Pagkatapos namin kumain bumalik na kami dito sa room kanina pa ako kinikilabotan.
Simula noon nakita ko yung babae kanina sa may pinto ng cafeteria baka guni guni ko lang yun.
Yun pala kasama ni namiyy eh nag transfer dito sa school at sa section pa namin siya napunta.
Kada section 30 students lang 29 palang kami kulay ng isa may magtratransfer pa ba kaya.
Nasa likod namin siya sinulyapan ko siya nginitian niya ako binalik ko agad ang tingin ko sa blackboard.
"Hoy!" Sabi ni namiyy sakin.
"Oh iniisip ako" sagot ko.
"Ah okay"
Tumingin ako sa bintana nanlaki mata ko nakita ko siya sa may malaking puno tinitignan niya ako.
Nginitian niya ako yung ngiti niya nakakakilabot pinikit ko mata tas minulat ko ulet nawala siya saan siya pumunta.
Hinanap ng mga mata ko yung babae bakit bigla siyang nawala.
"Good morning class" sabi ni miss alcarion.
Nagsitayuan kaming lahat "good morning ma'am" sabay na bati namin.
Nagsiupuan na kaming lahat at nakinig kay ma'am.
"Omg!" Gulat kong sabi.
"Oh anyare frenny" tanong ni Namiyy.
May tumakbo sa may pintoan na bata kitang kitang ko.
"Anong nangyayari jan Ms.Rockista" tanong ni ma'am.
"Wala po ma'am" sabay na sagot namin ni namiyy.
"Magpeperform kayo ngayon mga babae kakanta at ang mga lalake naman sasayaw kahit anong alam niyo"
"Hayyyst pwede ma'am bukas nalang tayo magpeperfom biglaan kase eh" sabi ni Tamtam
"Oh cgeh bukas dapat ready na kayo" sagot ni Ma'am.
"Sabay nilang sagot" nagkasiyaan na silang lahat.
"Ngayon kumuha kayo ng isang bond paper magdrawing kayo ng anime papasa niyo ngayon may 1 hour pa kayo" sabi ni ma'am.
Kumuha na kami sa likod ng bond paper hindi ko alam mag drawing ng ganoon.
"Walang uuwi pag hindi niyo natapos yan wala si Mr.Alvarez may sakit siya" -teacher
"uy" sabi ni noel.
Tumingin ako sa likod ko "Ako ba" tanong ko.
"Oo" sagot niya.
"Bakit?"
"Hindi mo alam magdrawing ng ganoon noh ako marunong ako akin na yang bond paper mo ako nalang magdra drawing para sayo" bulong niya sabay kindat.
Binigay ko yung bond paper ko sa kanya at tumayo pumunta ako sa harap para magpalaam mag c-cr ako.
"Ma'am pupunta lang ako sa cr" paalam ko.
Tumango lang siya nagsimula na ako maglakad palabas at pumunta sa cr.
Walang masyadong tao mag-isa lang ako naglalakad feeling ko may tao sa likod ko kaya lumingon ako.
Wala naman nagsitayuan ang mga balahibo ko bakit ang lameg parang may kasama ako ngayon na hindi ko nakikita.
Dire-diretso lang lakad ko hanggang sa nakarating na ako ng cr pumasok na ako humarap ako sa salamin.
"Bakit ganito nararamdaman ko" sabi ko sa sarili.
Naghilamos lang ako at pumasok na sa cubicle.
Pagkatapos ko umuhi kumuha ako ng tissue at nagpunas na.
Tumayo na ako inaayos ko muna palda ko hinawakan ko na yung lock ng pinto.
"bakit hindi ko mabuksan" sabi ko sa sarili ko.
Sinubukan ko ulet sinipa ko na lahat lahat ayaw mabukasan.
May naririnig akong umiiyak na studyante ata nage-eco yung iyak niya
"Sino yan" sabi ko.
Walang sumagot mas lalong lumalakas yung iyak niya kung sino man yan.
"Tulong!"
"Tulongan niyo ako"
"Tulong!!"
Sunod sunod kung sigaw ano ba natatakot na ko.
*Blagggggg!
May pumasok sa kabila bumibilis ang tibok ng puso ko.
Sinubokan ko ulet bukasan yung pinto buti pwede na nasira ata lumabas agad ako ng cr at pumunta na sa room.
Pagkapasok ko "Bakit ang tagal mo Ms.Rockista" tanong ni ma'am agad sakin.
"Sorry po ma'am na locked kase ako sa cr."
"umupo ka na at ipagpatuloy mo yung pinapagawa ko."
tumango lang ako at umupo na sa tabi ni namiyy.
"Anong nangyari sayo Anabelle?" Tanong ni namiyyy.
"Wala" sagot ko.
Nananatiling sicret sakin yung nangyari kanina baka sabihin nila nananakot lang ako at baliw na.
Baka nga may nananakot sakin kanina sa cr.
YOU ARE READING
The Bloody Game (ON GOING)
HorrorAng kwentong punong puno ng sakim, lagim at misteryo, malalaman niyo na... Bakit nga ba may pumapatay sa swkelahang iyon? Who the hell would do such thing? That's crazy! Little by little it is known as misterious as hell. It is full of pain. It is f...