Chapter 10 v.2

0 0 0
                                    

Alec

Ang lakas talaga ng topak ng babaeng to.

Napupuno na namin ang pang sampung cart.

"Do you even know what you're buying?" Tanong ko sa kanya.

"Of course I do!" Sagot nito habang nakatingin sa binabasa nyang pancake mix.

"Then what's that?" Tanong ko kahit alam ko naman na di niya alam.

"Flour duh?" Sagot nito na nagroll eyes sakin.

"It clearly says pancake mix, right in there in the front, but you're calling it flour?" Technically she was right but pancake mixes were more than just flour.

"It's fancy name for flour." Pagmamatigas nito sabay irap sakin.

"Ang gwapo nya." Rinig kong sabi ng babae sa gilid namin.

Nahinto si Mira sa pagbabasa, nakikinig sa dalawang babaeng nag-uusap.

"Kaso mukhang kasama niya yung girlfriend niya." Bulong nung isa.

Konti nalang.

"Baka kapatid niya. Di naman sila mukhang sweet eh."

"Excuse me, but if you're gonna talk about me and my husband then do it where we can't hear you!" Sigaw nito sa dalawang babae na nagulat. "And next time, learn how to whisper properly!"

Ayun, sabi ko naman konti nalang.. Ang pasensya ng asawa ko.

Oo tama yung dinig nyo, asawa ko tong lokaret na babaeng to.

Kung pano? Di ko rin alam.

Walang nakakaalam kundi ako, siya, at pamilya namin sa sitwasyon naming dalawa. Minabuti naming ganon habang naghahanap kami ng paraan para makipagdivorce.

Feeling ko kase kapag siya ang asawa ko at sa iisang bahay kami titira, sigurado akong sasabog ang bahay.

Di kase kami magkasundo nito.

"Naku ang lalandi!" Pagreklamo nito.

"O bakit, nagseselos ba ang asawa ko?" Tanong ko sakanya na nang-aasar. Ang kyut niya kaseng mapikon.

"H-hindi ah!" Pautal-utal nitong sagot.

"E bat ka nagagalit?" Pang-aasar ko.

"E sabihan ba naman akong kapatid mo! Ang pangit mo. Di kita bagay maging kapatid." Saka siya umalis para maghanap ng kung ano pang gusto niyang bilhin.

Aminado ako, mahal ko siya kahit minsan nakakabaliw siya, pero kung hindi naman siya masaya sakin, isasakripisyo ko kaligayahan ko para sa kanya.

Ang Bad Boy at Ang Baduy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon