We meet again
Pag uwi ko sa bahay ay ramdam ko ang panlulumo sa katawan ko. Pagod na pagod ang katawan ko at lalo na ang isip ko. Iniisip ko lahat ng kagagahan ko ngayong araw. Una, ay ang pagsagot sagot ko kay Stacey. Alam ng lahat kung gaano siya kamaldita, nagkataon lang talaga na mas maldita ako sa kaniya. Ang kaibahan lang naman niya sa'kin ay maganda siya. Pangalawa naman ay yung tungkol kay James. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung sino ba talaga siya.
"Fae?" rinig ko ang pagtawag sa'kin ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko siya sinagot pero narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya for sure ay tatabihan niya ako sa kama.
"I heard that Lianne is already here?" Nakangiting tanong niya. Alam ni Mommy kung sino si Lianne dahil nga bestfriend ko ang bruhang yon.
"Yeah, we met earlier." walang gana kong sagot.
"Aren't you happy that you finally see her again?"
"Of course, masaya ako. Actually, hindi ko siya nakilala at first. Sobrang laki ng pinagbago niya."
"Really?"
"Yes, Mom. Anong malay ko ba naman kasi na ganoon pala ang nangyayari kapag tumira sa Canada. Gumaganda at sumesexy, edi sana sumunod na ako sa kaniya don!" Kwento ko kaya naman natawa siya.
"Bakit naman ang aga mong umuwi ngayon? You should've stayed with her and have some time together" suhestiyon niya pero nakangiting umiling ako.
"I'm tired, Mom. Besides we have a lot of time together naman"
"Are you okay, baby?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mommy kaya naman ngumiti ako.
"Yes, Mom. I'm just tired from school."
"And what did you do to get tired from school?" Nangunot naman ang noo ko sa tanong niyang yon
"Ano bang ginagawa sa school, Mommy? Of course, i study!"
"But you're not studying" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy.
"Mom! I'm studying!" Depensa ko.
"Weh?" Pang aasar niya pa.
"Aish! Ewan ko sayo, Mommy!" Nakalabing usal ko sa kaniya.
Saglit kaming natahimik nang maalala ko nanaman ang kamalasan ko ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay isang malaking pagkakamali ang pagpasok ko ngayon sa school. Kung sana kasi ay umabsent na lang ako, edi sana natahimik pa ang araw ko.
"Mommy?" Tawag ko
Agad naman siyang lumingon sa'kin na may nagtatanong na tingin.
Tumayo ako at tumalikod sa kaniya.
"Check mo nga po kung my balat ako sa pwet at kung ilan?" Seryosong sabi ko pero ang natanggap ko lang sa kaniya ay malakas na palo.
"Ouch!" Reklamo ko.
"Puro ka talaga kalokohan!"
"Eh kasi naman, Mommy! I feel so unlucky today!" Naiiyak ng sabi ko.
"At kailan ka naman nakaramdam ng swerte?!" Nakataas ang kilay na tanong niya kaya lalo akong napanguso.
Nagulat ako nang tumayo siya at halikan ang noo ko.
"Take some rest, baby! Study hard!" Pang aasar niya pa bago ko siya tuluyang makalabas ng kwarto ko.
Lumapit ako sa study table ko at isa isang binuklat ang libro ko, pero wala pang limang minuto ay tinamad na ako. Pakiramdam ko ay isang malaking penitensiya ang pagbabasa ng libro. Kahit na ramdam ko ang pagkabagot ay pinilit ko pa ring magbasa ng libro kaya naman ang ending ay umaga na ako nagising. Tulad kasi ng dati ay nakatulugan ko na ang pag aaral kahit wala pang isang oras akong nakaharap sa libro ko.
BINABASA MO ANG
My Contract Boyfriend
Teen Fiction[Completed] Sofia Fae Lopez, a young girl who is just living by simply enjoying her own time and life and not to be bothered by other peoples opinion. Not until destiny played its trick and let her meet James Villaceran who is known for his looks...