"Ang shunga mo gaga!" Inis kong sigaw sa sarili ko habang nakaharap sa salamin
Kulang na lang ay makipag sabunutan ako sa repleksyon ko dahil sa sobrang pagkaasar ko sa sarili ko. Napaka laki kong gaga para umamin sa kaniya. Ang lakas ng loob kong magdrama at ngayon ay wala akong ibang nararamdaman kung hindi hiya
"Bakit mo ba kasi nasabi yon?! Letse naman oh! Hindi dapat babae ang nauunang umamin sa lalaki!" Sermon ko sa sarili ko
"Pero 2020 na gaga! Hindi na uso yon ngayon!" Sigaw kong muli
"But its different! May mahal siyang iba boba!"
"Hindi naman forever ang pagmamahal niya!"
"Pero hindi pa siya nakaka move on kay Medussa!"
"Edi akitin mo!"
Natigilan na lang ako sa pakikipagtalo ko sa sarili ko sa harap ng salamin dahil sa sinagot ko sa sarili ko. Mukhang nababaliw na yata talaga ako dahil hindi na nga magkasundo ang utak ko ay kung ano ano pang kalokohan ang nasasabi ko
"Aish! Ano bang dapat kong gawin?!" Frustrated kong sigaw
"Fae?! Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan? Ayos ka lang ba?!" Natigilan ako dahil sa sigaw ni Manang mula sa pintuan ng kwarto ko kaya naman nanlaki ang mata ko at napakamot ako sa ulo ko
"Oo naman po manang! Bakit ka nga pala nandiyan? Naging kabute ka na ba bigla kaya bigla ka na lang ding nasulpot?" Tanong ko
"Nako ikaw talagang bata ka! Para kang sira na sigaw ng sigaw kaya pinuntahan na kita! Ano ba kasing sinisigaw sigaw mo diyan at hindi ka magkandaugaga?" Napatitig ako sa mukha ni Manang. Seryoso siya kaya naman napaisip ako. Wala namang mali kung magtatanong ako kay Manang kung anong dapat kong gawin dahil hindi naman niya malalaman na ako talaga yon
Agad ko siyang hinila papasok sa loob ng kwarto ko at paupo sa kama ko. Napasigaw pa siya sa gulat pero hindi ko na yon pinansin. Ang importante sa akin ay mabigyan ng solusyon ang problema ko dahil mukhang mental ang abot ko kinabukasan kapag hindi ako napakali ngayon
"Ano ba iha?! Nahihilo na ako sayo! Pwede bang maupo ka at makipag usap ng matino?!" Saway ni manang
Napabuntong hininga naman ako sa tumingin ng seryoso sa mga mata niya
"Ganito kasi yon manang" panimula ko
"Ano?" Atat niyang tanong kaya naman napairap ako
"Teka lang namang manang! Excited much? Talagang hindi makapaghintay?!"
"Nako magluluto pa ako kaya dalian mo na dahil maghahapunan na!"
"Eto na nga po eh! Ganito nga kasi yon!"
Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari hanggang sa unexpected confession ko. Siyempre hindi ko sinabing ako yon dahil hindi ako prepared sa revelation na yon. Mabuti na lang at mukhang focus din naman siya sa kinukwento ko kaya mukhang hindi ako mahihirapang mag explain sa kaniya
"So ano pong dapat gawin ng kaibigan ko?" Tanong ko pagkatapos kong ikwento ang lahat ng nangyari
"Bakit naman siya mahihiya eh umamin lang siya?" Tanong ni manang kaya naman napabuntong hininga ako
"Kasi nga po ay babae siya at may mahal na iba yung boy" paliwanag ko
"Nako kayo talagang mga kabataan! Sa panahon niyo ngayon ay hindi na importante kung sino ang naunang umamin! Babae man o lalaki ay hindi dapat nagpapaunahan dahil ang importante ay ang nararamdaman"
"Eh?"
"Wala sa kasarian ang pag amin Sofia. Hindi porket babae ang kaibigan mo ay ikakahiya na niya ang pag amin niya at ano naman ngayon kung may mahal na iba yung lalaki? Nakaraan na yon at ang importante ay ang magiging kinabukasan"
BINABASA MO ANG
My Contract Boyfriend
Ficção Adolescente[Completed] Sofia Fae Lopez, a young girl who is just living by simply enjoying her own time and life and not to be bothered by other peoples opinion. Not until destiny played its trick and let her meet James Villaceran who is known for his looks...