👑STHTGS 5

10.6K 216 28
                                    

It's been one week since I start to ignore David. Naiinis parin kasi ako sa kanya. Although hindi naman nya kasalanan ang lahat pero, ewan, basta, naiinis parin ako.






"Hanggang kailan kaba magpapabebe?"





I'm with my new found friend, Beauty. Nang dahil sa pag iwas ko kay David ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Ayaw ko sana syang maging friend pero lagi nya kasi akong nililibre kaya no choice ako.






"Hindi ako nagpapabebe. Nagtatampo lang. It's different" sabi ko habang naka nguso. Nakakainis naman kasi e. Parang manhid din tong si David, hindi manlang nya napapansin na iniiwasan ko sya. Or baka wala lang talaga syang pake?






"Ewan ko kung bakit nagkagusto ka dun e pangit naman yun tsaka ano"





"Ano?"





"Juts naman yun. Hanap ka nalang ng iba"





Nanlaki ang aking mga mata. Minsan talaga walang preno ang bunganga ng babaeng to.






"Ewan ko sayo. Kumain na nga lang tayo" sabi ko sabay hatak sa kanya sa cafeteria.





"Libre mo?" Tanong nito. Nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis.





"Syempre.. Libre mo. Tara na" wala ng nagawa ang babae. Nagpahatak nalang sya saakin. Wala rin naman syang kawala.





"Minsan iniisip ko na kinaibigan mo lang ako para may taga libre ka"





"Tsk! Ano kaba! Hindi no. Tara na libre mo na ko, prend"












Pagkatapos naming mananghalian ay bumalik na kami sa kanya-kanyang trabaho. Nasa loob ako ng elevator ng tumunog ang aking telepono.





*calling: mah veve*





Parang timang akong nakangiti habang nakatingin sa telepono ko.





"Patagalin pa natin ng konti para di halatang excited ako sagutin ang tawag nya" usal ko sa sarili. Nagbilang ako ng hanggang sa lima. Akmang sasagutin ko na ang tawag ng bigla itong mamatay.





'Piste! Yun na yun e. Tsk!'





Nang bumukas na ang elevator ay lumabas na ako. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa pinanggalingan ng makita ko si David na parang natataranta habang nakatingin sa telepono nya.





"David" tawag ko sa kanya. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil ultimo ang paglapit ko ay hindi nya napansin.





Gulat na napatingin sya saakin.





"Jusko girl-- I mean Sam. Where have you been? Our boss is looking for you. Bakit hindi mo sya dinalahan ng pagkain?"






Ako naman ngayon ang nataranta. My gosh! Bakit ko kasi inuna ang tyan ko kesa sa boss ko? Hindi ko pa nakukuha ang una kong sahod baka matanggal ako nito.





Nangangatog kaming dalawa habang naglalakad papuntang opisina ni boss Claint.





"How angry is he?" Tanong ko habang nangangatal ang mga labi.





"He is very angry"





Kahit nanginginig ang mga kamay ay kumatok ako sa pinto bago pumasok.





Seducing The Hard to Get Secretary [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon