Scary Creepy #10: The Road Part 1
Pinaandar din agad ni Babs ang sasakyan at mabilis naman kaming nakalabas sa mansion kaso nga lang malayo layo ito sa kabayanan at malayo layo pa ang aming lalakbayin.
"Nakakatakot naman kasi eh. Bakit ba kasi ang liblib dito *sob*" mahinang sabi ni Gaisea habang tinatap sya ni Jorey. Ang sweet nila. Sila na ba? Tss not this time Gail. Not this time Guys.
Tahimik kami sa byahe dahil tulog na yung iba. Ako naman ay napipikit na pero nagulat ako ng napasigaw si Arnold.
"Guys look may naaaninag akong linawag oh?!" sabay turo nya sa may
I think gasoline station?
"Wow! Thanks!" sabi ko agad dahil nakikita na namin yun kahit maliit pa yung lettering ng name ng gasoline station.
(It means malayo layo pa rin.)
Nagmulatan naman silang lahat sa likod at mukhang mga excited nang makarating doon ng biglang tumigil ang sasakyan.
"Bakit? Ano nangyari?"
"Naubusan ata tayo ng gas." Matipid nyang sagot.
"Ha?!" Ako tsaka si Gaisea ang napasigaw.
"Nagka ligaw ligaw kasi kami kanina. Sobrang pala nito tsaka wala man lang direksyon eh. Sabi nyo meron?" Singit naman ni Jorey
"Ha?" kaming lahat. Malayo? Siguro nga, pero di naman yung "sobrang layo" walang directions? Seriously?
"Darling kanina meron namang direksyon tsaka ngayon ko lang napansin, ang layo nga noh?" Gaisea
"Hep hep! Ano? Tutunga-nga na lang ba tayo dito, mag uusap? Baka maabutan pa tayo ni Sir. Ako na maglalagay ng gas. Tyrone Dude may gas bas a likod?" As always our peacemaker, Arnold.
"I dunno. Di ko naman chineck kanina. Kasi puno naman 'to."
"Sige." Tsaka bumaba ng sasakya si Arnold at sumama pa si Roselyn
Ilang minuto na ang lumipas ng biglang may kumalampag ng sasakyan.
"Dude meron pa. Wait, lagyan ko lang!" Nakangiti pang sabi ni Arnold.
Kinabahan naman kami dun.
Tahimik naman kaming nag iintay sa loob ng marinig naming pinagtatabuyan ni Arnold si Rose.
"Honey pumasok ka na kasi. Malamok dito at isa pa kaya ko na 'to. Konti na lang oh? Tsaka I love you."
"Sige. I love you too." Aba? Minsan na nga lang magsalita 'tong si Rose, ganon pa.
Ilang minuto pa. Ilang minuto pa. Ilang minuto pa.
Ang tagal naman nya!!!
"Arnold! Ang tagal naman!" Reklamo ko. Habang sumilip pa sa may window.
Bigla naman binuksan ni Babs yung pinto ng kotse tsaka lumabas. Psh. Baka naasar sa kakasigaw ko. Pwes, dapat kanina pa nya ginawang lumabas para tumulong. Para naman syang hindi lalaki.
"Dude dalian mo. May naiinip dun sa loob na babae. Tsss. Baka maabutan din tayo nung baliw na yun."
"Eto na nga. Konti na lang talaga."
"Ay Dude, fegsfstnjyleetebo whretb heb wzoithw. Kahit na anong mangyari. Okay?"
"Nababaliw ka na ba?"
"Oo. Kaya please, dude, Tyrone, nakikiusap ako."
"Tsss pwes, hindi ko gagawin yun. Hindi namin magagawa yun."
"Dude."
"Haaaaaay. Ge. Kung yan ang ikakasayaw mo. Baliw ka na."
Rinig ko pinaguusapan nila, bukas ang bintana ko. Except dun sa bulong. Tsaka kita ko sila maintindihan? Nababaliw na si Arnold? Don't tell me bumigay sya at may lihim na gusto kay Tyrone?!
Matamlay naman si Babs na pumasok sa sasakyan. Mamaya ko na sila tatanungin.
,
Habang si Arnold naman papaupo na sa backseat ng biglang
"Araaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy. Takte! Takte!" malakas nyang sigaw at biglang labas ni Rose kahit na nasa may pintuan na sya ng kotse.
Naglabasan naman kami pwera kina Gaisea at Jorey. Masyado kasing natakot si Gaisea kaya ayun naginginig.
"Takte!!!! Ano ba 'tong nasa may gilid." Tinuro naman ni Arnold yung patusok kung ano man yun na tumusok sa paa nya.
Sinundan namin yung panusok na yun, pero dito lang sa parteng to meron.
"Shit! I think isa 'yan sa patibong ni Sir. Pssh. Akala nya siguro mabubutas nya yung gulong natin."
"Guys stop na, pwede ba nating ipasok na sa kotse si Arnold kasi baka maubusan sya ng dugo dito. Ang lalim ng sugat nya. At baka matetano pa sya kung hindi natin agad maaagapan. So let's go?" Yaya ko sabay bukas ng pinto kina Rose na inaalalayan ang boyfriend.
Si Babs? Ayun basta pumasok sa loob ng sasakyan pagkasabi ko ng let's go. Di man lang icheck muna ang iba pang gulong? Tssss ano bang problema nya?
"Gail ikaw muna ang pumasok. Mamaya maiwan ka namin. Baka di mapansin ni Tyrone na, wala ka sa tabi nya." Sabay labas ng dila nya. Tae talaga 'tong si Arnold, walang pinipiling oras para mag patawa. I smile on him. Buti pa sya napapangiti ako ngayon kahit na ganito na ang sitwasyon. Eh yung isa, seryoso na nga, nakakainis pa sa biglang kasungitan! Iba talaga pag may "period" Tssss
![](https://img.wattpad.com/cover/1694295-288-k402353.jpg)
BINABASA MO ANG
OBSESS KiLLER (COMPLETED)
Misterio / SuspensoPaano pag nalaman mong may nagkaka gusto sayo? Matutuwa ka diba? Pano pag nalaman mong may patay na patay sayo? Mas matutuwa ka diba? Yung tipong laging naka sunod sayo, laging naka nandyan para sayo, at madami pang kayang gawin, basta mapa Oo ka la...