Prologue

253 97 122
                                    


Warning: Medjo SPG 

Enjoy! 

-------------------------------------------

A Guy in the club POV

Nakakailang tagay na ako ng hard alcohol dito sa bar. Ito lang ang tanging paraan na alam ko para makalimot sa lahat ng mga masasakit na nangyari. Sa lahat ng mapapait na nakaraan. 

"Another one shot of sunset rum please" sabi ko sa bartender. Napatingin ako sa paper bag na dala ko. Alam kong kabaliwan ito, pero kung hindi ko ipagpapatuloy na subukan mas lalong hindi ako makakalimot. Mas lalong mananatili ang sakit sa puso ko. 

Maraming lumalapit na babae sa akin at agad na hinahaplos ang iba't ibang parte ng katawan ko, pero hindi ko sila mapagbigyan dahil hindi pa malakas ang tama ng alak sa akin. Hindi pa malakas sa punto na kaya ko ng humalik sa babaeng alam kong hindi sya... 

Uminom ako ng uminom hanggang sa nararamdaman ko na ang init sa aking katawan at pagkahilo ng kaunti dulot ng alak. Agad akong tumayo at pumunta na sa dancefloor. Nakita ko ang isang maputi at makinis na babae na nakingiti habang nakatingin sa akin. Nilapitan ko sya at pumwesto ako sa likuran nya. Agad siyang sumayaw, pero kahit anong landi ng mga galaw nya, hindi ako ginaganahan.

Hinila ko ang kamay nya at kinuha ko ang paper bag sa isang stool sa bar. Agad ko syang hinatak papunta sa kotse ko at pinasakay ko na sya doon. Pagkapasok na pagkapasok namin ay sinunggaban ko na agad sya ng halik, marahas ang bawat halik ko sa kanya dahil sa aking hinahanap. Iginala ko ang kamay ko sa mga parte ng katawan nya at narinig kong umungol sya. Napapikit na lamang ako sa narinig. Ipinaglayo ko ang mga labi namin, at umalis na palayo sa lugar na iyon. 

Huminto ako sa tapat ng isang hotel at ibinigay na sa bellboy ang susi ng kotse ko. Bumababa agad sya kasabay ko. Dumiretso kami sa booking desk, pagkakuha ko ng susi ay hinila ko na agad sya sa elevator at doon ay siniil agad ng halik. Iniangat ko sya, ngunit hindi ko parin mahanap ang hinahanap ko.

Nang bumukas ang elevator ay agad ko siyang hinila papasok sa kwarto. Umupo lang ako sa kama at iniharap sa kanya ang paper bag na kanina ko pang dala dala.

"Magbihis ka muna nyan dun sa banyo, pagkatapos non,saka natin ituloy ito." Untag ko. Malandi lamang siyang tumango bilang sagot.

Lumabas sya na suot na ang damit na ibinigay ko sa kanya. Agad ko siyang sinugod at siniil ng mararahas na halik. Pinapainit ko at pinapatagal ang halik sa amin, ngunit ramdam ko parin ang lungkot sa aking puso.

Isinaklang ko ang mga hita nya sa aking baywang at dinala ko sya sa kama. Pagkahiga ay agad kong iginala ang aking kamay sa katawan niya. Mula sa kanyang labi ay bumababa sa kanyang leeg ang aking mga halik. 

"Ugh~" Ungol nya. Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya, pero hindi ko parin maramdaman ang hinahanap ko. Hindi ko parin kayang gawin ito. Hindi ko parin matulungan ang sarili ko.

Tinigil ko ang paghalik sa kanya at hinarap sya. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. "Pasensya na, magbihis ka na ulit, at umalis ka na dito." Sabi ko sa kanya. Dinakdakan nya ako pero hindi ako nakikinig.  Pagkatapos nyang magsalita ay agad na siyang nagbihis at umalis.

Unti unting namuo ang luha sa aking mata habang natutulala. Hanggang kailan ba akong masasaktan? Hanggang kalian ba ako maghihintay na muli kang mahagkan? Hanggang kailan ba ako magpapanggap na ikaw sila? Napakarami na ng babaeng sinubukan ko, peroiisa lang ang napagtanto ko. Hindi sila si LIZZ THORN. 

-----------------------------

Hello Guys! Pahapyaw pa lang yan sa napakaraming kaganapan sa story hehe. Sana maenjoy nyo. Continue reading the story and please vote, leave comments and spread the story. Thank you! Lovelots. Enjoy! Bavush! 

Playful Faith (FLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon