Chapter 7.

1 0 0
                                    

Sky

Five hours straight na kami nagpapractice at medyo napapagod na yung paa ko. Hindi pa nakakatulong na medyo masakit na yung ulo ko kase mag sisix pm na at patapos palang ang practice. Gutom nako dahil fish and chips lang kinain ko kaninang lunch. Dapat talaga kumuha na ako dun sa battered chicken ni Zion eh.

"You okay there babycakes?" Tanong ni Alec sakin na nakahawak sa bewang ko. Feeling ko kapag binitawan niya ako matutumba ako sa pagkakatayo ko. "Woah steady."

Medyo nahihilo na ako kaya medyo naapektuhan ang katawan ko. "Come here. Hold on if you still can okay?" Binuhat niya ako papunta sa mga upuan sa baba ng stage.

"Mr. Donati, what are you doing?" Sigaw ng guro kaya napatingin ang lahat samin. Si Zion na kaninang walang pake sakin biglang tumayo.

"Hey. What the hell are you doing?" Tanong nito na medyo galit kay Alec.

Di siya pinansin ni Alec at sa guro sumagot si Alec. "Sir I think she's over fatigued. She's starting to get pale." Tumawag ng medic ang guro at biglang nahinto ang practice.

"Hey." Narinig kong boses ni Alec sa posisyon kong nakayuko. "It's okay. I got you. You're okay."

"What the hell is happening?" Tanong ni Zion.

"Look Z. Now's not the time to be selfish. She's clearly not in a good condition okay?" Sagot ni Alec.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Zion sa pisngi ko.

****

"You're awake." Narinig ko ang boses ni Zion.

"What happened?" Tanong ko. Nagising na lamang ako sa isang puting kwarto. "Oh my god am I dead? I'm in hell! Because you're here!" Sigaw ko.

Tumawa si Zion sa mga sinabi ko. "Calm down treasure. You're not dead and no I'm not gonna end up in hell with you so cross that off your bucketlist."

"Anong nangyare?"

"Over fatigue and lack of nutrition. Di ka ba kumakain Sky?" First time niy akong tawagin sa pangalan ko. Alam kong nagsisimula ng mamula ang pisngi ko. "You're blushing because?" Pang-aasar nito sakin.

"Shut up." Tumayo ako sa pagkakahiga ko at tinignan ko ang paligid. "So I take it na hinimatay ako."

Tumango si Zion.

"Tara hatid na kita." Alok nito.

"Kaya ko sarili ko." Pumunta ako sa locker ko saka kinuha yung mga gamit ko pati yung susi ng sasakyan.

"Sa tingin mo hahayaan kitang magmaneho mag-isa?" Pagmamatigas nito.

Tinignan ko siya. "O bakit, concerned ka? Mahal mo na ba ako?"

"Hindi." Aray. Ang bilis magdeny ng kuya nyo. "Pero I'm trying to make you fall in love with me, so let me take you home."

"What if I say no?" Paghamon ko.

"Then I'll kiss you if you say no."

*****

So ayun, nagpahatid ako kay Zion kase narealize ko na talagang mabait lang siya at concerned citizen lang siya.

Hell to the fucking no.

Syempre no choice na ako. Di naman ako titigilan ng mokong kahit na hindian ko siya. Wala sa diksyonaryo nya ang salitang 'hindi' at 'pagsuko'.

"So why the sudden change of heart Mr. Montemayor? Kanina wala kang pake kung ano man mangyari sakin. Anong pinagkaiba ngayon?" Isa ito sa mga nakakainis na ugali ni Zion. Yung pagkabipolar niya. Minsang kalmado, madalas suplado.

"Could you atleast stop calling me Mr. Montemayor? That's my dad. My name's Zion." Sabi nito na panakanakang tumitingin sakin at balik nanaman sa daan.

"So should I call you Zion or Z or what?"

"You can call me babe for starters." Kindat nito sakin.

"How about no?" Sumbat ko at natawa lamang siya dito.

"You can call me Z. It's what my friends call me."

"So does that mean we're friends?" Tanong ko sakanya. Tumahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita.

"I guess you could say that. I'm trying to win your love aren't I? So atleast we have to start from something."

Di ko alam. Bat parang may hidden meaning? Bat parang may clues na dapat ko makita? Di naman to Blues Clues ah.

Napansin kong nasa tapat na kami ng bahay ko. Binuksan ng guard yung gate at saka lang niya isinarado ng makita nyang nakapasok at nakapark na ang sasakyan.

"I should get going. Baka magalit yung parents mo." Akma na itong aalis ng pinigilan ko ito.

"We're friends right? Pasok ka muna. I'll make something. Think of it as a treat for driving me home safely." Nginitian ko siya at dun nya lang narealize na seryoso ako.

What? Di naman ako ganon ka heartless.

"Oh uhm.. uh." Napansin kong di siya mapakali kaya natawa ako.

"If you're worried about meeting my parents then you can relax now."

"They aren't home?"

"They never are."

Ang Bad Boy at Ang Baduy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon