Denise Faith Lee's PoV
"Aray ko munch ko!" Sigaw ni changbin habang ako Panay ang sampal sakanya. Walangya kasi to eh!
"Tama na munch ko! Isa lang naman yun eh!" He said. Nagblush naman ako, tangina! Walang nangyari gaya ng nasa isip niyo ha! Ninakawan niya lang ako ng halik sa labi kanina sa kusina!
"Hoy hoy Tama na yan kanina pa kayo sampalan ng sampalan diyan" sita samin ni kuya chan at nakita kong bihis na bihis siya. Saan naman ang punta nito?
"Saan ang punta mo kuya? Bihis na bihis ka ah?" I said at tinigilan ko na ang paghampas kay changbin.
"Gwapo ba faithy?" Kuya chan asked at nag pogi sign.
"Syempre naman kuya! Ikaw pa ba?" I said and laughed.
"Tsk" si changbin yan, tiningnan ko naman siya at nakita ko itong naka pout. What the hell?!
"Hahahaha someone is jealous faithy, mauna na ako ha? Bye guys" sabi ni kuya chan at umalis na. Hindi naman ako pinansin ni changbin ng tanongin ko ito kung saan pupunta si kuya chan.
"Uy!" I said, hindi pa rin siya umiimik at patuloy sa paglalaro sa cellphone niya.
"Changbin!" I shouted pero wala pa rin. Ano nanaman kaya ang problema nito? Patuloy lang siyang naglalaro sa cp niya.
"Munch ko!" Tawag ko sa endearment naming dalawa, lumingon naman siya at ngumiti. Okay? Bipolar?
"Yes munch ko?" He asked at ngumiti ng malapad.
"Bakit di mo ko pinapansin munch ko?" I asked him. Nagpout naman siya kaya di ko napigilang hindi siya kurutin sa pisngi.
"Ouch munch ko! Nagseselos kasi ako kay hyung chan, sinabihan mong gwapo. Ako lang dapat gwapo sa paningin mo" he said seriously at Maya Maya biglang nagpout. Ang cute pala magselos ng boyfriend ko! Oh ha! Boyfriend! Feel na feel ko wag kayo!
Napangiti naman ako sa sagot niya, yinakap ko siya at sinabihang
"Baliw ka talaga munch ko, syempre ikaw ang pinaka gwapo para saakin. Ikaw ang mahal ko eh" I said and pinch his nose. Napangiti naman siya at yumakap saakin.
"Date tayo?" He said seriously.
"Baliw ka! Wag na baka sugurin pa ako ng mga fangirls mo. Mag movie Marathon nalang tayo kasama yung ibang skz members okay munch?" I said. Nagpout naman siya ngunit sumang ayon na rin sa kagustuhan ko.
---
Bang Chan's PoV
Nagdrive ako patungo sa address na ibinigay ni vievie. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa tapat ng isang bahay, bumaba naman ako sa kotse at nagdoorbell.
"Teka lang!" Nadinig kong sigaw ng isang babae. Binuksan naman niya ang gate.
"Sino po kayo?" Tanong sakin ni manang Josephine. Ngumiti naman ako sakanya
"Yaya naman! Nakalimutan mo na yata ang gwapong si chan!" I said and laughed, nabigla naman siya ngunit kalaunan ay yinakap niya ako ng mahigpit.
"Jusko! Ikaw na ba si chan? Nako binata ka na! Teka si Marv ba ang ipinunta mo dito?" She asked.
"Opo ya, susunduin ko po siya tsaka si ate araina kasi magpapasukat raw po ng wedding gown" pinapasok naman ako ni yaya Josephine at pinaupo sa sofa.
"Teka lang ha? Naghahanda pa ata sila eh. Tatawagin ko na muna. Gusto mo ba muna ng juice o kahit na anong maiinom?" Yaya Josephine said. Umiling naman ako kasi busog pa ako, kanina kasi ang rami kong nakain ang sarap kasi ng luto ng prinsesa sa bahay namin.

BINABASA MO ANG
Me and the Nine Idiot Idols
FanfictionDenise Faith Lee only wants to get off of her manipulative life, that her parents wants for her. She run away just to stay away from getting married to a man who she doesn't love but her parents insisted her to marry him. She run away, but she did...