👑 STHTGS 10

8.6K 188 16
                                    

"SIR, maawa po kayo. Bata pa ako, marami pa akong pangarap sa buhay"




Halos pag pawisan ako ng malagkit habang naka dikit parin ang kamay nya sa aking braso. Hindi ko alam kung natatakot ba ako o naeexcite?




Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil naka talikod ako sa kanya. Nakahinga na lamang ako ng maluwag ng pakawalan nya na ang aking braso. Nanginginig akong humarap sa kanya.




"Pftt. Wtf!" Parang tanga syang nakahawak sa tyan habang tawa ng tawa. Ang sarap tadyakan sa mukha!




"Iniisip mo ba na gagahasain kita?" Nanunudyo nitong tanong.




Ang kaninang natatakot ay biglang tumapang. Tinaasan ko sya ng kilay.




"No. Hindi naman ako advance mag isip, Sir" palusot ko. Isang nakakalokong ngisi lamang ang isinagot nito.




"Kung tapos na po kayo mag bihis, lumabas na po kayo para makakain na" hindi ko na hinintay ang sagot nito. Lumabas na ako ng kwarto dahil hindi ko na kinaya ang tensyon.





Natapos na syang mag agahan. At ako naman ay patuloy lang sa paglilinis ng condo nya.





Magpapakilala muna pala ako. Ako si Sinty Amelia Dawson, Nagmamaganda pero hindi advance mag isip. At nagtatrabaho ako bilang PERSONAL ALALAY ni Claint Real.





My life is so saklap, right?





"Sinty"





Busy ako sa pag vavacuum ng bigla akong tawagin ng peste kong amo.





Agad akong lumapit dito. "Yes sir?"





Nakikita ko sa mukha nya ang frustration habang naka hawak sa tie nya.





"Can you help me with this fucking thing?"





Inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa tie at saka ito isinuot sa kanya.





Ang tanda-tanda na hindi pa marunong mag suot ng tie. Jusko!





"Okay na po sir" mahina kong pinagpag ang kanyang suot at saka tumingala.





I can say that he is more handsome up close. His face is so angelic but his attitude is so demonic.





"What are you looking at? Are you falling for me?"





"Nag dadrugs ka po ba?"





"What kind of question is that? of course not!"





"Dasal dasal karin po minsan sir, sinasaniban kana e"





Inirapan lang ako nito at saka umalis sa aking harapan. Asar talo!





Bumalik ako sa sala at saka pinagpatuloy ang pag vavacuum. Nadun din sya naka upo sa sofa habang nag susuot ng medyas.





"Bakit hindi ka nagpahatid kay Santy kagabi?" Tanong nito.






"Kaya ko naman po Sir, tsaka ayoko naman po na mang istorbo pa ng iba" paliwanag ko.





Tumayo ito at saka ako nilapitan. Halos mag dikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit.





"That's your first offense Miss. Two more to go and you're doomed"





Hindi ko alam kung bakit imbis na kabahan ay bigla akong naexcite. Baliw na ba ako?





"After that you may rest. Always lock the door and don't leave, wait for me" Tanging tango na lamang ang nasagot ko.





After ko mag vacuum ay nagpahinga na ako. I'm thinking to take a nap when I received a text.






From: Mah Veve❤

Sam, I need you.






Bigla akong napatayo matapos mabasa ang mensahe. Kabadong kabado ako. Gusto ko syang puntahan ngunit biglang nag reply sa isip ko ang sinabi ni Claint kanina.





"Don't leave, wait for me"





Anong gagawin ko?






A/N

Which team are you?




TeamPeste(Claint&Sinty)

OR

TeamVeve(David&Sinty)

Seducing The Hard to Get Secretary [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon