5 4

997 31 9
                                    

[ PEACH. ]

"Uy sagutin mo nalang yung tawag niya oh. Kawawa naman si Mark..." Sabi ni Koeun.

Kanina pa nag r-ring yung phone ko at si Mark ang tumatawag. Dine-decline ko lang naman ito sa tuwing tumatawag siya.

"Kawawa? Putangina." Sabay irap ko.

Eh putangina pala tong si Mark e, may pa ligawligaw pang may nalalaman, mag tataksil rin naman.

Hindi pa nga kami, lumandi na sa iba.

Haha, hindi pa nga kami okay.

Tangina bat ba kasi ako nagagalit e hindi pa naman kami?

Haha ang saya.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame.

"PEACH! PEACH! PLEASE KAUSAPIN MO NAMAN AKO OH!"

Sabay kaming nagkatinginan ni Koeun.

"Oh anong gagawin mo? Nandiyan na siya sa labas oh." Sabi niya.

"Anong pakealam ko?"

"Syempre may pakealam ka naman doon eh. Palagi ka naman may pakealam sa kanya." She said in a meaningful way. Ay pota bat biglang nag drama?

Hindi na ako nagsalita.

"PEACH! KAUSAPIN MO AKO PLEASE! MALI YUNG NAKITA MO! PAG USAPAN NAATIN TO! PLEASE!" kanina pa siya sigaw ng sigaw sa labas nang bahay, tangina.

Nakalipas ang ilang minuto, may biglang may kumatok sa pintuan.

"Pasok" tinatamad kong ani.

"Anak, kausapin mo naman si Mark oh, kanina pa siya nag hihintay sayo sa labas. Huwag ka namang ganito kay Mark anak. Mag usap lang kayo. Huwag niyo namang sayangin ang pinagsamahan niyo..." ani mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Oo nga tita, tatanga-tanga kasi tong si Peach pakipot--aray!" Binatukan ko ang gaga.

"Hayaan niyo nalang po ako muna ma, I need space..." ani ko at hinila pataas ang aking kumot.

"Wow may pa space space ka pang may nalalaman di mo nga memorize yung mga planets e--"

"Tumigil ka nga Koeun putangina mo bat ba kasi kita naging kaibigan."

"Hmm o siya, bababa na ako anak ha. Sana mag usap na kayo ni Mark..." naramdaman ko namang umalis na si mama sa kama ko at narinig ko ang pagsira ng pintuan.

"Hoy, mauna na muna ako. Sana mag usap na kayo ni Mark." Naramdaman kong tumayo siya mula sa pagkaupo sa kama ko.

"Bago ka lumabas, paki sabi nalang kay Mark na layuan muna ako. Hindi ko pa siya kayang makita." Ani ko bago siya lumabas ng kwarto ko.

"Sige--"

"At pakisabing pakyu."




napkin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon