👑STHTGS 12

8.3K 179 2
                                    

KINABUKASAN ay nag dadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa condo nya o magdadahilan nalang ako na nalate ako ng gising or nagkasakit ako.


Pero ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya. Sinuway ko na ang utos nya kahapon kaya ayoko ng magsinungaling ngayon.


Habang nasa byahe ay nag-iisip ako ng paraan kung paano ako kikilos ng maayos. Ayokong ipahalata sa kanya na hindi ako komportable sa presensya nya dahil sa pinagsasabi nya kagabi.


Pero, maaalala nya kaya yung mga pinagsasabi nya? Sana hindi para walang problema.


Pababa ko sa building ay agad akong pumasok at sumakay ng elevator. Alas singko trenta pa lang ng umaga. Paniguradong tulog pa yun sa ngayon.


Pag dating ko sa pad nya ay agad kong binuksan ang ref at inihanda ang iluluto ko para sa kanya. Soup ang iluluto ko ngayon dahil paniguradong may hang-over yun pagkagising.


CLAINT



I want to punch myself. There is a lot of things that is running on my mind. What if she don't come back anymore? What if she will resign?


Argh! I'm so stupid!


Alas kwarto pa lamang ay gising na ako. Inaabangan ko ang oras pati narin ang pinto. Minu-minuto rin akong tumatawag sa front desk para itanong kung dumating na ba sya.


Pumatak ang alas singco at wala pa sya. Abot langit na ang kaba ko. Pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili na maghintay pa muna.


5:30 na pero wala pa sya. Patayo na sana ako ng biglang may tumawag sa telepono.


[Good morning Sir. I would like to inform you that Miss Dawson has arrive]


Parang nabunutan ng tinik ang aking puso. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto ng aking kwarto at nang marinig kong bumukas ang pinto sa labas ay dali-dali akong humiga ulit.


I guess I should take my sleep again, but this time, peacefully.


SAM



Pagkatapos kong lutuin ang soup ay nagsalin na ako sa mangkok at inilagay sa lamesa kasama ang kanyang kape. At gagawin ko naman ngayon ay gisingin sya.



Parang ang bigat ng mga paa ko habang humakbang ako papunta sa kwarto nya.



Nang nasa tapat na ako ng pinto ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kakatok na ako pero parang may pumipigil saakin. Nakakastress!



Huminga ako ng malalim. Eto na kakatok na talaga---



"What are you doing?"



Nabitin sa ere ang mga kamay ko ng biglang bumukas ang pinto at lumabas sya. Pakiramdam ko ay parang sinilihan ang katawan ko lalo na ang mukha ko. Dali dali akong tumalikod sa kanya.



"S-sir, ka-kain na po k-kayo" utal kong sabi. Hindi ko na ito hinintay na sumagot, basta nalang ako umalis.




Habang kumakain sya sa mesa ay nagwawalis naman ako. Gusto ko sanang magpaalam na mag day-off bukas dahil may importante akong pupuntahan kaso hindi ko alam kung paano ako magpapaalam.



"Did I say something crazy last night?"



Biglang nag palpitate ang puso ko. Parang gusto na nitong tumakbo palabas.



"H-hindi nyo po ba n-naaalala, Sir?" Tanong ko habang nakatuon parin ang atensyon sa sahig.



"Sabihin mong hindi, please"



"Nope. I don't remember anything. So, what did I do last night?"



Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Pinag aralan ko kung nagloloko lang sya o seryoso pero sa tingin ko seryoso naman sya. At dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.



"Wala naman po Sir" pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo nito pero tumango nalamang.



Lumakad ako patungo sa kanyang harapan. Tutal hindi naman nya naaalala ang pinagsasabi nya, there is nothing I should be awkward of. And it is the perfect timing para makapag paalam.



"Sir" tawag pansin ko dito. Agad naman syang nag angat ng tingin saakin.



"Yes?"




"Can I have a day-off?"



"Why? When?"



"I have something important to do. Bukas po sana"




'Pumayag ka pleaseeeee'



"Ok"



Malapad akong napangiti.



"Salamat Sir"



...



Natapos ang araw ko na puro paglilinis lamang ang ginawa habang sya ay pumasok sa opisina.




Parang katulad ng mag asawa-- wth! Anong pinag-iisip ko?



"Lalim ng iniisip ah" pang-aalaska saakin ng pinsan ko. Irap lamang ang nakuha nito saakin.



Kinabit ko na ang aking seatbelt. At sya naman ay nag umpisa ng magmaneho.




"Ibabalik na daw sayo ni Lola ang kotse at condo mo dahil mukhang may pinagbago ka naman na daw kahit konti" ngisi-ngisi nyang sabi.



Napabuga nalang ako ng hangin. Buti naman naawa rin saakin.




"Isang araw lang ang day off ko kaya ihatid mo ako bukas"



Tinaasan naman nya ako ng kilay.




"Driver mo ko? Tsaka ibabalik na nga ang kotse mo diba?"



"O sige, pahinga nalang ng 10 thousand"



"Anong gagawin mo sa 10 thousand?!"



"Pang gas"



"Grabe, pang gas lang 10 thou--"



"Gusto mong ibulgar ko ang sikreto mo?" Ako naman ngayon ang ngumisi. Nakita ko kung paano sya namutla at tinignan ako ng masama.



"Mangingikil ka talaga. Pag dating natin saka ko na ibibigay"



A winner smile plastered on my face.



"Gawin mo na palang 20 thousand"



"Wtf?!"



"Ayaw mo?"



"Oo na! Bakit ba kasi naging pinsan pa kita!"




SANDRO DAWSON - sam's cousin

[On the multimedia]























Seducing The Hard to Get Secretary [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon