Chapter 6.

1 0 0
                                    

Sky

"Zion Montemayor?"

"Sup." Sabi nito na para bang hindi guro ang kausap.

Attendance call kase.

Tinaasan lang siya ng kilay ng guro saka nagpatuloy basahin ang attendance sheet.

"Skylar Buenavista?"

"Present sir." Itinaas ko ang kamay ko para makita ako ng guro.

"Sky?" Sabi nito sabay adjust sa glasses nito.

"No way!" Sigaw ng isang babae.

Bakit? Ano bang meron? May dumi ba mukha ko? Bat nila ko pinagtitinginan?

"Dude, from nottie to hottie in a snap." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa gilid ko.

"I thought she was a transferee. Damn." Sumbat ng kausap niya.

"Is this some sort of joke?" Pataray na sabi ng isang babae habang naglalakad papunta sakin. "Asan yung baduy? Wag nyo kaming pinaglololoko."

"Why, are you intimidated that she's obviously way more beautiful than you? Do you feel the need to have the 'baduy' so that you'd feel better?" Sumingit si Zion sa harap ko at ng babae.

Dalawang beses niya nang ginawa to; Ang ipagtanggol ako.

It's the game. He wants you to fall in love, remember?

"Because technically even if she was 'baduy' she is way more than you ever are." Di ko alam pero napanatag ako. May mga sitwasyon na kaya ko naman panindigan ang sarili ko pero ngayong napapaligiran ako ng mga taong binansagang pinakamagaganda at gwapo sa school. Nakakaintimidate din naman.

Di naman nila ako pinagtuonan ng pansin habang nung mga panahong di pa ako kasali sa pageant. Bakit naman? E sa sobrang daming tumitingala sa kanila, mas pipiliin nilang tumingin sa katabi kesa sa nasa baba nila.

"Oh please. Just because she suddenly became.. somewhat humanlike, doesn't mean she's our level." Sabat naman ng babae.

"That's enough. I will not tolerate this kind of behavior Ms. Adams. If you continue to bully Ms. Buenavista or any other contestants for that matter, I will disqualify you." At dun nahinto ang usapan.

"Someone clearly isn't going to win Miss Friendship." Sabi ko saka napatawa ang ibang contestants.

****

"So.. Skylar Buenavista. Hi! My name's Alec. Alec Donati." Bati ni Alec sakin.

"Wait.. Donati? As in million dollar rich Donati?" Tanong ko.

Ngumiti si Alec at namula ako. Shet gwapo ni kuya mga beh. "Yep. That's the one."

"Pasensya na. Alam kong di ako nakikihalubilo masyado sa ibang tao pero curious lang ako, bat ka ba nila tinatawag na baduy e ang ganda mo naman?" Cue in the blushing. Matinik sa salita si Alec.

"Ah. K-kase di naman ako ganto manamit dati." Sabi ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang dulo ng palda ko.

"Pano ka ba manamit dati?" Tanong nito. Halatang walang alam.

"Seryoso?" Tumango siya sakin.

"No offense pero yung circle of friends ko, nasa same lifestyle ko lang din. Take Zion and Poppy for example." Turo niya sa dalawa.

Poppy pala ang pangalan nung babae kanina.

I get it now, rich with the rich.

I mean, my family is fairly rich compared to others, but not rich like million dollar rich tulad nila Zion at Alec.

Ang Bad Boy at Ang Baduy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon