5 7

1K 36 5
                                    

[ PEACH. ]

Kanina pa ako tumatambay dito sa kwarto ko, at sa ilang oras ko nang tumatambay na nanonood ng netflix, napagtanto kong umuulan na pala.

SHET! ANG MGA SINAMPAY!

Shet papagalitan naman ako ni mamc!

Dali-dali akong lumabas para kunin ang sinampay nang mapansin kong nasa labas pa rin ng gate si Mark!

Kanina pa siya nandito? Nueginagawa ng gagong to dito?

Yinayakap niya ang kanyang sarili habang pumapatak ang ulan sa kanyang katawan.

Tangina, nakakaawa naman siyang tingnan.

Nag kunwari akong hindi ko siya nakita kaya't pumasok nalang ako sa loob ng bahay at niligpit ang mga sinampay na hindi naman masyadong basa.

Kanina pa ako napaisip kung ayos lang ba si Mark doon. Gaga! Syempre hindi! Kanina pa siya kaya nadoon! Pero bakit naman siya mag s-stay doon diba!? Shet ang gulo naman nito!

"AAAAAAY!" Napasigaw ako nang biglang kumidlat.

Agad ko namang naisip si Mark. Papasukin ko nalang kaya siya? Gaga! Alangan namang hindi! Baka mapaano siya doon!

Tumayo ako sa kinauupuan kong sofa at dahan-dahang binuksan ang pinto at kumuha ng payong.

Tama nga, nandoon pa rin nga siya.

Binuksan ko ang payong atsaka lumabas na ng bahay. Dahan-dahan kong inunlock ang gate at napabaling naman siya sakin.

"Oh." Pinayungan ko siya.

Hindi kami gumagalaw at nanatili kami sa ganoong posisyon. Hindi na pumapatak ang ulan sa kanyang katawan pero pumapatak pa rin ang tubig mula sa kanyang buhok.

Hindi ako makatingin sa kanya pero nararamdaman kong nakatitig siya saakin.

"Pumasok ka na." Malamig kong ani.

Lumakad kami papunta sa loob ng bahay pero napatigil ako nang nakita siyang hindi sumunod saakin kundi nanatili siyang nakatayo sa labas ng pintuan.

"Oh? Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na."

Nakayakap pa rin siya sa kanyang sarili at kitang kita ko ang bakat niyang t-shirt na nagpapakita ng kanyang pangangatawan. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Ahh, basa kasi ako e, nakakahiya namang--"

"Diyan ka lang, kukunin kita ng tuwalya, nahiya ka pa." Nagtungo na ako sa aking kwarto at kinuha ang extra kong tuwalya.

"Gamitin mo yan." Sabi ko at nilahad na sa kanya, tinanggap niya rin ito at nagsimula na siyang punasan ang sarili.

"Pasok ka na." Tumango naman siya at binalot ang sarili gamit ang tuwalya.

"Uhhh, p-pwede na ring maligo ka na lang. B-baka mapaano ka pa at magkasakit. Papahiramin nalang kita ng mga damit ni papa." Hindi ko na siya nilingon pa at dumeretso na ako sa kwarto nila papa para kuhanin siya ng damit.

napkin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon