Chapter 2 (MISTAKES) - Avielle's POV
June 12, 2012
Gusto ko nang ipagpatuloy ang paggawa ng assignments ko pero I can't really concentrate with Ejay sitting in front of me. Well, hindi naman sa ginugulo niya ako or anything. Hindi lang ako kumportable na may kasama sa coffee shop.
Sa totoo lang, hindi ko gustong nagsisimula ng conversation. Gustuhin ko man, lagi na lang natatabunan ako ng hiya kaya minsan nagiging jumbled yung mga thoughts ko kapag nagsasalita na.
Ilang minuto na rin namang tahimik si Ejay. Mukhang maloko pero I'm surprised na hindi siya masyado nagsasalita. Nakatingin lang siya sa bintana na para bang may hinihintay siyang bumalik. Medyo magulo ang buhok niya pero parang ang ayos pa rin tignan. Hayy. Ang gulo. Parang bed hair ba. Ilang beses ko na rin nakikitang mag igting ang kanyang panga na parang may gusto siyang sabihin pero di niya alam kung paano. He has this rugged look but the doleful look in his eyes express otherwise.
Huminga ako ng malalim. "Uhh. Ejay?"
"Yes, my dear?" Agad niyang tugon at parang magic na nawala ang seryosong dating niya kanina. Although there's still a hint of longing in his eyes that I do not understand.
Matagal bago ako nakasagot na parang ikinapraning niya.
"Ay! Naaabala ba kita sa ginagawa mo? I can transfer to another table if you want. Di mo naman agad sinabi. Sor-"
"Hindi! Hindi! Di rin naman talaga ako makapagconcentrate sa ginagawa ko kanina. Ayos lang." Liar.
"Ahh. Akala ko nakakaistorbo na ko. Just say the word and I'll leave."
"Wag na. Uhm usap na lang muna tayo." Nahihiyang pahayag ko.
"Ano bang gusto mong malaman. Fire away Avielle." Confident na sagot niya as if he's an open book or something.
"Hmmm. Bakit ka nasa coffee shop na ito? I don't recognize your face and I've been coming here since second year high school ako eh."
"Gabi kasi ako madalas pumunta. May times kasi na nagtatagal ako sa school kasi may binibigyan ako ng tutorial."
"So dito kayo pumupunta?"
"Hindi. Ako lang dumidiretso dito after ng tutorial session. Kaso one time, may nakalimutan siyang itanong sa akin sa Chemistry. May quiz kami doon kinabukasan. Buong school ata inikot niya pero wala na ako doon at medyo mahirap nga naman hanapin itong coffee shop kung hindi ka observant." Natawa siya na para bang nirereplay niya sa utak niya ang mga nangyayari. "Eventually nahanap niya ako dito and tinuro ko na sa kanya 'yong tinanong niya. It was already 7 PM by that time so I offered to buy her dinner. We talked as classmates for the very first time at hindi yung parang tutor-tutee set up and I got to know her a whole lot better." Pagpapatuloy niya.
"Akala ko talaga lalaki yung tutee mo until you said na nag offer ka ng dinner. Haha. Let me guess, you two eventually developed strong feelings for one another and are now a couple. Siya siguro hinihintay mo ngayon." Sabi ko nang dire-diretso.
Nag-iba saglit ang expression ng mukha niya as of I caught him off guard.
"True. Were true. Partly true." Simpleng sabi niya.
"Hah?"
"For a person vying for the top spot in the honor roll you sure are slow." Sabay tawa niya ng mahina.
"Nabigla lang ako no! Teka, paano mo nalaman na vying for honors ako? Are you stalking me?!"
"Geez no! Schoolmates tayo! Di mo lang siguro ako narerecognize kasi you're always busy with acads and stuff."
Isang malaking mental facepalm ang natanggap ko. Kahihiyan nanaman. "Oh. Sorry." Wala na akong ibang masabi. Hayy.
"Anyway, yes we fell in love. We were a couple. Emphasis on were. She cheated on me and all that cliche sh*t. Yes, I'm waiting for her but there was no agreement made to meet up here. Umaasa sa wala. Loser move right?" Sabay tawa niya ng mahina.
"So that saving your heart thing kanina... It wasn't a joke, was it?"
"Medyo. Pfft... Ang cute mo kasi kanina e! HAHAHAHAHAHAHAHAHA" At todo halakhak naman siya. Di man lang tinagalan pagpigil.
Juice ko! Hiyang hiya na talaga ako.
"Pero seryoso, salamat. It's been my first real laugh in weeks."
"Oks lang. No big deal."
"So I guess mapapansin mo na ako sa school no? Unless, dikit na dikit panrin yang mukha mo sa mga books mo?"
"Sorry na! Sure. I'll keep an eye out for you." Sagot ko.
Tumayo na si Ejay sa kinauupuan niya.
"Sige na. Medyo maggagabi na. May 3 report pa akong kailangang ipasa. Hindi rin naman siya darating. Thanks for today."
"Don't worry. It's the least I can do. Baka nagkabukol na ako by now kung hindi mo ako nasalo kanina. :) And don't worry, maybe the next girl will be the one who fixes you and saves you from the hell you're in."
He sighed, then smiled. "See you around my heroine." Sabay kindat niya bago tuluyang umalis.
Naiwan na lang ako doon mag-isa at medyo magsisimula nang magcram. Sana nga lang nakatulong sa kanya yung kahihiyan ko sa pag lighten up ng mood niya.
++++++++++++++++++++++++++++
June 05, 2014
11 PM na nang makarating ako ng bahay. Hinatid ako ni Ethan matapos namin mag-usap.
Lagpas 3:27 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kung hindi si Ethan at ang relasyon namin ngayon. Things have gotten so complicated for the past few months. Alam ko it's my fault and honestly, I feel bad for dragging him into this mess again.
Lately I've been realizing how much of a jerk I was to leave Ethan. He was already broken when I met him. Sabi ko pa yung susunod na magmamahal sa kanya ang magliligtas sa puso niya pero parang lalo ko lang ata winasak ang natitira pa kay Ethan.
Sana itong pagsisimula namin uli ang mag-aayos samin. I'll love him better this time.
------------------------------------
Second chapter is up. As always, I am open for comments and suggestions. Questions too! Hope you like it.
© 2014 FrustratedErudite on Wattpad. All rights reserved
BINABASA MO ANG
Hero/Heroine
RomanceEthan's her hero and she's his heroine but their story is far from Superman and Lois Lane's Lois Lane did not break Superman's heart pero bakit wasak na wasak na ngayon ang puso ni Ethan? Itong pangalawang pagkakataon upang magsimula muli ba ang bub...