Chapter 17

238 5 1
                                    

Nanatili akong nakatitig sa lalaki na ngayon ay hawak ang hawak ang letseng si Vaness. Hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa kaniya dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong gulat at sakit.

"Who started this fight?" Seryosong tanong niya

"Siya!" Sabay na sagot ni Stacey at Vaness habang nakaturo pa sakin kaya naman nanlaki ang mata ko. Nawala ang atensyon ko sa bagong dating at muling kumulo ang dugo ko

"Wow ah? Ako talaga?! Grabe! Luging lugi ako sa inyong dalawa! Kung makapagbintang kayo!" Sigaw ko

"Oh bakit hindi ba?!" Palaban na sigaw ni Stacey

"Hoy bruha! Kayong dalawa ang nag abang sakin dito sa gate! Kababaeng tao niyo pero nag aabang kayo! Tapos ngayon ako sinisisi niyo? Shuta talaga ka-"

"Enough!" Sigaw ng bagong dating kaya naman sinamaan ko na lang ng tingin yung dalawang bruha

"Vaness?" Tanong ng lalaki

"Dad its her. See what she did to me?" Maarteng sabi ni Vaness kaya naman natawa ako

"Aping api ako ah? Kampihan ba ng magulang to? King ina lugi ako! Kayo ang naunang sumugod sakin mga shunga! Hindi ko kasalanan na lampa kayo dahil lahat ng ginawa ko, ang tawag don ay self defense! Sino ba naman kasing bobo ang hindi iilag kung sasabunutan niyo diba?"

"Wag ka ngang mag imbento!" Sigaw ni Vaness kaya naman nginisian ko siya

"Hoy wag mo akong magaya gaya sayo gaga! Nananahimik ako tapos bigla kayong susulpot na parang kabute! Ipinaglalaban niyo ang lalaking hindi naman kayo pinili!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo no?"

"Magtaka ka kapag naging manipis ang mukha ko! Pavictim amp! Hoy gaga! Wag mong ugaliing magmukhang kawawa sa gulo na ikaw naman ang nanguna!"

"Stop it!" Sigaw ulit ng lalaki

"Dad!" Reklamo ni Vaness

"Bruha ka talaga! Wag mo nga ugaliin ang pagiging sumbungera! Ako ang napapahamak dahil sa mga gawa gawa mong kwento! Hilig mo talaga ang paawa effect eh no? Hilig mong isisi sa iba ang kalokohan mo para lang ikaw ang magmukhang kawawa!"

"At ikaw naman masiyadong matapang akala mo kung sino ka eh hampaslupa ka lang naman!" Napatingin ako sa nagsalita at natawa

"Letse ka Stacey! Nandiyan ka pa pala?! Bakit hindi ka na lang umalis dahil tutal ay extra ka lang naman?!"

"I said enough! Kababae niyong tao puro kayo sigawan!" Napatingin ako sa lalaki at sarkastikong natawa

"Mawalang galang na ho pero sa pagkakaalam ko ay hindi nababase sa kasarian ang pagsigaw. Ikaw ang lumapit dito kaya ikaw ang mag adjust. Sisigaw ako hanggat gusto ko kaya wala ka hong karapatan na mag reklamo"

"Wala ka talagang galang no?" Nakangising sabi ni Vaness kaya naman inirapan ko siya

"Bingi ka ba o sadyang shunga lang talaga? Kaya nga sabi ko ay mawalang galang na dahil mawawalan talaga ako ng galang"

"Itigil niyo na ang pag aaway sa harapan ko please!" Sigaw na nakapagpatahimik saming lahat

"Vaness what happened? Putok ang labi mo at namumula ang pisngi mo. Gulo gulo ang buhok mo at gusot na ang damit mo!" Sifaw niya saka hinarap niya si Stacey "Ikaw din! Bakit ganiyan ang itsura niyo?!"

"Yang babaeng yan tito ang may gawa!"

"Ako? Ako talaga? Final na yan? Letse kayo! Hindi ko kasalanan na kaya ko kayong banatan kaya ganiyan ang inabot niyo saka hoy! Kung iisipin ay ako ang lugi sa inyo dahil dalawa kayo at nag iisa lang ako!"

My Contract Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon