Chapter 11.

0 0 0
                                    

Sky

"Wag ka ngang magulo. Dun ka sa bespren mo." Napipikon na saad ni Mira kay Alec na kanina pa nang-aasar sa kanya.

"Para hug lang?" Nakangising sagot ni Alec, na tila ba hindi nararamdaman ang pagkainis ni Mira.

"Fu-"

"Ops! Tama na yan mga bata." Sigaw ko at baka maituloy pa ni Mira ang sasabihin nyang di maganda.

I'm trying to be a good friend at sisimulan ko yon sa pag pagpigil sa kanyang sasabihing di maganda, na alam kong pagsisisihan niya mamaya.

Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Alec pero saglit lang to bago napalitan ng pilit na mga ngiti.

"Pikon talo." Nakangiting saad nito bago umalis para kausapin malamang si Zion.

Si Mira naman, nakabusangot sa harapan ko.

"Wala na siya, pwede ka nang kumalma." Sabi ko sa napipikon na babae sa harap ko.

"Alam mo kung di ko lang asa-" Napahinto siya, nagulat sa kamuntikan niya nang masabi.

Asa? Ano?

"Kung di mo lang siya ano?" Tanong ko na ikinapula ng pisngi niya.

"W-wala." Sagot nito na may tawang kinakabahan.

Hinayaan ko nalang siya saka umupo ako sa tabi nya. Late ata ang choreographer namin ngayong araw kaya heto kami, tambay sa auditorium.

"Alam mo, para kayong matandang mag-asawa kung mag-away ni Alec." Natatawa ko pang saad.

Sumimangot siya sakin. "T-talaga? E di nga kami bagay nyan eh. Ang landi."

Napatawa ako sa pag-utal niya. Kung nababaliw na'ko, iisipin kong secretly married tong dalawang to eh. Pero umangat ang pagiging mabuting kaibigan ko laban sa pagiging curious ko.

"You know, for the time I've known you guys, I've always been observant. And trust me, I'm usually not the one to give advices but rather the other way around." Pag amin ko. Naaalala ko yung sa grocery.

"You can't always go grocery shopping." Mga salitang nagmarka sa isip ko sabay ang lalakeng nagsabi nito.

Napatingin ako kina Alec at Zion na parehas na tumatawa. Ang ganda tignan eh.

"Alec may or may not flirt with every woman he meets but he never looks at other girls the same way he does to you." Gulat. Yan ang nasa mukha ni Mira matapos kong sabihin ang mga yon.

"He doesn't like me like that." First time kong makitang malungkot si Mira dahil naiisip niyang di siya gusto ni Alec.

"Pano mo naman nalaman yan?" Tanong ko. "Sinabi niya ba sayo?"

Umiling siya sakin. "Naging ex ni Alec ang ate ko." Pag amin niya. "And he loved her so much."

Ako naman ngayon ang nagulat.

"The way he treated her when they were still together is way different than how he's treating me right now. He was always so gentle, so kind, so... loving towards her. Exactly the opposite of how he treats me." Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"What happened to them? Why did they break up?"

"My sister died. Cancer." Di ko alam kung pano siya humugot ng lakas para sabihin sakin yun pero yumakap lang ako sakanya.

"Sorry for asking." Malungkot kong saad sa kanya.

"I'm okay. But I think Alec is still in love with her. Sabi ni papa na sobrang magkamukha kami ni ate kahit na light brown ang buhok niya habang sakin naman, itim. Feeling ko kaya lang ako kinakausap ni Alec kase iniisip niya na buhay pa ang kapatid ko sa katawan ko." Tumingin siya kay Alec at alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Bad Boy at Ang Baduy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon