【 PEACH.】
...
Ano bang ginagawa ni Mark dito? abnu talaga yun, hating gabi na ah? anong trip ng gagong to?
Nang makalabas na ako sa gate ng bahay namin, bumungad saakin ang isang hayop--este si Mark lang pala hehe.
"Oh? Nu kailangan mo?" Feeling mataray kong tanong.
"Tara." Bahagya namang napakunot ang noo ko sapagkat hinila niya ang aking kamay paalis ng bahay. Ay jusko nag f-feeling nanaman ang lola niyo.
"Hoy saan tayo pupunta!?"
"Hulaan mo muna." Para talaga tong gago. Agad ko ring sinipa si junior, hindi si jinyoung oppa ha! Ay charet, hehe. Basta sinipa ko si junjun hehe.
"Putangina aray!" Napahawak siya sa junjun niya at medyo napa-tuwad na siya sa sakit.
...
"Tapos? Anong gagawin natin dito?" Sarkastiko kong tanong sa katabi kong hayop--este si Mark nga pala. Nandito kami ngayon sa park ng subdivision at naka upo sa swing at nakatunganga na parang tanga.
May inilahad siya saaking regalo. Hindi ko alam kung regalo ba ito o hindi, pero nakabalot siya sa isang wrapper, so i c-consider ko na siyang regalo.
"A-ano to?" Putangina, bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Buksan mo lang yan kapag birthday mo na." Teka, naalala niya pa pala yung birthday ko, which is next week?
"T-teka, e bakit ngayon mo 'to ibibigay?"
"Baka kasi wala ako sa birthday mo." Ani nito.
Aaah. Kahit sa birthday ko nalang. Pero sige lang. Lahat ayos lang para sayo.
Nanatili kaming tahimik, hanggang sa tumayo siya at kinuha yung kamay ko. Tangina! A-ano bang ginagawa niya!
"Sasabihin ko na 'sayo to, Peach. Ayoko nang maagaw ka pa ng iba." Aniya na may seryosong tono.
"Putangina mo, Mark. Huwag mo nga akong pag tripan, kinakabahan ako say--"
"Mahal kita." Saad nito.
Putang
Ina?
Seryoso ba siya?
Sasapakin ko na talaga siya kapag pinag t-tripan niya ako e.
"As a friend?" Natatawa pero nasasaktan kong ani.
Agad naman siyang umiling, at tinignan ako deretso sa aking mga mata.
"Hindi, Peach. Mahal kita bilang ikaw. Mahal kita bilang si Peach. Mahal kita bilang isang babaeng minamahal ko. Hindi dahil kaibigan kita. Hindi dahil ikaw ang bestfriend ko." Seryoso nitong ani na siyang nagpalakas ng tibok ng puso ko. Tangina mo Mark! Hindi mo alam kung gaano rin kita ka mahal hayop ka! Bakit ngayon mo lang to sinabi!?
"Huwag mo nga akong lokohin, hahaha." Awkward kong sabi.
Pero tangina, hindi pa na kuntento, hinawakan nito ang aking pisngi at tinignan ako deretso sa mata! T-teka lang! Hindi pa ako ready!
"Sa tingin mo, kaya kitang lokohin?" Oo putangina mo, Mark! Ilang beses na gagu ka!
Iniwas ko ang tingin sa kanya at hinawi ang kanyang kamay sabay lakad palayo, pero agad niya naman akong hinila.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi." Ani ko nang hindi maka tingin sa kanya.
"Teka, hindi pa ako tapos..."
"A-ano pa ba yung sasabihin mo?" Shet! Di ko na kaya! Kinikilig na ako!? Pero dapat akong mag pakipot ng konti hehe.
Hinawakan nito ang aking dalawang kamay. Tangina, ang drama pala ni Mark?
"Pwede ba kitang ligawan?"
Shet.
"Huy."
"H-ha?"
"Ang sabi ko, pwede ba kitang ligawan?"
Tangina, hindi ko na kaya! Anong sasabihin ko!? Jusq mahal kita Mark e! Noon pa! Tangina mo ang slow mo!
"Tangina mo, Mark." Saad ko at tinalikuran ko siya.
Agad niya nanaman akong hinila, "Mag nagawa ba akong mali? H-hindi mo ba ako mahal?" Shet! Nakakaawa yung itsura niya! He looks so sincere and all! Ikaw ba 'to, Mark?
"Ang slow mo talaga noh?"
"B-bakit?"
"Oo, Mark, pwede mo akong ligawan kasi noon pa kita mahal!" Shit, I think I'm blushing.
Napatahimik siya sandali.
"Mahal mo ako?" Tanong nito.
"Oo nga."
"Weeh? Talaga?" Asar pa nito.
"Ngina mo rin e no? Pinapaulit mo pa?" Napipikon kong ani.
"Boyfriend mo na ako?" Kumikislap yung mga mata niya.
"Woi hindi pa nga kita sinasagot e."
"Aws, sige. At least alam ko nang mahal mo ako at mahal rin kita. Hehe." Ani nito nang may puno na sinseridad.
BINABASA MO ANG
napkin.
Fanfiction˗ˏˋ whimsy series # 1. ˎˊ˗ ❝ HOY MARK LEE, NASAAN NA YUNG NAPKIN KO!? ❞ 「i. NCT MARK LEE - taglish epistolary + narration. date started : 050918 date ended : 102019 © 2018, rtclle. 」