Inis akong bumangon sa kama ko dahil lintek! Hindi na nga ako maganda, kinulang pa ako sa tulog! Kung bakit naman kasi ang hirap kapag first time mo sa isang bahay! Hindi ka makakilos ng ayos! Lahat ay limitado dahil hindi umaayon sayo ang katawan mo letse!
Kakamot kamot pa ako ng ulo na bumangon mula sa kama ko. Umaga na din naman kaya wala ng sense kung matutulog pa ako dahil hindi din naman ako makatulog nyemas!
Naligo lang ako at nag ayos. Kahit pag ligo ay naiilang ako dahil hindi ako kumportable sa kwarto ko. I mean maganda siya at talagang elegante kaya naman hindi ako sanay. Maayos naman ang kwarto ko sa bahay namin ni Mommy at malaki pero hindi tulad nito! Mukhang kasiya na ang isang pamilya sa kwarto na to dahil sa sobrang laki!
Nang makalabas ako ng kwarto ko ay nakasalubong ko pa si Manang kaya naman nakahinga ako ng maluwag. At least hindi ako nag iisa sa bahay na to. Sa oras na apihin ako ay may kakampi ako
"Goodmorning Manang" masiglang bati ko
"Magandang umaga din iha. Mabuti naman at gising ka na dahil gigisingin pa lang sana kita"
"Ah opo" awkward kong sabi
"O siya tara na sa baba dahil naipagluto na kita" tumango na lang ako dahil sa sinabi niya.
Masiyado pa namang maaga kaya wala pa naman siguro yung bruha saka si Tita Minerva diba? Sana naman ay wala pa dahil paniguradong awkward moment nanaman yon
Habang pababa ay amoy ko na agad ang masarap na amoy ng pagkain kaya naman lalong nagwala ang mga alaga ko. Lihim ko na nga lang silang pinapakalma dahil atat na atat na silang makalamon akala mo naman isang dekadang hindi nakatikim ng pagkain
Nang makadating sa dining area ay nanlaki ang mata ko ng makita si Tita Minerva na nagluluto. Nang makita ako ay agad siyang ngumiti ng malaki. Naiilang man ay ngumiti din ako. Letse! Bakit ang aga naman niyang magluto?!
"Goodmorning Fae!" Masiglang bati niya saka humalik sa pisngi ko
"Goodmorning din po. Ang aga niyo naman po?" Tanong ko
"Nako! Gusto ko kasing ipagluto ka ng breakfast! Tamang tama at luto na to! Sayang nga lang dahil hindi natin makakasabay yung dalawa. Parehas kasi ang mag amang yon. Parehas tulog mantika!"
Ngumiti na lang ako ng tipid sa kaniya. Mukhang kalog din si Tita Minerva. Hindi naman ako nainform na may mga pagka gaga pala ang mga tipo ni Daddy
"Okay lang po"
Naupo na lang ako sa upuan ko. Maging siya ay naupo sa upuan sa tapat ko. Si manang naman ay pinagsilbihan kaming dalawa. Ang plano ko ay wag kumain ng madami dahil nakakahiya naman kung makikita niya akong matakaw kaso lahaat ng hinanda niya ay nagawang pagwalain ang kumakalam kong sikmura
"Nakatulog ka naman ba ng maayos Fae?" Biglang tanong ni Tita kaya naman nagulat ako
"Ah eh medyo lang po dahil siguro naninibago pa ako" nahihiyang sagot ko. Bahagya naman siyang natawa
"Just feel at home okay? It is your home also kaya hindi ka dapat mahiya" nakangiting sabi niya kaya naman tipid ko na lang din siyang nginitian
Masiyado siyang mabait sa akin. Aaminin kong naiilang ako pero nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi ay pagmamalupitan niya ako dahil anak ako sa labas ng asawa niya pero napaka init ng pagtanggap niya sakin.
Nakakahiya dahil sampid lang naman ako sa bahay nila pero napaka ayos ng trato niya sakin. Wala akong masabi sa kabaitan niya. Hindi ko tuloy alam kung kanino nagmana ang anak niya. Baka sa tatay ko dahil sa ganda at bait ng asawa niya ay hindi pa siya nakuntento at nakuha pang dumalawa.
BINABASA MO ANG
My Contract Boyfriend
Teen Fiction[Completed] Sofia Fae Lopez, a young girl who is just living by simply enjoying her own time and life and not to be bothered by other peoples opinion. Not until destiny played its trick and let her meet James Villaceran who is known for his looks...