Chapter 6

10 1 1
                                    

Chapter 6 (TUTOR)- Avielle's POV

July 04, 2014

It's been a month since we decided to try again. Nakikita kong nag-aalangan pa rin siya pero I'm really trying to mend what's been broken. 

Narito si Ejay ngayon sa condo ko. Lalabas dapat kami kaso tumawag yung ka grupo ko kasi may problema raw sa data namin sa research. Hayyy. July pa lang pero sobrang hassle naman  at may research na kami agad tapos ako pa ang in charge sa processing ng data.

"Sige na. Bye na. Send ko sa'yo yung results after ko ayusin yung data."

.....

Napasinghap na lang ako sa kamalasan ko. Ang tanga ko pa rin sa Statistics hanggang ngayon. Hayyy. Nilingon ko si Ejay na tahimik na nagbabasa sa sofa.

"Uhh. Ejay?"

"Hmm?" utal niya habang patuloy na nagbabasa.

"Uhhh. Tumawag kasi yung ka grupo ko and I have to fix the data raw sa research namin. Pasensya na pero are you willing to wait or should we reschedule?"

"Sige, okay lang. Tapusin mo yan. Sanay naman na akong maghintay." Sabay tingin sa akin.

Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Nasasaktan pa rin siya. I'm so sorry Ejay. 

"Ikaw naman. Joke lang. Disregard my last sentence. I'll wait for you. Magaling ka naman sa Math e." sabay ngisi niya.

"Ha? Sige. Sorry talaga ha? Bilisan ko na lang." sabay takbo ko para kunin yung laptop ko. Nakakahiya talaga Yels. 

Ilang saglit lang nahanap ko na yung error sa computation ko pero hindi ko alam kung paano aayusin. Mag-iisang oras na yata ako rito pero hindi ko pa rin ma-figure out kung saan ako nagkamali sa pagcompute. Sa sobrang pagkafrustrate ko ni hindi ko napansin na tinabihan na pala ako ni Ejay sa kama.

"Kaya pa?" bungad niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko na talaga alam.

"Patingin nga." sabay kuha niya sa laptop ko. "I see the error. Kumuha ka ng papel."

Wala na akong nagawa kung hindi kumuha ng papel at makinig na lang. Suko na ako.

"Ganito kasi yan..." sabay sulat niya ng equations sa papel.

Ang dami niyang sinabi halos hindi ko na masundan dahil naghalo na ang mga linya, numero at letra sa utak ko pero eventually nakuha ko na rin.

"And we're done! Whoo! Just like the old times eh?" sabay tawa niya at ginulo ang buhok ko.

Napasimangot naman ako doon. "Heh." Iyon na lang nasabi ko.

"Huwag mong sabihin nalimutan mo na agad?" Humalakhak pa  talaga ang loko.

"You were always better than me at Statistics." I conceded. 

June 22, 2012

"Okay. Let's have a friendly competition here. Damian, Jellicah and Avielle, please proceed to the board. You know the drill."

"Sir Nols naman, pagod na brain cells ko kakacompute. Can we take a break muna or something? May aayusin pa akong papers para sa school newspaper mamaya." pag-angal ni Jels.

"Oo nga Sir Nols, may meeting pa ako mamaya with the elementary student council para sa upcoming projects namin Sir." dagdag ni Dems.

Pinakikinggan ko lang sila umangal kay Sir Nols habang patuloy na nagsasagot. Mas marami kasing binigay na equations sa akin si Sir. Palibhasa mas matagal training ko. Psh. Dagdag mo pa na mabagal ako magcompute kaya puspusan ang pagtrain sa akin ni Sir Nols.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hero/HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon