[ PEACH. ]
"Tanginang babaeng to, ang O.A." Nandito ako ngayon sa bahay ni Koeun dahil na b-bored na ako sa bahay. Hirap rin pala mag mukmok nalang palagi kaya nanood nalang ako ng movie kasama si Koeun at ayun, nag rereklamo na dahil ang ingay ko daw umiyak.
"Pota ang sakit" Hagulgol ko.
"Ano ba yung mas masakit? Yung movie o yung pinaramdam niya sa'yo?" Tanong niya. Nakaramdam naman ako ng pagkakainis dahil naalala ko naman yung gagong Mark na yun.
"Oh, ba't natahimik ka?" Aniya nang hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"Hays, huwag mo nalang kayang masyadong isipin. Go with the flow. Kung ano yung mangyayari, edi yun na yun. It is what it is. Hayaan mo nalang muna. Kung kayo talaga ni Mark, edi kayo talaga kahit anong haldang pa yung dadarating. Pero huwag ka namang ma kampante masyado, oo, hayaan mo nalang pero hindi dapat aabot sa punto na hindi niyo naayos yung kung anong meron sainyo. Alam kong naiintindihan ka ni Mark ngayon at binibigyan ka niya ng space. Malay mo may rason si Mark bakit sila naghalikan ni Herin---"
"Tangina Koeun! Cheating is cheating! Kahit anong rason pa 'yan, it will not change the fact na naghalikan sila! Akin na siya sana eh. Dapat ako yun. Ni hindi ko pa nga natikman yung labi niya, putangina!"
"Bakit? May kayo ba?" Wow, that hit me.
"Ewan, M.U. siguro." napabuntong hininga nalamang ako.
"M.U. is not a relationship, Peach. Hays, Mahal niyo naman diba ang isa't isa? Pero bakit ayaw mo pang mag commit? Alam ko namang gusto mong makita yung efforts ni Mark para 'sayo, pero huwag ka namang makampante masyado. Wala pa kayong label kaya wala kang karapatan magalit sa kanya dahil nakipaghalikan siya sa ibang babae, but i didn't say na wala kang karapatan masaktan. May karapatan ka namang masaktan dahil feelings mo 'yan eh, ego mo rin siguro. Pero kasi Peach, hindi pa kayo so stop acting like he's yours. Realtalk lang para magising ka sa katotohanan."
"Oo manliligaw ko lang siya Koeun pero mahal ko siya. Diba nga nanliligaw siya para maipakita niya saakin na deserving siya para saakin? Eh ba't napunta pa siya sa iba? Tangina sabi niya mahal niya ako, bakit ganito? Tangina, sana nga ego ko lang to eh."
Kumirot nanaman ang puso ko tuwing maalala ko si Mark. Yung ngiti niya. Yung boses niya. Yung siya... Tangina bakit naman kasi ganito, Mark? Ano bang mali saakin? Akin ka na sana eh, Bakit napunta ka pa sa iba?
It hurts me to know the fact that I can't say that he's mine even if we knew we loved each other.
Tears were running from my eyes and I can't stop thinking where I went wrong.
"Tahan na... Hayaan mo nalang muna yung sarili mo... But please, take a rest ha, huwag mag overthink masyado. All will be right in time." Yinakap niya ako ng mahigpit. Sa oras na iyon, nagpapasalamat ako kasi may kaibigan akong tulad niya. Naiintindihan ko naman si Koeun kasi alam ko namang gusto niya lang akong magising sa katotohanan at gusto niyang maging matatag ako.
...
Tatlong movies na yung natapos namin ni Koeun at mukhang dumidilim na rin, kailangan ko nang umuwi, se-sermonan nanaman ako nito eh.
Hinatid ako ni Koeun sa labas ng bahay nila at sinamahan niya na rin akong maghintay ng tricycle.
"Oh siya, mag ingat ka, Peach ha. Pati ito." At tsaka tinuro niya ang puso ko. Tumango nalamang ako at nag beso sa kanya.
"Bye! Salamat sa araw na 'to!" kumaway na ako sa kanya at nakita ko namang tumango siya at kumaway rin pabalik.
Halos sampung minuto lang naman yung biyahe pabalik sa bahay namin. Hindi naman kasi masyadong magkalayo yung bahay namin ni Koeun.
"Diyan lang kuya sa tapat ng gate na yun, yung color brown." Ani ko kay manong driver nang palapit na kami sa bahay.
"Dito po?" Bumagal ang takbo ng kanyang tricycle at tumapat ito sa tapat ng bahay namin.
"Opo." Lumabas na ako ng tricycle at inabot ang bayad ko sa kanya.
"Salamat po."
Napansin kong wala dito yung sasakyan namin ah. Umalis nanaman kaya sila ni mama? Hays mabuti naman mas nauna pa ako sa kanilang dumating.
Habang inu-unlock ko yung gate, may narinig akong sumisitsit.
"Psst! Psst!" Lumingon lingon naman ako sa paligid pero wala akong makita tangina!
Mas binilisan ko ang pag unlock ng gate nang biglang may humawak sa kamay ko.
"Peach--"
"AYOKO PANG MAMATAY! WAIT LANG MUMU MARAMI PA AKONG GUSTONG GAWIN SA BUHAY KO!" Pumikit ako ng mariin nang naramdaman kong may humawak saakin. Pero teka, parang kilala ko tong haplos na to?
"Peach, ako lang to... Si Mark." Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko at napagtanto kong si Mark nga. Mabilis ko namang kinalas yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Nag iwas ako ng tingin.
"Please, Peach... Mag usap tayo..." Nakatingin siya nang direstso sa mga mata ko.
"Umuwi ka na, gabi na." Sabi ko nang pinatuloy kong in-unlock yung gate hanggang sa ma unlock ko na nga ito.
"Please... Kahit sandali... Let me explain--"
"Huwag mo nga akong hawakan!" Protesta ko nang sinubukan niya akong hawakan. Tangina ang drama naman nito.
"Peach--" Hindi ko na siya narinig dahil sinarado ko na yung gate at pumasok na sa loob.
Tangina ang drama naman nito, di ako sanay.
Bakit pa ba kasi to nangyayari? ang drama tuloy.
BINABASA MO ANG
napkin.
Fanfiction˗ˏˋ whimsy series # 1. ˎˊ˗ ❝ HOY MARK LEE, NASAAN NA YUNG NAPKIN KO!? ❞ 「i. NCT MARK LEE - taglish epistolary + narration. date started : 050918 date ended : 102019 © 2018, rtclle. 」