko? Nagpapakatotoo lang ako
"Shut up Gail! Alam ko namang nonsense lang ang sasabihin nyo sakin pag sinabi ko yun. At inaamin ko namang kasalanan ko talaga. At kasalanan mo din." Sabi nito at tulak ng bahagya kay Gaisea at humiwalay sa pagkakayakap.
"Roselyn look what happened to them! To Arnold!" sigaw ko na. Nakakapikon!!!!!!! Mag sisisihan pa ba kami?!
Napahawak na lang sa kamay ko si Babs.
"Sorry! Im so sorry! Sorry!!!!!" Malakas na pagkakasabi nya.
Tahimik lang kaming lahat at tanging iyak nya at "sorry" nya lang ang maririnig.
"Wala na naman magagawa yang sorry mo." Bulong ko at lahat sila ay napatingin sakin.
"Sorry." Tapos tumayo na ako at lumabas sa mini stop para mag pahangin.
-------
@GaillersXOXO
![](https://img.wattpad.com/cover/1694295-288-k402353.jpg)
BINABASA MO ANG
OBSESS KiLLER (COMPLETED)
Misterio / SuspensoPaano pag nalaman mong may nagkaka gusto sayo? Matutuwa ka diba? Pano pag nalaman mong may patay na patay sayo? Mas matutuwa ka diba? Yung tipong laging naka sunod sayo, laging naka nandyan para sayo, at madami pang kayang gawin, basta mapa Oo ka la...