Galawang Ken VIII

87 8 5
                                    


“Lubayan nyo sya kung ayaw nyong masaktan!”

Tiningnan ko ang lalaking nakasombrero na nakahiga sa kalsada parang namimilipit sya sa sakit na kanyang nadadama, kinakamot nya ang kanyang ulo, parang tinamaan yata sya ng anong bagay, paglingon ko sa gilid nya ay nakakita ako ng bato na kasing laki ng kamao, hindi kamao ng isang normal na tao kundi kamao ni Thanos, wow, kung akong natamaan nun siguradong nakalimutan ko na gaano kasakit mafall na hindi sinasalo, well, ang sakit kaya nun kagaya noong first day of menstruation ko, noong nahulog ako sa hagdan.

Sino kaya tong taong naglakas loob na iligtas ako mula sa panganib na aking hinaharap? Alam ko na! Si Lakas! Sinagip ako ni Lakas kasi mukhang si Sarimaw tong kalbo at mukhang mga galamay nya tong dalawa.

Ang anino ng aking tagapagligtas ay lumalapit sa kinaroroonan, teka, hindi to si Lakas kasi mataas ang buhok nito. Sabi ko na nga eh, totoo si Darna, pero kung si Darna ito bakit nya tinapon ang kanyang bato? Diba dapat lulunukin nya yon? Hindi, hindi talaga to si Darna, baka yung jowa ni Lakas, oo nga, si Ganda!

Tiningala ko ang aninong ito at nakita ko din ang nagligtas sa akin, “Pangit!” sigaw ko ng makita ko ang mukha na matapang na babaeng nagpatigil sa mga lalaking gumugulpi sa akin, akala ko pa naman si Ganda ang nagligtas sa akin. Iba talaga pag nilamon ka ng Bagani, mekeni mekeni dug dug doreme pa more! Ogag!

“Ano Kalangitan tutunganga ka ba nalang jan? Gusto mo pa yatang magpabugbug sa mga lalaking yan?” tumayo ako ng pagalitan ako ng taong nagligtas sa akin, agad naman akong tumakbo patungo sa kanya.

“Perador, ba’t nandito ka?” shocked kong tanong kang Perador, ang babaeng hindi mukhang babae, na walang suklay, na team captain ng Watchmewep Taekwondo Team, na tinalo ako sa captainship match kanina.

“Basta mamaya ko na sagutan yang tanong mo,” sagot nya, tinulungan ng dalawang lalaki ang kanilang kasamahan na nakahiga sa sahig dahil sa pag asinta ni Perador ng malaking bato sa ulo nya.

“Oh my ghad sister, yung head mo nagbebleeding love!” sambit ng kalbo.
“Sisteret, wag kang magpakashunga jan, stand up for love ka!” sabi ng kulot habang tinutulungan nyang patayuin ang nakasombrerong lalaki.

“Putang ina Kalangitan, binugbog ka ng mga bakla!” kantyaw ni Perador sa akin habang tumatawa na para bang siya ang nagmamay-ari ng Milky Way Galaxy.

“P-pero ang s-siga nila kanina. Nanakawan nga sana nila ako ng pera kaso pumalag ako,” paliwanag ko, tang inang mga baklang to, akala ko pa naman ang sisiga nito yun pala ang babakla, jusemeyomarimar.

“Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa beauty ko! Tetegiin namin ang mga pashnea nyong buhay!” sigaw ng baklang nakasumbrero na hinahawakan ang kanyang ulo dahil sa sakit.

“Huy mga bakla! Pagbabayaran nyo ang panggugulping ginawa nyo sa kaibigan ko!” pagbabanta ni Perador.
“Feeling close ka Perador ha? Sinong nagsabi sayo na kaibigan kita?” bulong ko sa kanya, agad naman syang tumalikod at lalakad na sana palayo sa akin, “Sige na mga bakla wag na kayong magbayad, gulpihin nyo yan!” utos nya sa mga bakla.
“Uy Perador, di ka naman mabiro!” hiniwakan ko ang kanyang kamay upang pigilan sya, kung hindi palang ako napuruhan kanina malamang kakayanin ko to mag-isa pero nanghihina na ang aking katawan at nasipa pa nila ang diaper ko eh tapos punong-puno na ito kaya di ako makagalaw masyado baka magkaleakage pa ako at madiscover pa nila na may regla ako.

“Huy babaeng mukhang taong gubat na pinagkaitan ng mga magulang na magkaroon ng suklay, hindi kami bakla no!” reklamo ng nakasumbrero.

“Ano ba kayo?” tanong ko sa kanila,

“Bi kami!” sagot ulit ng nakasombrero, siya ba ang designated spokesperson nilang tatlo? Siya lang kasi laging sumasagot eh.
“Mare ano yung bi?” bulong ng kalbo sa kanya.
“Basta mare, uso yun kaya go with the flow nalang tayo”
“Sige gora ako jan,” pagkompirma nang kulot.

Kailan pa naging uso ang pagiging bisexual? Mga baklang to, walang alam sa mga pinagsasabi nila, naalala ko tuloy yung mga friends kong babae sa Facebook na ‘bisexual’ daw pero natatakot naman sa mafinger ng mga tboom, kagagahan talaga.

“Sino ba kayo ha?!” sigaw ni Perador sa kanila.

“Ako si Bubbles!” sambit ng kalbo sabay pose, ang kamay nya nakalagay sa bewang.
“Ako si Blossom!” di rin nagpakabog ang nakasombrero sa kanyang pose.
“At ako si Buttercup!” aba lakas din umaura nitong kulot.
“At kami ang Power Puff Gays!” sigaw nila ng sabay at syempre may pose din sila as a group, iba din talaga pag ang bakla sabog sa droga lakas makarampa akala mo naman ang gaganda eh mukha pa naman silang construction worker sa laki ng katawan nila at ang mukha nila ay kulang pa si Chocolate, Wacky Kiray, Orville, Joven at si Bentong e combine kung sa salita pa ng mga bakla, ang chachaka nila.

“Sabi nyo bisexual kayo, tapos Power Puff Gays? Anyare?” pangungulit ni Perador sa kanila.

Nagulat sila sa sinabi ni Perador at nagform sila ng maliit na bilog at nagpulong-pulong.

“Sige yan nalang, mas bet ko yan,” bulong ni Buttercup.
“Choks, gora na!” pagsang-ayon ni Bubbles.
Huminga si Blossom ng malalim at sumigaw “Okay, one, two, three, go!”
“Kami ang Power Puff Gang!” sigaw nila.
“Diba sabi ko na sa inyo mas effect pag gang, pangit nong suggestion mo Buttercup,” sambit ni Blossom.
“Oo nga ang pangit non,” sumang-ayon ulit si Bubbles.
“Hindi na yan magmamatter, ang impotante mapaghiganti natin si Blossom! Bugbugin sila!” sigaw ni Buttercup.

Kumaripas sila ng takbo patungo sa amin at aatakihin na kami.

“Tara na Kalangitan, palag!” sambit ni Perador sa akin, mapapaaway na naman ulit ako nito ha?

Sinipa ng Perador ang ulo ni Buttercup ng isang turning hook kick at natumba ito, ginamitan ko naman ng isang 360 degree kick si Bubbles na tumama din sa ulo, knock out rin siya kagaya ni Buttercup. Si Blossom nalang ang natitira, tiningnan ako ni Perador at tumango sa akin, alam ko na ang ibig nyang sabihin. Sinipa namin ng sabay si Blossom, silang tatlo na ngayon ay nasa kalsada nakahiga at mimilipit sa sakit ng kanilang katawan.

“Don’t mess with the wrong guy, wag ako,” sinabihan ko ang mga bakla na para bang tinatangkaan ko silang kikitilan ko sila ng buhay pag ginawa nila ulit yun sa akin.

