Chapter 9

100 58 33
                                    

Chapter 9

Tuliro

-------------------------

Agad akong kumalas sa yakap ni Jacob. Sheez!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo Lizz! Baka kinakabahan lang ako dahil sa issue. Tama, hindi si Jacob ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko, yung issue talaga. 

Hindi ko tinitingnan si Jacob pagkatapos ng akap namin. 

"A-ahh, w-wag kang mag sorry, wala ka namang kasalanan..." Naiilang na untag ko ng hindi pa rin nakatingin sa kanya. Ibinaling ko ang paningin ko kina Lovely, at tinitigan sila ng makahulugan na mukhang nakuha naman nila. 

"Ah Jacob, dinala lang namin si Lizz sa private place kasi kinausap namin sya. Sige una na kami, may meetings pa sa mga organizations eh." Paliwanag ni Lovely. Hinila na nila ako at hindi na inintay ang sagot ni Jacob.  

Anong nangyayari? Bat na aawkward ako? Arghhh! 

Maraming estudyante ang nag lalakad na palabas ng school, at nagbubulungan pa rin sila kapag nakakasalubong ako. 

Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi pa rin naman ako nag eexplain about what really happened. 

"Oy Lizz, dun muna tayo sa preppy organization. Kasi sila yung mga malakas sa social media and famous sila sa school, so we actually need their help para mas mapadaling mapakalat ang katotohanan." Sabi ni Dorethy. HIndi ko alam na may mga ganitong club pala dito. Maybe hindi pa lang naiintroduce sa fresh men and transferees kaya ganun. 

"A-ah sige. Salamat talaga sa inyo hah" 

"Ano ka ba Lizz, nakakailang pasasalamat ka na. Umayos ka nga! Act normal, WE. ARE. FRIENDS for God's Sake! Gagawin namin ang mga makakabuti para sayo" Sabi ni Jade. 

"Grabe talaga. Sala----" 

"Hep hep hep!!! Ayan ka nanaman sa salamat na yan. Alam kong good manners yan pero naririndi na ako. Tara na." Putol sa akin ni Jade. 

Dumiretso na kami sa isang malaking classroom dito sa school. Pagkapasok ko ay napakaraming magagandang babae at mga gwapong lalaki ang nakita ko. 

Obviously, kaya siguro nga preppy at famous sila ay dahil sa mga itsura nila. 

"Good Afternoon Everyone, So I know you are all shookt about the issue scandal photos ni Jacob and Lizz, so nandito si Lizz, para klaruhin lahat. Lalo na sa inyo girls, I know kayo ang mga mas affected sa mga lumabas na photos." Panimula ni Dorethy. Tinanguan nya ako at binulungan na magsimula na.

Hinarap ko yung mga taong kasali dun sa club, at tiningnan ang mga reaksyon nila. Kalimitan sa mga lalaki ay nakaawang ang bibig at titig na titig sa akin, ang mga babae naman ay mga mukhang naghihintay ng sasabihin ko at ang ilan naman ay mga nakakunot ang noo.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. 

"H-hello. So obviously, ako yung andun sa picture. My name is Lizz Martinez po, and i am an innocent girl. The photos are quite good i could say, because the person who took the photos really captured the best part to make issues. I know not all of you are familiar that during the first day of school, Jacob and I were sent to the detention and were punished by Mrs. Rodriguez. The punishment given to us was to clean the classroom after class without any help from the janitors. After cleaning the classroom, i tripped and fell of the ground together with Jacob. The facial expressions states that our backs ache due to what happened. Which only mean that the photos are not what you think it was. It was completely innocent, and there's nothing between me and Jacob, aside from being friends." Dire-diretsong paliwanag ko. 

Playful Faith (FLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon