Zyin's POV
Napamura nalang ako nung umalis na sa banyo si Leslie.
Anong bang pumapasok sa isip ko at ginawa ko yun.She is not Allison and she will never be my Allison.
This is bullsh*t !Allison,babe.I'm so sorry.I'm so so sorry.
Tumulo na naman ang luha ko.Damn this feeling !Naghilamos muna ako bago lumabas.
Pagkatapos nun ay naglakad na ako papuntang school principal.Pagpasok ko palang,sinalubong na ako ng tingin ni Ms.Bargamento at Les.Pagtingin ko sa kanang bahagi ay andun lahat ng kaibigan niya.
Sinenyasan ako ni Ms.na umupo kaya sinunod ko sya.Tinignan ako ng masama ni Leslie.
"So,good afternoon sa inyong dalawa.Alam nyo ba kung bakit ko kayo pinatawag dito?"tanong ni Ms.Bargamento.
Tumango si Leslie at yumuko.
"Ms.Midst.Is that true?"
Tinignan ko ang reaksyon niya.Parang nalilito sya."Ang alin po?"
"NA IKAW ANG PUMATAY KAY MS.ALLISON BLANCH VILLAFUERTE."
Tumawa ng malakas si Leslie.Gaga ba to?Baka maniniwala na talaga si Ms.na siya ang pumatay sa Ex ko.
"Do you think I can do it?"tapos humahalakhak na naman siya.
Ano bang nangyayari sa babaeng to?"Hindi po siya ganung ta-"singit nung isang nyang kaibigan.
"I'm not asking you Mr.Raven Jay Fuentaverde."galit na sambit ni Ms.
Tumingin ulit si Ms.Bargamento kay Leslie.
"Answer me,Ms.Midst.""Mawalang galang po ah.Unang-una sa lahat hindi ako killer.Hindi ako mamamatay-tao.Natatakot nga akong makakita ng dugo na galing talaga sa katawan ng tao.Second,bago nyo ako pagbintangan...Tanungin nyo muna siya kasi sya ang andun.Inutusan nya lang naman akong linisin yung silid."at tinuro ako.
"Malay ko ba na may multo dun na nagdadala sa patay na katawan ni Allison.Pagpunta ko dun wala namang bahid ng dugo yung sahig.At may-"
"Hindi siya ang pumatay."malamig na tugon ko.
"Okay.Pero can you please explain ?kung ano talaga ang nangyayari,Ms.Midst."
Nakita ko sa mukha ni Leslie na naiinis na siya.
"Fine.Late ako kanina .I'm 30 minutes late .And kamalas-malasan,hindi pabpala nalinisan yung silid na gagamitin namin for the booths.Eh,sa dinami dami nilang nakatunganga dun sa labas ni walang kumilos na linisin yun.Pagdating ko,nag-rap na yung President namin.Tch!tapos ayun pinapalinis ako sa silid.Kumuha ako ng pampunas at walis .Syempre ,ano bang gagamitin pagnaglilinis diba?Ayun nagpunas ako.Eh sa pinabayaan ako ng magaling kung president ayun biglang umihip ang hangin at."
Huminto siya parang inaalala yung mga nangyari kanina.
"Continue Ms.Midst."ani Ms.Bargamento.
"A-at may nakita akong lalaki na sumandal sa pintuan.Nakahood na itim siya.Sabi niya magkikita daw kami sa party mamayang-gabi tapos nun.Biglang umihip ng malakas yung hangin.Malakas na malakas.Nakita ko na naman siya pero di ko na yun pinansin.Humangin na naman kaya napapikit ako at baka mapuwing ako.Dun ko na nakita yung dugo na nakabahid at papuntang cabinet.Tapos may maliit na pirasong papel na lumilipad sa gawi ko kaya pinulot ko ito. Nakasulat sa papel na buksan ko daw yung cabinet eh bubuksan ko na sana kaso pinigilan ako Ni rivas at hinila ako palabas .Syempre,huminto ako kasi di pa ako tapos sa paglilinis .Kaso di ako nakikinig sa kanya at binuksan ko talaga yung cahinet,dun ko nakita yung ulo at katawan ni Allison."
BINABASA MO ANG
Death School
Mystery / ThrillerDeath School?Tama ba ang pinapasukan ko?Ano bang dapat kung malaman sa paaralang ito?