Galawang Ken IX

91 5 1
                                    

Para akong mamatay sa sobrang hiya na aking nadarama, Allah, Yahwee, Ama, Shiva, Vishnu, Brahma at iba pang mga dyos tulungan nyo akong mawala sa classroom na ito na parang bula.

I wish bumukas ang ceiling ng classroom na ito at may flying saucer na magpakita at kunin na ako ng mga aliens, ayq na sa ert. Punyeta, bakit ngayon pa?

Sana kainin ako ng lupa, sana may meteor na tumama sa classroom namin, sana may lumigtas sa akin dito.

Para akong bato sa aking kinatatayuan, sobrang hiya talaga ang aking nadarama, ang halakhak ng mga classmates ko ay sobrang lakas na para bang nakita nila si Jolibee na umoorder sa McDo, pati si Ma'am Aguas ay napangiti sa mga pinagsasabi ng mga classmates ko.

Putang ina Señor, ikaw kasi iyak ka ng iyak ng dugo yan tuloy napahiya tayo. Nafeel ko din kasi lately, ang bilis ng agos ng period ko.

Napayuko nalang ako sa kakahiyan, para ba akong maiiyak sa harapan, puta, for the record di pa ako napahiya sa maraming tao.

"Tumahimik nga kayo! Mga bobo ba kayo? May lalaki bang may regla? Mga hangal!" nanlaki ang mata ko ng may nadinig akong bulyaw na nagtatanggol sa akin, tinanaw ko ito at ito ay si Perador, galit na galit.

Tumahimik ang buong klase dahil sa pagdadabog ni Perador, bumalik ang atmosphere ng klase from overjoy to silence.

Napangiti nalang ako ng konti at ipinagpatuloy ang pagsasagot sa board pagkatapos ay umupo na ako pabalik sa aking upuan.

"Salamat," sabi ko ng walang emosyon at nakaharap sa board.

"Parang iiyak kana kasi sa harap kaya di ko mapigilang mang gigil sa mga classmates nating inutil," paliwanag nya.

I've smiled remembering that she already saved me twice. First, noong sa Power Puff Gang at second, ngayong nagkaleakage ako. Sht, I don't like having 'utang na loob' to someone.

Class have ended, I stood up and removed my black longsleeves and tied it to my waist. Buti nalang naisipan ko mag longsleeves ngayon, pumunta agad ako sa cr para magpalit ng diapers.

Tang-ina, di ko alam kung saan ko itatapon ang diapers kaya finlush ko nalang ito sa toilet.

Pumunta agad ako ng cafeteria pagkatapos kasi nagugutom na ako. Nakita ko si Perador, standing in the corner alone, she don't have company, malamang di sha negosyante, ulul joke lang, that's why I decided to get near her.

"Perador, ano, mabubusog ka ba sa kakatayo mo jan?" tanong ko sa kanya

"Hindi, pero hindi ko rin naman sinabing lumapit ka at kausapin ako," aba may gana pang magmaldita tong babaeng walang suklay.

"Whatever, jan ka na nga," lalakad na sana ako palayo ng hawakan nya ako sa kamay.

"Teka Kalangitan, pautangin mo naman ako oh, naiwan ko kasi ang pera ko sa bahay," aba, alam yata nya ang galawan ko ha at ginagaya nya ito. May #GalawangPerador ka din pala ha.

"Librehin nalang kita, wag ka ng magtangkang magbayad baka dalhin mo lang ako sa bahay nyo at gahasain mo ako," sambit ko sa kanya. Alam ko na yan na mga galawan Perador, asa ka pang mahuhulog ako jan, pero ito ang perfect time para makabawi ako sa kanya.

"Libre?" nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha na para bang hindi sya makapaniwala sa aking pinagsasabi.

"Bingi ka ba? Wala ka pang suklay, wala ka pala ding cotton buds," pangangatyaw ko sa kanya.

"Yes! Libre!" sumigaw sya ng malakas at napasayaw sa tuwa, ang mga mata ng mga estudyanteng nasa cafeteria ay napatingin sa kanya.

"Gurl tingnan mo yung babaeng kasama ni Ken, parang taong kweba na nagsasagawa ng ritwal," bulong ng isang babae sa kanyang kaibigan.
"Ay babae yan gurl? Akala ko lalaking rockstar na walang banda," tawang-tawa ang mga babae sa kanilang pagchichikahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ken ang Fuckboy na may ReglaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon