Chapter 5

20 1 0
                                    

Chapter 5 (LUNCH)- Avielle's POV

June 18, 2012

Nagdaan na ang weekend at Monday nanaman. Sabik na sabik ako pumasok kasi wala rin namang gagawin sa bahay. Wala nga ata akong ginawa kung hindi tumunganga lang at maghintay ng tawag ni Ejay e. Tawag na hindi rin naman dumating. Ulyanin siguro 'yon.

12:04 PM na at dumadaldal pa rin teacher namin sa Araling Panlipunan. Sorry ang mean ko. Di ko lang talaga gusto ang history subjects. Lahat ng subject na mala-history or may kinalaman sa geography, civilizations, politics, culture, world war, and the like. Ikamamatay ko ang isa pang minuto dito. :<

Salamat kay Lord at natapos na rin sa lesson si Sir. Nagutom ako sa dami ng nilesson niya tungkol sa Babylonians. Hayy. Dali-dali kong hinatak sila Jels at Yels pababa sa canteen bago pa kami maubusan ng seats at nang makakain na ako but all efforts were in vain. Punung-puno na yung canteen. Sabay-sabay kasi lunch period ng lahat ng high school students. Sucks right?

Ready na ako magsettle kumain sa hagdanan nang biglang may lalaking tumayo sa isang bench at sumipol ng malakas sabay sigaw na talagang lakas maka agaw eksena. Di na lang dapat namin papansinin kaso si Jels ayaw paawat kesyo pogi raw yung sumipol.

"Omg! Yels! Dems! Saglit lang please. Ang gwaps kaya ni Kuya o! Sino kayang sinisipulan?" Halos patilil nang sabi ni Jellica

"Jels. Balikan mo na lang yan mamaya. Mukhang papatay na si Yels kung hindi pa iyan makakakain." Seryosong banta ni Damian

"JELLICA NICHOLETTE VERGARA HA!!! Tigil-tigilan mo ako. Ikaw kakainin ko kapag hindi mo pa ako hinayaan kumain. Tara na alis na tay..."

"Tapos ka na ba Avielle?!" Sabat sa akin ng lalaking nakatayo sa mesa na. Ang kapal naman ng mukha niyan aber. Wag na wag akong sisimulan ngayon. GUTOM AKO. Kaso, bakit parang pamilyar? Tsk. Si Ejay pala yun. Hmp. Matapos ako paghintayin natatawag siya tatawag-tawagin niya ako ngayon. Tss. Maka alis na nga.

Paalis na ako nang sumigaw siya ulit. "Kanina pa kita tinatawag dito. Ito na nga upuan o. Mukha na akong tanga dito. Dito na kayo ng mga kaibigan mo." 

"Eh paano kung ayaw ko?!" Sagot ko pabalik na talaga namang nakakuha ng atensyon ng mga estudyante. Unti-unti na silang nagkukumpulan at napapalibutan na kami. Chismosoa't chismoso.

"Sigurado ka bang gusto mo ako ipahiya sa harap ng buong high school population ng school?" Nag-isip muna ako. Well, kakakilala ko pa lang sa kaniya. So far the only think na nakakahiya na nangyari is yung sumigaw ako sa library but I can deal with the ridicule that may come kung isisigaw niya sa public iyon. So...

"Fine then. Wala ka namang mailalabas na baho since we just met recently." Sabay smirk ko.

"Sige. Fine with me. Though, I do feel like you haven't thought your hypothesis through miss. With that said, I guess you don't remember our conversation last night my lady." Sabay ngiti niya nang malawak habang nilalabas ang kaniyang cellphone.

Holy sh*t. So it wasn't a dream!!! Humihilik pa naman ako kapag natutulog.

"OKAY FINE! UUPO NA! UUPO NA!" Agad kong isinigaw at ito namang mokong na 'to lakas ng halakhak habang hinahatak ko siya pababa ng mesa.

"Damian help!" Pagmamakaawa ko kay Dems kasi hiyang-hiya na ako sa dami ng mga nakapalibot.

Agad naman siyang tumayo sa table kapalit ni Ejay sabay sigaw, "Mga tol ayos na. Wala namang dapat makita. Kain lang kayo dyan. Salamat!" 

"So..." Panimula ni Jels nang makaupo na kaming lahat. "Uhmm Yels? I don't recall you telling Damian and I that you've met somebody over the past few days. Care to introduce us?" Sabay ngiti niya. Minsan talaga hindi ko mahulaan kung ano tumatakbo sa isip nito ni Jellicah e.

"Ah. Sorry. Alam niyo naman. Acads lagi laman ng isip. He-he" I swear I heard Damian & Ejay let out a snort of derision by the end of my sentence. "ANYWAY, guys this is Ethan Jayce but he prefers to be called Ejay." Sabay tango niya sa kanila. "And Ejay this is Jellicah and Damian."

"Bro." They man-hugged

"Hi Ejay! Nice to meet you." Kyeme naman ni Jels. Kastress tong babaeng to.

"The pleasure's mine." Pa-gentleman kuno ni Ejay

"So, how did you meet Avielle?" Seryosong pag-iintriga ni Dems

"Ah. Sort of 'bumped' into her sa coffee shop na tinatambayan niya. Nagkausap. Ayun." Straightforward na sagot ni Ejay.

"Sorry. Paanong 'bumped' eh ang laki ng coffee shop?" Pagtataka ni Jels.

Hay. Gutom na talaga ako. Nagsimula na ako kumain. Bahala na sila magkuwentuhan.

"Nadulas siya. SInalo ko kaysa mabagok ang ulo niya sa semento. Hindi kasi tinitignan yung Wet Floor Sign. Tss." Sagot ni Ejay

"I know. That's your typical Avielle." Kumento ni Damian na kala mo ako ang clumsiest person in the world. Tss.

Maya-maya ay humina ang kanilang pag-uusap. Hindi ako sigurado kasi baka nadala lang ako sa pagkain ko. Nagulat na lang ako ng tinawag ni Dems atensyon ko.

"Avielle, alis na kami ni Jels." Napipilitang sabi ni Dems 

"Oh. bakit?"

"Girl, punta lang kami saglit ni Dems sa library. May utang na assignment sakin to e. HAHAHA." Sabay kindat ni Jels kay Damian na parang kinainis naman nito. Hay nako. May binabalak nanaman tong babaing ito. "Iwan ka muna namin ni Dems kay Ejay."

"Pare, no funny business." Sabay tapik ni Dems sa likod ni Ejay na sinuklian niya lamang ng tango.

"Bye" Sabay nilang sabi.

"See you later guys!" Sigaw ko pabalik.

"So..." Ngumuya muna ako saglit. "Bakit mo naisipan na maglunch tayo?"

"Really can't recall our phone conversation? I told you I owe you lunch dear." Sabay halakhak niya. Weirdo.

"No. I cannot recall our conversation. And what's so funny?" 

"Naalala ko lang yung hilik mo. Grabe ang lakas. Nawala amats ko kakatawa e. HAHAHA! Aray!"

Hinampas ko nga. "Excuse me. Kasalanan ko ba eh sobrang late na yata yung tawag mo. Marami rin akong inasikaso that day. And why the hell were you drunk? Were you drunk calling me?"

"Hey. I was not drunk missy." Pagtanggi niya. "I admit I had a few shots but I was just tipsy that time.  I was well aware of what's happening unlike you who snored so loudly over the phone."

"Heh. So, why were you drinking in the first place? I thought you went home." Pagtatanong ko.

Ikinabigla ko nang tumayo siya at agad na nilapit ang kaniyang bibig sa tainga ko sabay bulong, "I thought maybe alcohol could kill the demons lingering inside my head. See you around my heroine." Sabay alis niya.

Saktong tumunog ang bell pagkaalis niya and I was left dumbfounded at the table with more questions than answers. Sooner or later I'll figure you out Ethan Jayce. See you around.

_________________________________

Fifth chapter is up! It has been a while since my last update. I sincerely apologize. I had been busy with my academics. Do not fret though, I'm on my semestral break so I might be able to update more often. Hooray!

Don't forget to leave comments and suggestions! :) Thank you!

© 2014 FrustratedErudite on Wattpad. All rights reserved

Hero/HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon