Chapter 2

2.6K 63 3
                                    

Embrace

"How's your day, my dear twin? Have you seduced Neolardo again using my identity?" I asked Amber with my eyebrow shot up. I was lying in bed while Amber was sitting on her green flappy couch.

"Yes, I seduced him again but... he didn't give in unto my temptation."

I smirked. "It's because you're not that desirable, anymore."

Amber glared at me. "It's because he thought I was you, Amby! I am pretending to be someone who I am not." And I felt my twin is hurting base on her tone as well as on how her face crumpled in emotional pain. It's just a simple sentence for others but for Amber it was a big deal.

"That's why you cry over spilt milk, dear. You asked for this, so bear with it."

It's already been three weeks since they returned and it's a hell day for me every day. Nahihirapan akong gumalaw sa loob ng kompanya dahil sa papalit palit kami ni Amber. Natatakot akong mabuko kami hindi dahil para sa sarili ko kundi para sa kambal ko. Gustong gusto kong matulungan si Amber at inaasahan kong darating ang panahon na magiging maayos ang kalagayan nito.

At isa pa, sa nakalipas na mga araw ay napapansin kong unti-unti nang nagiging mapaglaro si Demin at minsan din ay sweet. He's inscrutable but in a good way. It shocked me sometimes lalo na roon sa sinapak ko siya noong wala ako sa sarili ko. Akala ko nga ay totoong nagalit siya, 'yon pala ay gusto lang ako nitong alagaan siya. Inaalagaan... what a word. Iniimagine ba niyang ako ay si Amber para lang may excuse?

Naisipan kong kunin ang isang news magazine na nakapatong sa lamesa at umupo sa sofa. I crossed my legs and relax but, suddenly, when my eyes caught a man on the magazine with his wife standing beside him ay biglang nabura ang poise ko sa katawan.

Keiro Kennedy Andrade and Pemiara Restova Andrade.

"Amethyst... let's part ways. Alam naman natin sa isa't isa na laro lang ang namamagitan sa ating dalawa. May asawa akong tao-"

"Pero hindi mo siya mahal! Ako ang mahal mo, Kiero... hiwalayan mo siya please... ako nalang," I beg to him, almost dropping my knees on the ground. I don't care if look stupid basta huwag lang akong hiwalayan ng... boyfriend kong may asawa na.

"I l-love my wife. And you are not my wife, Amethyst. You're just my mistress, we're just fucking each other. You are no special to me." Tiim bagang niyang pinalis ang mga kamay kong nakakapit sa suot niyang polo.

Hindi matigil ang mga luha ko sa pagtulo mula aking mga mata. Ang mga tuhod ko ay nanghihina at ang dibdib ko ay parang may nakadagang bato sa sakit na nararamdaman.

I intently look at him with my eyes glistening in tears, hoping he would take back what he'd said. I saw how his adam's apple moved up and down. I know any minute now, he will surrender to me. Napatukod na ako sa pader sa panghihina.

"Y-you love me, Kiero. Oo, isa itong laro pero alam kong nahulog ka na-"

"No," he shook his head. "You're the one who fell hard, now you have to suffer that consequence. I warned you from the very start, Amethyst. You're just my toy 'cause I made you my mistress that you stupidly accepted." He bluntly whispered, taking it painfully right into my already broken heart.

Then he left me crying in the middle of the hallway, helplessly broken. Akala ko natutunan niya akong mahalin sa larong inumpisahan namin pero mali pala ako. Nakalimutan kong kabit lang pala ako, isang walang dangal na babae.

"Drastic times call for drastic actions, tsk," napatawa ako sa sarili at tumayo mula sa pagkakaupo mula sa sofa rito sa living room. Itinapon ko sa trash bin ang magazine at bumulong sa hangin. "Hindi ko akalain na naging desperada ako noon."

I decided to go out and walk my way just surround the house to think clearly and freshen up my mind. Ang mainit na hapon ay naiinitan ang mala-gatas kong balat. Nasisinagan ng araw ang aking mukha dahilan sa pagpikit ko ng kaunti. Ang mga tuyong dahon na naapakan ko ay naglilikha ng ingay sa tahimik na paligid. Napa-ikot ako ng tingin ng maramdamang parang may matang nakamasid sa akin.

Kunot ang noo kong tumama ang aking hula ng makitang may babaeng nakatayo sa kabilang daan. Kinailangan ko pang takpan ng kamay ko ang itaas ng aking mga mata upang masilayan ng maayos ang babaeng puro pula ang kasuotan. The relaxed emotion on my face automatically vanished by the woman's smirk, the anger is also evident.

It's Pemiara, the wife of Kiero.

I don't know why but guilt overflowed my entire system. Anger too, same as hers pero ano ba ang laban ko sa kanya? Ako parin ang talo sa huli dahil nagpakaputa ako sa lalaking may asawa na. Pareho kaming modelo ni Pemira at doon ko nakilala si Kiero ng dahil sa kanya. Mag asawa na sila noon pa man pero patago iyon. Dahil sa nagagaspangan ako sa ugali ni Pemiara ay may naisipan akong kagagahan. Kahit mali ang ginawa ko ay tinuloy ko paring landiin si Kiero hanggang sa mahulog ito sa bitag ko.

I have this urge to walk and come near her so I did. Hindi ko winala ang paningin ko kay Pemiara hanggang sa may humigit sa 'king braso at tumama ako sa tila'y matigas na dibdib ng lalake. Binalot ako nito sa mahigpit nitong yakap. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso nito sa mukha ko sa hindi ko malaman na dahilan. Doon ko lang narinig ang nakakabinging busina galing sa isang kotse na humaharurot paalis na para bang walang muntik nang mabanggaan.

Nanlaki lamang ang aking mga mata ng mapagtantong malapit na akong ma-hit and run!

Holy gracious!

"Are you going to kill yourself, Amethyst?!"
Agaran ang pagtingala ko sa lalaking sumagip sa akin at ganoon na lang ang mas lalong panlalaki ng mga mata ko sabay pag-awang ng labi ko sa gulat.

What the?!

Si Demin!

I unbelievably pushed him to free from his caged. Hindi parin ako makapaniwala na sinagip ako ng isang bulag!

Nanginig ang kamay kong tinuro siya. Sumabay ang pag-igting ng kanyang panga at lukot na noo. "How d-did... h-how did you do that? You save me. I was saved by a blind man!"

"Don't underestimate me just because I'm blind, Amethyst. I can feel my surroundings." He said abruptly.

"Feel?" para akong tanga na tinignan ang hawak niyang eye stick bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "It wasn't normal for you! Are you really totally blind? O baka kahit paano ay may nakikita ka?"

Umiling siya bilang tugon sa huling tanong ko. "I see no light, only darkness. Malakas lang talaga akong makaramdam, Amethyst."

"That doesn't convince me, still! Sige nga, paano ka nakarating dito sa labas? Paano mo naramdaman na ako ito? Paano mo naramdaman na malapit na akong masagasaan ng kotse na iyon?"

Hindi siya umimik. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Mas lalo tuloy akong naguluhan pero naisip kong hindi na iyon importante. Naalala kong bigla si Pemiara. Lumingon ako sa kinaroroonan nito kanina pero wala na ito. Wala na akong pakialam basta ang importante ay hindi ako tuluyang nasagasaan ng kung sino'ng hayop na driver na iyon. Napalunok ako ng hinanap niya ang braso ko ngunit hindi niya mahagilap. Nakakapagtakang mabilis niya nga akong nasagip kanina. Ako na mismo ang lumapit sa kanya upang mahawakan niya ako. Sumilay ang kuntentong ngiti sa kanyang labi.

"Demin, I-"

"Amber taught me to be aware of my surroundings so that even if I'm blind I can defend myself from harm. I have this feeling that you went out of the house so I followed the slight noise of the steps you made. Either I don't know that you didn't notice my presence. Until I heard the unpleasant beep of the car, right from there, I knew you were in danger. Maybe, it was my adrenaline rush, Amethyst." Mahaba niyang litanya Lumamlam ang kanyang mga mata.

"Shouldn't I get a 'thank you' from you instead of judging me?"

Napipi akong bigla, hindi malaman ang itutugon. Sumagi sa isip ko ang reyalisasyon. Shit, nanindig ang balihibo ko sa buong katawan ng mapagtantaong nasa bingit na ako ng kamatayan kanina! Uminit ang gilid ng aking mga mata at nagsimulang manginig ang labi ko ng binigkas ang katagang pati ako ay nagulat.

"Embrace me..."

Embrace Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon