Chapter 2

162 81 84
                                    

Chapter 2

Sila or Sya? 

--------------------------

*Trooooot trooooooot trooooot*  Wag kayo alarm ko yan. 

Inabot ko lang yung alarm clock ko at pinatay.  Arrrgghh! Inaantok pa ako. Kasi naman diba sabi ko kagabi hindi ko na masyadong iisipin yung new school and new classmates na yan, pero hindi ako nakatulog sa kakaisip kung anong mangyayari sa new school ko. Nakakainis. 

Lutang akong bumangon sa kama ko at dumiretso na sa banyo para makapagayos. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush, tas bumaba na ako para kumain. Naabutan ko don si Daddy na nagkakape habang nagbabasa ng tabloid. Wala pa si kuya, si Mommy siguro ay nasa kusina. Nilingon ako ni Daddy kaya nagmano agad ako sa kanya.


"Good Morning Daddy."  At dahil wala pa rin namang pagkain ay dumiretso na akong kusina para matingnan kung nandun ba si Mommy. And yes! I'm so brainy talaga dahil naabutan ko syang nagluluto ng favorite kong tuyo. Tama po kayo, haha favorite ko ang tuyo at sobra akong nashoshock ngayon dahil nagluluto ng ganyan si Mommy eh hindi naman sila kumakain nyan, or maybe nakain talaga sila di ko lang nakikita. 

Hindi kami close ni Mommy, pero maybe she's trying her best rin naman para makacope up sa amin ni Kuya, at hindi ko naman sya tatanggalan ng karapatan na makisama sa amin. Agad akong lumapit kay Mommy, at nagmano. 

"Good Morning Mommy", masaya kong bati sa kanya, para mafeel nya na masaya ako sa pagluluto nya ng tuyo hihi. 

Agad akong hinarap ni Mommy at nginitian. Ngayon ko na lang ulit nakita ng napakagandang ngiti ni Mommy, maybe after 10 years. Nung seventh birthday ko huling nakita ang napakagang ngiting yan nung nagspspeech sya ng message nya sakin. Nakakamiss ang matamis nyang ngiti. Mula sa kawalan ay inakap ko si Mommy na parang sabik na sabik ako sa kanya, at sa pagmamahal ng isang ina. 


Walang imikan pagkatapos noon ay dumiretso na ulit ako sa dining, at umupo na sa upuan katabi ni Kuya, na gising na pala at kinakausap na ni Dad.

"Oh Lizz, sabi nitong kuya mo eh huli na pala kayo sa scheduled enrollment sa RJS kaya pupunta kayo ngayon don para abyarin na yang pageenroll nyo. Nakausap ko na rin yung kabatch ko na isa sa stock holder don, at tatanggap pa rin daw naman ng enrollees don sa school. Kapag nagkaproblem, tawagan nyo nalang ako ng Kuya mo." Sabi sakin ni daddy. OMG. Ngayon na agad mageenroll. Sa di mawaring kadahilanan bigla nanaman akong kinabahan. 

"O-opo Dad." Nauutal pa ako Mygas. Dumating na si Mommy sa dining at naghain na yung mga katulong. Hindi ko na masyadong na enjoy ang pagkain ng tuyo, dahil sa kaba ko sa enrollment. Pero...Kung tapos na ang scheduled enrollment, malamang kami na lang ang mageenroll dun ngayon. OMG. I'm so brainy haha. Ok kalma na ako. 


Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at magready sa pagpunta sa RJS. Naniningin ako ng isusuot sa closet ko ng kumatok si Kuya. Alam kong si Kuya yon, sya lang naman ang sumasadya sa akin dito sa kwarto haha. 

"Bawal pumasok! Nagbibihis ako!" Minsan pa naman napakacareless nyang si Kuya at dirediretso nalang papasok, buti kumatok sya ngayon. 

"Bilisan mo jan! Ayoko ng naghihintay Lizz!" Hays ayan nanaman sya. Ayaw nya ng naghihintay pero wala naman syang choice. Wala pa akong drivers license kaya di pa ako makabukod sa kanya. 

"Papahatid nalang ako sa driver! Umuna ka na" Mamaya bungangaan pa ako lalo nyan kakaintay sa akin. Mabuti ng hindi sya maghintay. 

"Walang available na driver kaya wala kang choice! Bilisan mo nalang jan ng hindi ako mainis sayo!" At narinig ko na yung mga yabag nya pababa. 

Playful Faith (FLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon