Pagkatapos namin mag laro sa arcade umuwi na kami.
Nagtaxi nalang ako sila nag jeep oh diba hanggang sa pag uwi magkasama parin sila sweet diba kainggit pero study first muna si akesss.
"Nandito na tayo ma'am" sabi ni kuya kaya inabot ko sa kanya yung bayad ko at bumaba na.
Kinuha ko na ang susi ng gate namin at inopen ang gate at pumasok na at nilock ulet mag isa lang ako ngayon kaya kailangan ko ilocked mahirap na baka manakawan pa kami or Marape ako.
Kinuha ko ulet yung isa kung susi at binuksan ang pinto.
Pagkabuksan ko biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya pumasok agad ako at sinara na ang pinto.
Umakyat na ako sa taas para magpalit ng damit.
Tatlo ang kwarto sa taas isa sa baba bale yung isa sa baba kwarto yun ni yaya yung dalawang yaya ko.
Pagkatapos ko magpalit ng damit natulog muna ako 3:00 pm palang mat time pa mamatang 6:00 pa uuwi si yaya.
Zzzzzzzzzzzzzzzzz
###
[Sino ka!] Sigaw ko sa babaeng nasa harap ko may hawak na kutsilyo hindi ko makita ang mukha niya.
Ngumiti siya at sakin yung ngiti niya nakakakilabot kaya tumakbo ako.
[Takbo!]
[takbo!]
[Mamatay kayong lahat!]
[Mamamatay ka] Sabi niya habang naka ngiti mabagal lang ang lakad niya.
Tumakbo ng tumakbo napansin ko lang parang pabalik balik ako sa second floor.
[tama na!]
[Tama na!]
Paulit kung sabi pumasok ako sa may bodega tambakan ng mga gamit at papeles medyo mabaho titiisin ko nalang.
Nilocked ko ang pinto at nagtago sa sulok hanggang sa may nahulog na kahon kaya lumapit ako doon at tinignan kung ano yun.
Gamit pang school tinignan ko isa isa hanggang sa may nakita akong diary.
"May Diary" ang naka sulat tignan ko bawat pahina.
medyo luma na at amoy dugo pero bakit hindi ko masyado makita yung mga naka sulat at lumalabo na din ang paningin ko.
*bogggshh *bogggshh *bogggshh
Sunod sunod na kalabog ng pinto nanginginig ang mga kamay ko binitawan ang diary.
[tama na!]
[Para mo ng awa]
[Tama na!!!!] Paulit ulit kung sigaw habang umiiyak.
*boggggshh *bogggshhh *boggggshh
Sunod sunod na kalabog ng pinto ayuko na tama na!
[Tama!] Sigaw ko.
Hanggang sa nagising na ako pinagpapawisan na ako tumayo agad ako at uminom ng tubig.
at pumunta sa cr para maghilamos at bumalik ulet sa kama umupo muna ako sa gilid at nag isip.
"Sino siya?..bakit gusto niya ako patayin... Pero sabi niya kaming lahat...lahat? Anong ibig niyang sabihin... Sino kaming lahat na sinasabi niya" tanong ko sa sarili ko.
Ang daming tanong sa isip ko kahit isa walang sagot anong kinalaman ko sa babaeng yun.
"Pero bakit may nakita akong diary anong connect noon...Argghhh bakit siya nagpapakita sa panaginip ko"
*Bogggshhh
May kumalabog sa baba nanginginig yung mga paa ko kinuha ko yung rosary ko at sinuot.
Binuksan ko ang pinto at naglakad pababa pumunta ako sa kusina at....
Pusa lang pala putang ina! Nagulat ako may tumakbo sa likoran ko kaya humarap ako sa likuran ko wala naman tao at mag-isa lang ako dito.
"Hahahaha!" May tumawa at tumakbo sa taas pumunta siya sa kwarto ewan ko kung kaninonh kwarto pinasokan niya.
Parang bata na naka uniform din anong kababalaghan ang nangyayari.
Naglakad ako papunta sa taas at chineck ko yung kwarto nila mama at papa.
wala naman tao at sa isa pang kwarto kwarto ng magiging little sister ko buntis kase si mama malapit na siya manganak 2 months nalang pumasok ako sa loob.
May naramdam ulet ako na tumakbo palabas ng kwarto ng magiging little sister ko.
"Sino yan!" Sigaw ko.
"Sino yan!" Sigaw ko ulet pero wala sumasagot kaya lumabas na ako ng kwarto ng magiging kapatid ko.
At pumunta sa kwarto ko unti unti ko binuksan ang pinto lumakas an ihip ng hangin nakasara naman kanina yung bintana bakit naka bukas.
Pumasok ako at lumapit sa may bintana at sinara lumingon ako at nanlaki mga mata ko.
May bata sa likod ng pintoan bakit na nakatalikod siya tama ako bata siya unti unti siyang humarap sakin.
Unti unti din lumalamig sa kwarto ko hindi naman naka on yung aircon nagsitayuan ang mga balahibo ko hanggang sa humarap na siya sakin.
YOU ARE READING
The Bloody Game (ON GOING)
HorrorAng kwentong punong puno ng sakim, lagim at misteryo, malalaman niyo na... Bakit nga ba may pumapatay sa swkelahang iyon? Who the hell would do such thing? That's crazy! Little by little it is known as misterious as hell. It is full of pain. It is f...