Chapter 4.

1 0 0
                                    

Sky

"Teka lang ho maam pero, siya ang partner ko?" Tanong kong parang di makapaniwala.

"Do you have any problem with that?" Biglang sumagot si Zion.

"For starters you don't look like you're one to join such activities." Sumbat ko.

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa saka umirap. "You don't look like one either so call it quits."

Ay, tama naman siya bes.

Pero kahit na!

Isa si Zion sa mga taong walang ginawa kundi pagtinginan ang itsura ko. Alam ko ang ugali nila.

Yung mga barkada nyang lalake na walang ginawa kundi pagtripan ako. Birds of the same feather flock together mga beh.

"We chose Mr. Montemayor since siya ang pinaka may experience sa mga ganitong bagay, bilang modelo siya, at pumayag naman siya." Pagpapakalma ni maam Lovely samin.

"Mackoy?" Sabi ko na para bang humihingi ng tulong.

"Sorry love. I did not know this." Sabi nya na nakataas ang dalawang kamay para ipaalam sakin na wala siyang magagawa dito.

Sa gilid ng paningin ko nakita kong sumama ang tingin ni Zion kay Mackoy.

Problema non?

"Magsisimula ang practice nyong dalawa next week since magsisumula na din ang preparations ng bawat level. I expect you two to be civil to each other." At tinignan kami ng guro namin na para bang 'subukan-nyong-suwayin-utos-ko-lagot-kayo'.

"Gladly." Sabi ni Zion na may sarcastic na ngiti.

*****

"Pano na to Mackoy?" Sabi ko kay Mackoy habang nakasakay kami sa sasakyan.

"Aba iha. Ano namang kinakatakutan mo e maganda ka naman?" Singit ni Mang Danny.

"Yun din sabi ko sakanya Manong! E ayaw maniwala netong amo mo." Sabat ni Mackoy na nakangiti kay Mang Danny.

"E kase nga naman halos buong school population natin, tawag sakin baduy, jologs, panget at kung ano ano pa!" Sumbat ko.

"Bakit iha? Maganda ka naman kahit ano pa suot mo ah. Tsaka desente naman tignan." Sabi ni Mang Danny. Halatang napag iwanan ng panahon yung driver ko. Di pa siya nasasanay makakita ng babaeng halos kita ang kaluluwa sa damit na suot. May dalawang anak na babae kase si Mang Danny at tulad ko, mas gugustuhin naming matawag na jologs kesa sa mabastos sa daan.

"Kapag inaway ka ng mokong na yun magsumbong ka sakin. Ako bahala dun." Sabi ni Mackoy habang nakahawak sa kamay ko.

Jusmiyo. Mackooooyy.

"Oh bat ka namumula?" Tanong niyang nag-aalala.

"A-ah wala." Kaya napatingin na lamang ako sa bintana sa kabuoan ng biyahe.

"Gusto nyo ba munang pumasok?" Tanong ni Mackoy nung napansin kong huminto na nga pala ang sasakyan.

Tumango ako sa kanya at bumaba ng sasakyan habang nakasunod si Mang Danny.

Maliit lang bahay ni Mackoy kumpara samin. Isang bungalow type na bahay na may dalawang kwarto, kusina at sala.

"Magandang gabi ho tatay Julian, nanay Teddy." Bati ko sa mag-asawang busy sa pagluluto ng hapunan.

Nanay at tatay ang tawag ko sakanila kase yun ang nakagisnan kong itawag sa kanila. Sabi kase ni Mackoy parang anak na din ang turing nila sakin kaya gusto nilang tawagin ko silang nanay at tatay.

Si tatay Julian nagtatrabaho bilang security guard sa isang banko. Mamayang alas dies aalis na ito upang magtrabaho.

Si nanay Teddy naman, namamasukan bilang labandera sa kapitbahay. Teodora ang totoo nyang pangalan pero ang tawag ko sakanya nanay Teddy.

Ang dalawang nakabababatang kapatid naman ni Mackoy na si Mark at Mason ay parehong nasa elementarya pa lamang.

"Ate Skyyyyyy." Sigaw ng dalawa.

"Oy. Kamusta mga bubwit?" Sabi ko habang niyayakap nila ako sa magkabilaan.

"Nanligaw na ba si kuya Mackoy? Gusto ka na namin maging ate eh." Sabi ni Mark.

"Hoy!" Sigaw ni Mackoy na di makatingin ng diretso sakin.

"Ang torpe mo talaga kuya." Nakangising sabi ni Mason.

"Ate, ako nalang manliligaw sayo." Nakangiting sabi ni Mark.

Nakoooo. Ang kyut nila!

"Oh talaga?" Sagot ko kay Mark habang hinahawakan nito ang kamay ko.

Laking gulat ko nalang ng hilain ako ni Mackoy, sabay yakap sakin sa likod. "Akin lang si Sky. Tsaka ang bata mo pa."

Cue in blushing. Shet naman Mackoy!

Buong lakas akobg kumalas sa yakap ni Mackoy, kahit na ayaw ko, at sumali sa usapan. "Kayo talaga. Isusumbong ko kayong tatlo kay Nanay Teddy!"

"Wag!" Sabay sabay silang tatlong umayaw sakin at napatawa nalang ako.

"Hali na kayo. Kumain na tayo." Biglang sigaw ni nanay teddy at lahat kami ay agad na nagtungi sa kusina.

"Balita ko kasali ka sa school pageant Sky. Naku! Manunuod kami!" Pasimula ni Tatay Julian.

"Eto kaseng anak nyo, pinasubo pa ko." Akmang iirap na sana ako kay Mackoy pero kitang kita ko sa mukha niya yung saya kaya di ko itinuloy.

"Alam namin mananalo ka kase di ka lang maganda, matalino pa." Ngiting sabi ni Nanay Teddy. Kitang kita na proud na proud siya sakin. First time ko kaseng sumali sa mga patimpalak na tulad nito.

"Naku. Di po tayo sigurado don nanay Teddy. Lahat naman po ata ng kandidata na kasali siguradong mas maganda sakin." Masarap magluto si nanay Teddy. Alam mo yung lutong may pagmamahal?

"Para sakin ikaw ang pinakamaganda." Tumingin ako kay Mackoy at nakatingin naman siya sakin. Yung mga mata nya may kinang na di ko maipaliwanag. "Syempre bespren kita eh. Ikaw talaga pinakamaganda."

Bespren kita eh.

Nakakainis yang isang salitang yan kung minsan eh. Bespren.

"Si kuya, pumopogi points sa crush niya oh!" Nakatawang sabi ni Mark at napatawa ang lahat liban kay Mackoy. Nakatingin parin siya sakin.

Saka lang naputol ang titigan namin dalawa ng tumayo si tatay Julian. "Alis nako mahal."

Iniligpit ni nanay Teddy ang pinagkainan ni Tatay Julian saka tumayo narin ako. "Tara tay. Hatid ka na namin."

Tumango lang si tatay Julian saka pumunta sa kwarto nila para magbihis.

Nagpasalamat ako kay nanay Teddy para sa hapunan saka tumungo sa sasakyan kung saan naghihintay si tatay at si Mang Danny.

"Teka Sky." Narinig kong sabi ni Mackoy habang hinahawakan ang kamay ko. Akmang may sasabihin siyang importante sakin pero nahalata kong pinipigilan niya ang sarili niya. "Tawagan moko kapag nakauwi kana at kung may problema, okay?"

Tama nga pala, simula ngayon ako nalang mag-isang maiiwan sa bahay. Tumango ako kay Mackoy saka niya binitawan kamay ko. "Alis na po kami nanay!" Sigaw ko sa loob ng bahay.

Ano kayang sasabihin ni Mackoy?

Ang Bad Boy at Ang Baduy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon