Chapter 4 (PHONE CALL)- Avielle's POV
June 15, 2012
5:40 na pagtingin ko sa relo ko. Mukhang napatagal ako sa library. Di ko na nga namalayan na sampung Physics books na ang nakalagay sa table ko e.
Isa-isa ko nang binalik yung mga libro. Nasulat ko naman na yung mga kailangan ko para sa assignment ko kaya hindi ko na kailangan pang iuwi. Isa pa, 6:15 PM ang closing ng school for students. Faculty na lang dapat ang nasa campus beyond that. Nagliligpit na ako ng gamit ko nang biglang may narinig akong sumisitsit.
"Pst!"
Hindi ko na pinansin. Baka guni-guni ko lang iyon. Tuluy-tuloy na lang ako sa pag-aayos ng gamit ko. Maya-maya may sumisitsit nanaman.
"Pssssssssssssssssssssssssssssst!"
Okay. Medj kinakabahan na ako. Alam ko hindi ko na imagination yun. Sh*t lang talaga. Nagmamadali na ako ipasok lahat ng gamit ko sa bag. Bahala na malukot mga papel ko. Ayoko pa makakita ng multo.
"PST! HOY AVIELLE!"
"WAAAAAAAAAAHHHHHHHH! MAMAAAAAAAAA!" T_____T
Hinawakan ako ng multo ng mahigpit sa balikat. Ang higpit! :<
"MAMA AYOKO NA POOOOOOO"
"Avielle! Kumalma ka nga. Ako to. Si Ejay!"
"Ejay?" -_________- Ilang beses na ba ako mapapahiya sa mokong na to. Kakahiya talaga!
"Hindi ko naman alam na matatakutin ka. Sorry."
"Kala ko naman kasi mag-isa lang ako e. Badtrip ka! Saka bakit ka sumisigaw dito?! Library to!"
"Kala mo hindi ka sumigaw ha."
"Eh kasi nama-"
"Ako muna! Una sa lahat, hindi mo ba napansin kanina pa wala si Mrs. Amaro dito? Ako ang pinagbilinan niyang magsara ng library ngayon kasi may biglaang meeting ang faculty and staff ng school. Hinihintay lang kita matapos sa ginagawa mo. Pangalawa, kababae mong tao nagpapagabi ka ng uwi. At huli, tara na ihahatid na kita." Tuluy-tuloy niyang sabi.
"Hah? Teka. Anong ihahatid?!"
"Wag ka na umangal Avielle. Gabi na. Baka madulas ka pa sa daan tulad ng sa cafe."
"Oo na clumsy na ko. Tara na nga!"
Huhu. Bakit ba kasi kailangan niya ipaalala pa. No choice tuloy ako kung hindi magpahatid. Buti na lang ilang street lang lalakarin namin.
Matapos niyang i-lock yung library bumaba na kami at lumabas na ng school. Tahimik lang naman kami the whole time. Ang awkward na hindi. Mukhang malalim iniisip niya e. Di ko na lang ginulo.
Eventually nakarating na kami sa gate ng bahay namin. Lalagpas na nga sana si Ejay kung di ko pa pinigilan.
"Uhh. Ejay. Dito na ko." Sabi ko
"Ay dito na ba. Sorry. Medyo spaced out nanaman ako." Sabay kamot niya sa ulo.
"Thank you ulet ha. I owe you one."
"Hmm. Ganito na lang... Kunin ko na lang number mo just in case gagabihin ka, sabay na tayo. Malapit lang naman pala bahay mo sa'min e."
"Uhh. Ejay, wala akong cellphone. Telephone na lang kung okay lang?"
"Sige. Saglit." May dinukot siya sa bulsa niya. Ballpen pala. Hinablot niya kamay ko at nilagay doon ang panulat. "Sulat mo sa kamay ko number mo. I'll call you."
"Okay."
Umuwi na rin siya matapos ng isa pang round ng goodbyes.
Hinintay ko naman yung tawag niya. Kaso malapit na mag ala una pero wala pa rin. Sabagay, for the first time may tatawag sa'kin na hindi si Jels or si Dems e. Wala rin naman pasok bukas so YOLO. Oo, kahit may pagkanerd ako alam ko yang YOLO. -_-
Medyo napapapikit na yung mata ko nang kumuliling ang telepono na nasa side table ko. Kumuliling nga ba o nananaginip na ako? Di man ako sigurado inabot ko na rin yung telepono at tinabi sa ulo ko.
++++++++++++++++++++
Ethan's POV
"Avielle? Hello? Hello?" Agad na sabi ko
"Hmmm?"
"It's me Ejay." Nakalimutan yatang tatawag ako. Ganito ba talaga kaulyanin to?
"Oh." Mahinang sagot niya
"Ejay? Ethan Jayce. The guy from the cafe. Kahahatid ko nga lang sayo kanina e." Pagbibiro ko kahit totoo naman.
"Mmm hmm."
"I know it's really late. Sorry natagalan pagtawag ko Avielle." Pagsisimula ko
"..."
"I hope you're not mad that I called at 1 in the morning. Hay. Sorry. Alam ko hindi ka mababaw na tao sa talino mong yan. "
"...."
"You know Avielle. Alam ko this may sound corny and clingy pero I'm really thankful na nakilala kita a few days ago sa cafe. My life's already making its way down to the pits of hell 'til you showed up you know."
"..."
"I was at the tipping point that day but you... You changed that a little bit somehow. F*ck this is embarassing. And I will point this out, I am not drunk calling you right now. I just had a few shots that's all... Which kind of explains why I haven't called earlier than expected. I'm sorry again. Libre na lang kita sa Monday ng lunch."
"..."
"Hoy Avielle! Libre na nga ayaw pa!" Grabe ha. Ginagantihan ba ako nito? "Avielle?"
Maya-maya nakarinig na ko ng paghilik. Tulog na pala to. -____-" Maybe I should really take it easy on the shots. Kung anu-ano na nasasabi ko e.
"Sige na. Kahit humihilik ka na diyan, good night Avielle. See you at lunch whether you like it or not. Thank you for saving me, my heroine."
___________________________________________
Fourth chapter with a hint of Ethan's point of view. Sana magustuhan ninyo guys. Please vote kung nagustuhan ninyo. It would really mean a lot. Pwede niyo rin ako i-message for comments and suggestions. Enjoy!
© 2014 FrustratedErudite on Wattpad. All rights reserved
BINABASA MO ANG
Hero/Heroine
RomansaEthan's her hero and she's his heroine but their story is far from Superman and Lois Lane's Lois Lane did not break Superman's heart pero bakit wasak na wasak na ngayon ang puso ni Ethan? Itong pangalawang pagkakataon upang magsimula muli ba ang bub...