“Wala na kasi kaming pera eh, wala na kaming mga afam kaya nagawa namin yun,” naiiyak si Blossom habang nagpapaliwanag sa amin.
“Wag mo na kaming bugbugin, di na talaga kami uulit,” pagdugtong ni Buttercup habang nakayuko sa daan, na para akong sinasamba at humihingi ng kapatawaran.
“Yeah yeah yeah,” pagsang-ayon ni Bubbles habang umiiyak ng malakas.

Dinaanan ko nalang sila at nagpatuloy na sa paglalakad ng paika-ika, ang sakit ng katawan ko dahil sa kanilang pagbubugbug sa akin, sinundan naman ako ni Perador.

“Ba’t mo ako sinusundan?” tanong ko kang Perador na may pagsusupetsya.
“Huh?! Sinong may sabi na sinusundan kita? Assuming ka ha? Dito din kaya ang daan patungo sa amin,” pagmamaldita nya.
“Pero bakit nandito ka pa sa daan ng ganitong oras? Siguro holdaper ka no? Wait, wag mong sabihin sa akin bugaw ka?” tinanong ko ulit sya at nandoon parin ang aking pagsusupetsya.
“Hindi ah, kakatapos lang ng shift ko sa Ligro’s restaurant, pasalamat ka nga nakita kita kanina at naligtas kita.”
“Actually, hindi ko kailangan ng tulong kaya ko naman sila sadyang epal ka lang talaga, epal ka sa lahat ng bagay, pati captainship sa team ninakaw mo sa akin, ganyan ka ka-epal!” pagpapaliwanag ko sa kanya pero sa totoo lang kung hindi niya ako naabotan hindi ko alam kung ano nang nangyari sa akin, baka nasa salvage forest na ako ngayon nakahandusay katabi ng babaeng namatay dahil sa neargroup.
“Hindi ko iyon ninakaw dahil hindi rin naman iyon naging sayo!” bulyaw niya sa akin parang nagalit sya sa mga sinabi ko.
“Pero akin yun noon!” di rin ako nagpahuli at sumigaw din ako, ikaw ba naman agawan ng captainship di ka ba magagalit?
“Oo sayo yun NOON! NOON lang at hindi NGAYON! There’s a difference, you’ve earned it in the past and I’m more worthy for it in the present, so learn to accept your loss and move on!” sigaw nya sa akin para syang si Bea Alonzo kung magsalita bawat linya ay tumagos aking damdamin at na realize ko na tama sya.
Napalingon nalang kami ng may sumigaw na ale na nasa labas ng pinto ng kanyang bahay at parang galit na galit.
“Huy, kayong mag jowa kung mag-aaway man lang kayo, wag dito sa daan ang ingay-ingay, may natutulog na! Akala nyo naman kayo sa inyo tong kalsada!” huminto sya ng saglit at huminga ng malalim, parang napagod din sya sa kakasigaw, “Pero in fairness sa iyo inday ha ang galing mong magdrama, pwede kanang manominate sa Oscar’s,” dagdag niya, agad naman siyang tumalikod at pumasok sa bahay, sumagalpak ang pintoon sa kanyang pagsirado nito.

“Napagalitan na tuloy tayo Perador dahil sa kadramahan mo.”
“Ikaw kasi eh, di mo tanggap na natalo kita!” pang-aasar nya sa akin.
“Kung hindi lang kasi ako niregla malamang natalo kita,” pabulong kong sabi sa sarili ko.
“Ano?” tanong ni Perador at ang kanyang kilay ay nagsasalubong dahil sa kyuryosidad.
“Sabi ko bakit ka pinagkaitan ng suklay ng mga magulang mo? Parang tinanggalan ka kasi ng karapatang magsuklay,” pagsisinungaling ko, tiningnan ko sya at parang inis na inis sya sa aking mga sinabi.
“Dyan ka na nga!” tumakbo si Perador ng mabilis at lumiko sa kanto doon yata ang daan patungo sa kanilang bahay.
Pinagpatuloy ko ang aking paglakad at nakaabot na sa aming bahay.

~~

Ang ingay-ingay ng room 69 pero wala ako sa mood para pagalitan sila baka naman paglabas ko ng gate ng school ay nag-aabang na ang mga classmates ko para upakan ako, nakakailan na rin akong sermon sa kanila nitong nakaraang araw, nakakairita kasi eh dagdag patong regla kong mag-iisang lingo na, putang ina, ba’t ang tagal kasing matapos nitong period ko?

Noong una similya ko lang ang nilalabas nitong Señor ko pag gusto kong magpalabas at masarapan, ngayon dugo na ang lumalabas at hindi ko gustong itong ipalabas kasi hindi ako nasasarapan.

Teka, pag ang babae kung nireregla namamatay ang egg cell nila, eh kung sa akin, sperm cells ko ang namamatay? Puchaks, sayang naman ata ang mga similya ko, imbis ako nalang ang huling pag-asa ng Pilipinas upang magkalat ng magagandang kauri dito sa bansa, sinayangan pa nila.

Siguro kung hindi lang ako nireregla ngayon, ang dami na sanang nadiligan na hardin ng Señor ko, oo, hardenero ang aking Señor dinidiligan nya ang mga hardin ng mga kababaihang gusto magpadilig pero namimili din kami ng Señor ko no, yung mga magaganda lang, bawal ang mga hardin na nabungkal at tsaka hardin lang target namin hindi hacienda, ang luluwag na nun di na ako maeenjoy ang Señor ko pero pansin ko din sa ibang fuckboys na senior high na hindi hardin ang hanap nila kundi flower pot kasi yung mga pinupunterya nila mga bata yung nasa Grade-7 pa or Grade-8, aba maging mapanuri, mapamatyag at maging matanglawin talaga yang mga batang yan kundi mababasag talaga ang mga flower pot nila.

“Kalangitan! Mr. Kalangitan!” nagulat ako ng tawagin ako ng guro namin sa Physics, si Ma’am Aybee Aguas, hindi ko siya napansin kasi ang lalim na ng aking pagninilay tungkol sa mga uri ng mga femfem yun ay ang flower pot, hardin at hacienda, may nalelearn din kasi ako pag ako lang mag-isa, isa kaya akong
patagong philosopher.

“Present ma’am!” sigaw ko sabay taas kamay para makita ako ni Ma’am. Nagtawanan ang buong klase sa aking sagot, may mga tawang normal, may tawang parang wala nang bukas, may tawang parang kang Sponge Bob at may tawang parang sa mangkukulam pero teka bakit nila ako pinagtatawan? Hindi naman ako nagjojoke at present naman ako ha?

“Did you leave your brain at home Mr. Kalangitan? I was asking you a question then you’ll answer me ‘present’?” galit na galit si Ma’am Aguas, para talaga syang si Ivy Aguas magalit yung mata nya nanlilisik parang kakainin nya na ako, mamamiyah, maawa ka sa akin ma’am.

“Stand up and answer this problem on the board!” sigaw nya, agad-agad akong tumayo at tumungo sa board, habang sinasagutan ko ang problem narinig kong nagbulong-bulongan ang mga kaklase ko.

“Ano yang nasa pwetan ng pantalon ni Ken? Ketchup ba yan?”
“Pare tingnan nyong pwetan ni Ken para siyang nakatae sa pantalon nya na may dugo.”
“Hindi Pare mukha siyang may regla,” sagot nung isa, tiningnan ko ang aking pwetan at sht di to pwedeng magyari.

“Kharl Kendall K. Kalangitan, nagdadala ka na ba?” pabirong tanong ni Ma’am Aguas.
This can’t be, I’m having a leakage! Red alert! Red Alert! This is so awkward and embarrassing.





**
Mahal kong readers, don’t forget to vote for this chapter, pakivote nalang din ng past chapters.
Leave your expectations for this story at the comment box.
I hope you enjoyed reading.

Ken ang Fuckboy na may ReglaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon