Glord's POVAbala kami sa pag-uusap tungkol sa lalaki kanina.Ni hindi namin naaninang yung mukha niya.Hindi naman sa natatakot kami.Nacurious lang kami sa pananalita niya.
"Wala akong maisip kong sino yun pre,baka yun yung tinatawag nila na soul eaters."pagbibiro ni Khenjie.
Wala na talagang ibang maisip ang lokong to.Ni hindi mo makausap ng seryoso.Puro kalokohan lang ang naiisip nito.
"Tumahimik ka nga.Baka mamaya kikitilan ka ng buhay nun ng hindi mo nalalaman.Hindi talaga kami dadating sa lamay mo."mahinang tugon ni Jephson.
Tumawa kami ng mahina.At tinignan si Khenjie na biglang sumeryoso.
"Kung sino man siya,hindi ako natatakot sa kanya.Nakita nyo? winarningan niya tayo kanina kaya dapat tayong magdoble ingat.Yung mga babae dapat nating protektahan."
"Pero mas maganda pag si Glai ang susuyuin mo pre."pang-aasar ko sa kanya.
Bigla siyang ngumisi habang nakayuko.Hatinggabi na pero hindi pa kami natutulog."Basta magdoble ingat tayo."
"Kung aalis nalang kaya tayo dito?"suggest ni RJ.
"Sa ngayon,wag na muna.Wala pa naman tayong kasiguraduhan. Ipagpatuloy muna natin tong year nato tsaka na tayo aalis."sabi ko.
"So,kelan natin balak umalis?Kung may mangyari na?na magsisilbing evidence na may mamamatay tao talaga dito?"mahinang tugon ni Jephson.
"Hindi naman natin hahayaang may mangyaring masama satin.Ang akin lang naman,kelangan natin ng kasiguraduhan ngayon.Kelangan nating maghanap ng impormasyon tungkol sa paaralang to.Kelangan nating magpanggap na inosente tayo.Anyway,inosente naman talaga tayo,ang kelangan natin ay magpanggap.Aish!ewan basta magpanggap tayo.Makipagkaibigan tayo sa mga estudyante dito.Yung lang ang tanging paraan para makahanap tayo ng impormasyon."pagpapaliwanag ko.
"Baka yang gagawin natin ang magpapahamak satin.Hindi naman sa tutol ako sa sinabi mo pre kasi may punto ka naman.Ang akin lang,pano pag malaman nila ang tungkol sa plano nating to?"ani RJ.
"Tama si Glord pre.Yun nalang ang tanging paraan.At kung dadating tayo sa panahong nanganganib na tayo dito,dun na tayo aalis."sambit ni Khenjie habang nilalaro yung kuko niya.
"Eto pa.Pag may malalaman man tayo hindi natin ito dapat ibigay alam sa mga babaeng kasama natin dito ngayon.Maaaring manganganib sila.May masamang kutob talaga ako sa lalaking yun.Hindi ko alam pero sa tingin ko mas mabuting gawin nalang natin ang plano na sinuggest ni Glord.Protektahan natin ang mga kasama natin."dagdag niya pa.
"Sa ngayon,magpahinga muna tayo.Bukas magoobserve tayo.Baka mas makakuha tayo ng impormasyon tungkol sa school nato.Kelangan natin ng lakas sa ngayon.Wala pa namang kasiguraduhan.Nag mala detective na tayo dito."biro ni RJ.
"Oo nga mas mabhting matulog na tayo.Mag-enjoy muna tayo dito.May nalalaman pa talaga kayong plano.Hambog lang talaga yung lalaking yun."ani Jephson na nagsimula ng humiga sa higaan niya.
"Pero may nararamdaman din akong kakaiba sa mga tao dito.Yung bigla nalang silang susulpot ni hindi natin alam kung san sila galing?tulad nung upuan kanina sa principal's office.Ni hindi natin alam kung san galing yun eh wala yun sa harapan natin.Yung pag-alis ng magandang babae na sa isang iglap lang parang bula.Yung lalaking sumulpot kanina.Ni hindi natin nararamdaman yung pagbukas ng pinto.Dun lang natin sya napansin nung nag tsk.tsk.tsk. siya,diba?I conclude na may iba talaga dito.I mean may kakaiba sa school nato."pagbabahagi ni Khenjie.
"Nahahalata ko din .Yung mawawala sila na parang bula."sabi ko sa kanila.
Humiga na ako at nagkumot."Matulog na tayo pre.May klase pa bukas.Di tayo magpap-late.Di pa natin alam kung ano ang school rules and regulations dito."ani RJ na tumagilid at pumikit na.
"Sige na matulog na tayo.Wag muna kayo mag isip isip ng kung ano-ano.Focus muna sa pag-aaral."dagdag niya pa.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...
BINABASA MO ANG
Death School
Mystery / ThrillerDeath School?Tama ba ang pinapasukan ko?Ano bang dapat kung malaman sa paaralang ito?