Isang linggo na ang nakalipas simula ng huli kaming mag usap ni Dustin. Pansin ko ang pag iwas niya sa akin pero hindi ko siya pinuna tungkol doon. Kung yun ang way niya para naka move on ay hahayaan ko siya. That's the least thing that i could do to him dahil pamemerwisyo lang naman ang naidulot ko sa buhay niya
Isang linggo na din simula ng huli kaming magkita ni James. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero parang ganon na nga. Masiyado pa kasing magulo ang mga bagay bagay. Hindi pa siguro ako handa na harapin talaga siya dahil pareho lang kaming magkakasakitan kapag ganon. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa mabilisan na paraan. Lahat ay dumadaan sa kaniya kaniyang proseso ang for me, this is the right process to fix everything. Give space and let it be
Tamad akong tumayo ng kama ko dahil medyo maaga akong nagising. Sikat naman na ang araw pero para sa normal kong gising tuwing weekends ay maaga na 'to. Dumeretso ako sa banyo at nag ayos ng mukha. Nakakahiya naman kasi kung ang mga kasama ko sa bahay ay fresh na fresh sa umaga tapos ang mukha ko ay daig pa ang pinagsakluban ng lupa diba?
Nang makuntento ako sa pagmumukha ko ay napabuntong hininga ako. Kahit na medyo matagal na ang nakalipas simula ng lumipat ako dito ay naninibago pa din ako. Palaging may kulang. Hinahanap hanap ko ang presensiya ng Mommy ko sa buong kabahayan but no matter how hard i try, hindi ko yon mahagilap
Mabait naman sa akin ang mga tao dito. Hindi nila ako tinuring na iba well siyempre maliban na lang sa half sister kong bruha. Hindi mo naman inaano pero palaging galit gustong manakit. Nananahimik yung tao tapos kapag pinatulan mo ay sumbungera ang peg. Salpakan ko kaya ng walis tambo ang bunganga niya ng hindi na siya makapag sumbong pa diba?!
Agad akong bumaba sa salas at dumeretso sa kusina pero agad akong natigilan nang makita silang buong pamilya na nasa harap ng hapag kainan. Tuloy ay nahiya akong kumain bigla kahit na kumakalam na ang sikmura ko. Mukha kasi silang modelo ng isang perkpektong pamilya. Kung wala lang ako dito ay masasabi kong napaka ganda ng pamilyang meron sila
"Fae iha! Gising ka na pala! Come and join us here!" Agad na sabi ni Tita Minerva pagkakita niya sa akin
Agad namang naglingunan yung dalawa. Si Daddy ay nakangiti habang si Medussa ay deadma lang. Mas mabuti na din yon kesa makipag bangayan siya sa umaga diba? Baka kasi mabadtrip ako at siya ang maiulam ko ng wala sa oras
"Oo nga anak. Akala kasi namin ay tulog ka pa kaya naman hindi ka na namin ginising para mag agahan" nakangiting sabi ni Dad
Nahihiyang ngumiti naman ako dahil hindi ko talaga bet ang sumabay sa kanila. Nakakahiya kasi masiyado lalo na sa pamilya niya. Kahit naman kasi hindi nila sabihin ay alam kong masama ang loob nila sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil ang perpektong pamilya nila ay nagulo ng dahil sa amin ng Mommy ko. Ayaw ko ng dagdagan pa ang perwisyo ko sa buhay nila
"Ah hindi pa naman po ako gutom" pagsisinungaling ko
Agad na tumayo si Tita Minerva na siyang ikinagulat ko
"Come on Fae! We're family so we're supposed to eat altogether" nakangiting sabi niya saka iginiya ako paupo sa katabing upuan ni Vaness kaya naman no choice ako kung hindi ang makisalo sa hapag kainan
Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina kaya naman awkward na lang akong napangiti. Ang anak sa labas kasalo ang tunay na pamilya ay napaka weird pero masaya ako na kahit sampid lang naman ako ay hindi nila pinaramdam sa akin na hindi ako welcome. Sa kaso naman ni Vaness ay kahit na maldita siyang bruha siya ay hindi na naulit pa ang pagpaparamdam niya sa akin na sampid lang ako sa pamamahay nila. Hindi man niya ipinaramdam na kapatid niya ako ay civil na lang kami sa isa't isa tuwing aksidenteng magkakasalubong sa loob ng bahay
"It feels good that we're complete" nakangiting sambit ni Daddy
Tumango naman si Tita saka ngumiti sa akin. Pinagsandukan niya ako ng pagkain kaya naman awkward akong nagpasalamat
![](https://img.wattpad.com/cover/145873470-288-k170443.jpg)
BINABASA MO ANG
My Contract Boyfriend
Teen Fiction[Completed] Sofia Fae Lopez, a young girl who is just living by simply enjoying her own time and life and not to be bothered by other peoples opinion. Not until destiny played its trick and let her meet James Villaceran who is known for his looks...