👑STHTGS 4

11.3K 273 29
                                    

Kinabukasan, hindi pa nakakamulat ang mata ko ay naka plaster na agad ang isang malaking ngiti saaking labi.





"Good morning Sunshine"





Ganado akong nag unat. Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa c.r. Sinigurado kong malinis ang buo kong katawan. Hanggang sa kasulok-sulukan at kasingit-singitan ko.





Nag apply rin ako ng lotion sa aking katawan. Buti nalang at may laman pa ito kahit papano, ang kaso ay naghihingalo na, di bale sa sahod ko ay papalitan ko na ito ng bago.





Sinuot ko ang isa sa paborito kong damit. I wore a black-fitted-dress na teternuhan ko ng white cardigan. Kinuha ko ang white 3inches pumps ko. I also apply a light make up on my face and I curled my long brown hair. Nang masigurado kong mapapanganga si David pag nakita ako ay nagpasya na akong umalis. Nag decide akong magtataxi nalang ako, chaka naman kung ayos na ayos ako tapos naka jeep? Kawawa naman ang make up at saka yung hair ko.






"Good morning kuya" bati ko sa security guard ng kompanya. Nakanganga namang napatingin saakin si kuya.





"Ang ganda nyo Maam ah. Good morning din po"





"Maliit na bagay"





Taas noo akong pumasok ng building. Lahat ng madadaanan ko ay napapatigil at napapatulala saakin. Lalo na ang mga lalaki. Kita ko naman ang inggit sa mukha ng mga katrabaho kong babae.





Pumasok na ako ng elevator at saka pinindot ang 32 floor. Kasama kasi namin sa isang floor ang CEO. Habang nasa loob ay sinipat ko ang aking kabuuan. Isa lamang ang masasabi ko.






GONDO! ANG GONDO KO! GRABE! GRABE!





Nang tumunog na ang elevator ay lumabas na ako. I walk like a victoria secret model. Tignan lang natin kung hindi ka maakit saakin David.





Pagdating ko sa table ko ay inilapag ko muna ang aking handbag. Sinilip ko ang loob ng opisina ng CEO hoping that David is there, but the room is empty.





'Nasan kaya si David?' Mahinang tanong ko sa sarili.





"Sinty Dawson?"





"Ayputragismoka!" pag sirado ko ng pinto ay isang matabang babae with a black lipstick ang bumungad saakin.







"Minumura mo ba ako?"






'Hindi ako marunong mag mura pero marunong ako mag mahal. Ansabe!!!'






"Ahm, no. I'm sorry, who are you?"






"Ako si Beauty. Inutusan ako ni Mr. Real na sabihin sayo na hindi sila papasok sa office today dahil may out of town business meeting sila"






"S-sila? Sinong sila?"






"Sila ni David"






Halos gumuho ang aking mundo. Nagpaganda ako. Gumastos ako sa taxi. Nag eport ako tapos mapupunta lang sa wala?!!! Hustisya naman!






"Tsaka pinapagawa pala to sayo. I-revise mo daw sabi ni boss kailangan nya daw to bukas pagpasok nya"






Ibinigay nya saakin ang mahigit sa sampong makakapal na folder





"Sige, alis na ako" tanging tango lamang ang naisagot ko.







Ang lakas at sigla ko kanina ay biglang nawala. Nagpaganda ako ng malala para lang mag revise ng mga papeles? Shutainamerz naman o! Yaw q na sa earth. Sa amerika nalang ako.







Pasakdol akong umupo saaking desk. I have to do my work dahil kung hindi ay matatanggal ako sa trabaho at mamamatay ako sa gutom.







Peste rin tong si David e. May number naman ako sa kanya bakit hindi nya ako nagawang itext. I hate him!







Imbis na mag mukmok at sumimangot ay itinuon ko nalang ang buo kong atensyon sa pagtatrabaho.







Dumaan ang tanghalian ngunit hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Bakit pa ako bababa ng cafeteria kung di rin naman ako bibili. Naigastos ko kasi yung budget ko sa araw na to para sa pang taxi ko. Ang akala ko kasi ay nandito si David. Tapos pag nakita nya ako ay mahuhumaling sya sa ganda ko at dadalhin nya ako sa mamahaling restaurant para doon kumain. Pero hindi e, wala ni isa ang nangyari. Kaya ang resulta, heto, gutom.







"Kalma lang kayo jan bebe. Mamaya pa tayo kakain" pakiusap ko sa umiiyak kong tyan. I'm sorry my dear tummy, wala talaga akong pera. Magkasya muna tayo sa tubig. Ahuehue








"Bakit mo tinitiis ang gutom mo? Hindi mo ba alam na masama yan sa kalusugan?" Isang panlalaking tinig ang aking narinig. Napa angat ang aking mukha.








"I brought you foods. Eat up. Don't starve yourself" inilapag nya ang dalawang paper bag sa harap ko at saka pumasok ng opisina nya.








Kunot-noo ko namang kinuha ang paper bag. Pagbukas ko noon ay puno ito ng mga paburito kong mga pagkain. Burgers, fries, ice cream, pizza and spaghetti. Kating-kati na ang dila ko, gustong gusto ko na itong lantakan. Pero bago iyon ay binuksan ko naman ang isa. Katulad ng una ay pagkain rin ang laman nito pero hindi ito galing sa isang fast food chain. Steak, grilled seafoods and a vegetables salad ang laman nun. Sakto pang dinner.








Pag tapos kong lantakan ang mga pagkain ay bundat na bundat ang tyan ko. Feeling ko ay maduduwal ako sa sobrang pagkabusog. 3 cheeseburger, 2 large fries, 1 gallon of chocolate ice cream, 1 box of hawaiian pizza and 2 box of spaghetti. Mabuti nalamang at hindi ako tabain, baka maging balyena na ako sa sobra kong paglamon.







At dahil naka kain na ako ay bumalik ang lakas ko. Mabilis kong natapos ang trabaho. Isinave ko ito sa usb bago ibibigay kay boss. Katulad ng patakaran ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.







"Eto na po ang usb sir. Nanjan napo yung pinarevise nyo saakin"







The boss is busy on his laptop. Ngayon ko lang natitigan ang fes nya. Gwapo rin naman pala.







Tumingala ito saakin. Tinanggal nya ang suot na salamin at saka napahilot sa sintido nya.







"Paki lagay nalang jan" sinunod ko naman sya.







"Salamat nga po pala sa pagkain sir" sabi ko at saka ngumiti. Tumango lamang ito. Kita ko ang pagkunot ng noo nya ng suyurin ng kanyang mata ang suot ko. Kanina confident ako sa sarili ko na maganda ako pero bakit parang bigla akong nahiya ng tignan nya ako?







"What are you wearing?" He asked with a frown







"Clothes?"







"Yes, I know its a clothes. Pero bakit ganyan? Ang iksi, that's not the appropriate clothes to wear when you are working, Ms. Dawson" seryosong sabi nito. Napalunok nalang ako ng mariin.







"I'm sorry sir" sabi ko habang nakayuko. Rinig ko naman ang paghinga nya ng malalim.







"Next time please be responsible on what you are wearing. Ayoko ng mababastos ka dahil sa suot mo. Understood?"







Tanging pag tango nalamang ang aking naisagot.












A/N:

I want to know your thoughts about my story. Comment naman kayo mga veve.











Seducing The Hard to Get Secretary [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon