Galawang Ken IV

146 8 3
                                    


I am walking alone in the street on the way to my house. The ambiance seems so creepy, nakakatakot tingnan street lights na patay sindi. I relaxed myself to lessen the anxiety building up inside of me, inhale, and exhale.

Bigla akong nagulat nang may kumalabog malapit sa aking kinaroroonan, binilisan ko ang aking paglakad at nilingon kung ano yun. Sht. Isa lang palang trashbin na natumba, huminto ako at huminga na naman ng malalim. Lumabas ang isang itim na pusa mula sa trashbin, punyeta, sya ata ang nagtumba nito. “Fuck you cat, you can’t scare me,” bulong ko sa sarili ko.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad patungo sa bahay ng may nakita akong isang babae sa aking harapan, nakaupo sya sa gilid ng daan at niyayakap ang kanyang tuhod at ang kanyang mukha nakasubsub dito. Mataas ang kanyang buhok at may kaputian.

Sige lang Ken, wag kang magpasindak jan sa babae na yan lasing lang yan at nakatulog sa daan. Hindi yan white lady kasi walang white lady na madumi ang damit sa putik, hindi kaya burara ang mga white lady, di gaya ng babaeng ito nakawhite casual nga eh ang dumi dumin naman.

Habang palapit na ako narinig ko na parang umiiyak sya. Ay ganyan talaga pag malakas ang amats umiiyak na sa sobrang lasing, shat pa Nene. Dapat alam mo yung limitasyon mo para hindi ka nagkaganyan, nakalagay ng sa mga bote, drink responsibly, tanga!

Huminto ako sa tapat ng babae para tingnan sya, well, okay naman sya kahit umiiyak, di ko naman masabi kung maganda ba sya or hindi kasi hindi ko makita ang mukha nya.

“Miss gabi na, umuwi kana sa inyo baka mapano ka dito sa daan,” barangay tanod lang? Ang gwapo ko yata masyado para maging tanod eh pero at least concerned pero pag ang dilag na ito ay maganda aba wag na siyang umuwi sa bahay nila, sa bahay ko nalang sya uuwi, ihahatid ko pa sya sa langit gamit ang kama ko.

Hindi sya sumagot, nagpatuloy lamang sya sa kanyang pag-iyak. “Ayaw mo sa bahay nyo? How about sa bahay ko nalang malapit lang naman bahay ko dito,” alok ko sa kanya, humanda sya pagsumama sya sa akin sa bahay pero pagpangit ang babaeng to, sa ibang bahay ko sya papapasukin.

“Salamat nalang pero nakapunta na ako doon,” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Huh?! Nakapunta na sya sa bahay namin? Baka akyat bahay tong putang to na magnanakaw sana sa bahay pero hindi na natuloy kasi nahulog sya sa pag-akyat nya sa gate kaya ngayon nandito sya umiiyak kasi masakit ang paa nya sa pagkahulog kaya niyayakap niya ito para maibsan ang sakit.

“Nene, magnanakaw ka no?” tanong ko sa kanya ng pabiro pero gusto ko talagang malaman kung magnanakaw ba sya pero naalala ko walang kawatan na umaamin kaya alam kong hindi sya sasagot ng oo, exaggerated lang kasi masyado imagination ko eh.

“Ikaw! Ikaw ang magnanakaw, ninakaw mo ang lahat sa akin, ang aking virginity, aking kaluluwa at aking pagkatao,” sigaw nya ng buong pwersa, halata ang galit sa kanyang pananalita.

“Sorry Miss, pero medyo FC ka ha? Di kita kilala, baka liker kita sa Facebook, promise likeback kita wag ka lang gumawa ng eksena sa daan baka magising ang mga taong natutulog na sa malapit,” ani ko.

“Hindi mo ako kilala?” tanong nya, ang kanyang mukha ay nakasubsub parin sa kanyang tuhod. Inangat niya ang kanyang ulo habang nagsasalita “Hindi mo kilala ang mukhang ito? Ang babaeng pinarausan mo, ang babaeng dinurog mo ang puso, kaluluwa at isipan? Hindi mo ba ako kilala Ken? SUMAGOT KANG PUTA KA!”

Hindi ako makapaniwala ng makita ko ang mukha nya, “Minerva,” sambit ko, umiiyak sya ng malakas at ang kanyang eyeliner ay umaagos narin sa kanyang mukha pero wala parin akong pakialam kahit maging “woman who can’t be moved” pa sya jan.

“Ipaghihiganti ko ang sarili ko!” sigaw nya, “Pero hindi lang ako ang maghihiganti pati na rin ang iba pang mga babaeng sinaktan mo ng sobra-sobra,” mula sa kadiliman lumabas ang walong babae, sila yung mga babaeng nasundot ng aking Señor, may dala silang baril, kutsilyo, tali at isang silya.

Ken ang Fuckboy na may ReglaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon