Chapter 6
Confrontation
-----------------------------------
NAKAKAINIS!!!! Talagang pinipuno na ako ng todo todo ng Jacob na to hah! Parati nalang akong napapahamak ng dahil sa kanya nakakainis!!!!!
Nakaupo lang kami dito sa detention room at nagpapalipas ng oras. Pulang pula ako sa galit at hiya, kefirst day first day ko ay may mga ganito ng nangyayari. Nakaka arghhh!!! Lipat na kaya ako ng school? Nakakainiss
Habang ako ay gigil na gigil na dito ay wala namang tigil sa pangungulit sa akin itong katabi ko.
"Oyyy, kausapin mo na kasi ako..." Paulit ulit na sinasabi ni Kapal muks, habang niyuyugyog yung braso ko.
"ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO SA AKIN!!!?" Sigaw ko sa mukha nya dahil sa inis.
"IKAW NGA ANG DAPAT KONG TANUNGIN KUNG ANONG PROBLEMA MO SA AKIN!?" Sigaw nya pabalik sa akin. Hah! Ang lakas ng loob nitong magtanong eh sya nga itong maraming atraso sa akin!!!
"ALAM KONG ALAM MO KUNG BAKIT AKO NAIINIS SAYO!! AYOKO NG ISA ISAHIN PA YUNG MGA ATRASO MO DAHIL BAKA MAMAYA MASAMPAL NANAMAN KITA! MASUSPEND NA AKO!" Gigil kong sagot sa kanya. Like wth! Ang lakas ng loob nyang magtanong pa ay napakaobvious naman na ng lahat!
"Anong atraso ba yang pinagsasasabi mo ay wala naman akong atraso sayo!" Sigaw nanaman nya. Aba at talagang sinusubukan ako nito hah!
"Anong wala! Buang ka ba! eh ang dami dami mong ginawa sa akin tapos ngayon hindi mo na maalala!!!? " at inisa isa ko sa kanya ang lahat ng mga atraso nyang kapal muks sya.
"Una, ininsulto mo ako sa harap ng kaibigan mo, pangalawa pinutikan mo yung damit ko, pangatlo binunggo mo yung likod ko, pang apat hinalikan mo ako, panglima niyakap mo ako at pang anim hinawakan mo ang kamay ko! Hindi ba atraso lahat yon!!!" Namula lalo ako dahil dun sa tatlong huling sinabi ko.
Huminga sya ng malalim at pinakalma muna ang sarili. "Unang una, hindi ikaw ang tinutukoy ko nung sinabi ko kay Philip na bumaba na ang taste nya sa babae. Si Regina ang tinutukoy ko, dahil yun yung inaabangan nya don sa building na nakita mo sya, inaantay nya si Regina. Pangalawa, hindi ako ang naglagay ng putik doon sa damit mo, dahil ang totoo ay tulad kami ng kotse ng kuya ko at baka sya yung nagpaharurot ng sasakyan na dumaan sa harapan mo kaya ka nadumihan. Diba naaalala mo, nung sumabat ako sa inyo ni Philip ay uuwi na kami, kaya panong nandon pa ang kotse ko noong hapong katatapos mo lang magenroll? Pangatlo, hindi ko sinasadya ang pagkakabunggo ko salikod mo, kaya nga sana magsosorry ako sayo. Tanda mo nun, nginitian kita pero mas lalong nangunot yung noo mo at tinalikuran mo na ako. Dun sa pang apat, panglima at panganim, pasensya na, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para mapansin mo ko." Dirediretsong paliwanag ni Jacob.
WHAT THE HECK? Unti unting prinoproseso ng utak ko lahat ng sinabi nya at wala akong mahanap na butas at dahilan para gumawa sya ng kwento. What the heck Lizz!!! Sinampal mo ang isang tao na wala namang kasalanan sayo!!!! Hindi ka nagiisip!
"Pero kasi, nung ngumiti ka sa school supplies shop, mukha kang nangaasar kaya lalo akong nainis sayo. TAPOS! GRABE KA NAMAN PA LANG MAGPAPANSIN! TO THE HIGHEST LEVEL AGAD! HINDI MO BA ALAM NA MAHALAGA SA AMING MGA BABAE ANG FIRST KISS NAMIN!?"
"First kiss mo ako?" Biglang sabat nya at nagngisi. Namula ako dahil sa naging reaksyon nya. Sht Lizz!! Hindi ka nagiingat sa sinasabi mo!!
"H-hindi no! S-sinasabi ko lang para aware ka!" Untag ko sa kanya.
"Eh bakit nauutal ka?" Sagot agad nya na mas lumaki ang ngisi.
"Hah! Hindi nga ikaw ang first kiss ko! Ang kapal naman ng mukha mo!" Unti unting nawala ang ngisi nya at nagkunot ang noo nya.
BINABASA MO ANG
Playful Faith (FLS #1)
RomanceMeet Lizz, a girl who doesn't have her first at tons of things. But what if he met this guy, that will be her first in everything. Then eventually, they just can't be together. THEY. JUST. CAN'T. How will she handle everything? How will she face the...