First Encounter
First day of school is the first day of hell for me. Maisip ko pa lang na papasok nanaman ako ay gusto ko na kaagad umuwi.
"Bye, Mom!" sigaw ko.
"Hindi ka man lang ba kakain ng breakfast?" Tanong ni Mommy kaya naman napabuntong hininga ako.
"Edi sana po hindi ako nagpaalam na aalis na kung mag aagahan pa muna po ako, diba?" Sarkastiko kong sagot kaya naman agad siyang lumabas mula sa kitchen na may dalang...sandok ba yun?
"Anong sabi mong bata ka?!"
"I love you, Mom! Mag iingat po ako!" Sigaw ko na lang saka dali daling lumabas ng bahay.
Nanlulumo naman akong pumasok ng school dahil kung ako lang ang masusunod ay hindi na ako papasok. Nang makarating sa school ay parang gusto ko ng umiyak. Tinignan ko ang tarpaulin na nag wewelcome sa lahat ng students. Maganda ang pagkakasulat ng 'Welcome back to School!' pero ang pagkakabasa ko ay 'Welcome back to hell'.
Kilala ako sa school namin pero hindi ako proud sa bagay na yon. Target kasi ako ng mga bully dahil hindi naman ako maganda pero hindi rin naman panget. Ang level ng ganda ko ay yung mapagtitiisan lang.
Hindi ko alam kung matatawag ba na swerte pero ang mga nambubully sa'kin ay hindi yung mga ultimate bully. Ang nantitrip lang naman kasi sa'kin ay kadalasang classmates ko kaya nga hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pa ba na sila lang ang dahilan kung bakit impyerno ang buhay ko sa school na 'to.
Pagpasok ko sa loob ay may iilan ilan ng students. Hindi naman nila ako magawang tignan dahil daig ko pa ang buni kung makaiwas sila sa'kin. Para bang masiyado akong masakit sa mata na kapag pinag aksayahan nila ng oras na tignan ay kabawasan na yon sa kagandahan nilang wala naman sa hulog.
"Aray!" Sigaw ko matapos matumba.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Nag init bigla ang ulo ko dahil hindi pa nag sisimula ang unang klase ko ay puro alikabok na ako. Nang mag angat ako ng tingin at handa ng bungangaan ang nakabungguan ko ay parang bigla akong naging pipe
Ang kaninang pagiging leon ko ay naging isang pusa. Ang pagiging mabagsik na lobo ko ay naging isang maamong tuta. Ang mga nanlilisik kong mata ay napalitan ng kaba. Sa mga oras na 'to ay hinihiling kong sana ay hindi lumulutang ang isip ko para naiwasan ko ang makabungguan siya
"Look what you did to me! You ugly creature!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Stacey.
Pasimple kong tinignan ang suot niya at wala namang nagbago. Napaka OA naman niya kung makatanong kung anong ginawa ko sa kaniya eh buhay pa naman siya
"Ano?! Hindi ka makasagot?!" Lalo akong napapikit dahil malakas niyang hinigit ang buhok ko.
Pakiramdam ko ay matatanggal yun sa anit ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakahila niya akala mo naman kalabaw ang ulo ko na pang araro sa palayan!
"Eto na! Sasagot na nga eh!" Inis kong sabi saka pilit na lumayo sa kaniya. Kung hindi ko pa kasi yun gagawin ay makakalbo ako ng wala sa plano
"Aba at matapang ka ha?!"
"Nung hindi ako sumasagot nagagalit ka tapos ngayong sumagot ako, ako pa ngayon ang matapang? Yung totoo, sabog ka ba?" Hindi ko maitago ang inis sa boses ko kaya naman lalo siyang nagalit pero wala akong paki alam. Agang aga ako ang naiimbyerna dahil sa kaniya!
"Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?!"
"Eh ako, kilala mo ba ako?!" Ganti kong tanong
"Hindi! Bakit naman kita kikilalanin?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/145873470-288-k170443.jpg)
BINABASA MO ANG
My Contract Boyfriend
Teen Fiction[Completed] Sofia Fae Lopez, a young girl who is just living by simply enjoying her own time and life and not to be bothered by other peoples opinion. Not until destiny played its trick and let her meet James Villaceran who is known for his looks...