Chapter 8 v.2

1 0 0
                                    

Mackoy

"Binibisita ko lang ang crush ko." Nakangiting sabi ni Zion sa lahat. Pero yung ngiti niya, para kay Sky.

Selos.

Oo nagseselos ako. Pero hindi sa kaparehas na rason na sinabi ko kay Sky.

Nagseselos ako kase mahal ko si Sky.

Oo. Mahal ko siya.

Matagal na.

Simula nung 10 years old palang kami, alam kong crush ko na si Sky. Naging kasambahay si nanay kina Sky dati at dun ko siya unang nakilala.

Hindi siya yung tipong anak mayaman na snob at masungit at may mababang tingin sa tulad ko. Si Sky? Siya yung tumutulong kay nanay sa paglalaba. Tumutulong magdilig ng halaman, nagpapaturo kay nanay na magluto. Siya yung tipong imbis na barbie ang bilhin niyang laruan, remote control cars or di kaya cards para lang makalaro niya ako.

May time na inakala ng mama niya na matotomboy si Sky eh.

Nagseselos ako kase alam kong wala akong pag-asa kay Sky.

Di kami babagay eh.

Oo na, sabihin nyo nang duwag ako. Pero mas gugustuhin kong mahalin si Sky bilang bestfriend niya kesa mawala siya ng tuluyan sakin.

Wala naman akong maibibigay sa kanya.

Hindi katulad ni Zion. Kaya niyang ibigay lahat ng gusto ng Sky.

"Okay lang yan Mackoy." May malungkot na ngiti sa labi ni Eli.

"Wala akong laban eh." Sagot ko sa kaibigan ko.

"Mas mahal mo naman siya kesa sa kanya. Malaking laban yon."

"Pero anong maibibigay ko sakanya?"

"Kung tama ang pagkakakilala mo kay Sky, sa tingin mo ba hihingi siya ng hindi mo kaya?" Tanong niya.

"Di niya ako gusto."

"So ano plano mo?"

"Maghintay."

"Maghintay? Hanggang kelan mo kayang maghintay?"

"Alam ko masamang hilingin to pero hanggang sa maisipan nyang di siya mahal ni Zion tulad ng pagmamahal ko."

Umiling si Eli sakin. "Pare, payong kaibigan lang. Unahan mo na bago ka pa maunahan ng iba." Saka siya umalis para tumulong sa classmates naming balik trabaho na ulit.

Ang Bad Boy at Ang Baduy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon