Bracelet
One last shot of the camera and I'm done. The camera man praises me as well as my manager for the great and daring pose for the upcoming launching of RIVI magazine. I will be the front page model as for written on the contract. The day was so tiring, as always. After I changed my clothes, I decided to go home right away. Wala naman na akong gagawin kundi ang magpahinga.
I sent a text message to Amber that it's her time to use my identity again, ang bruha natuwa naman. Napailing na lang ako at liliko na sana ako papasok sa Village ng nahagip ng mga mata ko si Demin na naglalakad sa gilid ng kalsada. Dahil sa gabi na ay kaunti na lamang na mga kotse ang dumadaan. Kunot ang noo kong pinarada ang kotse sa labas ng Village namin.
Pagkalabas ko ng kotse ay mabilis akong tumakbo, maabutan lang siya. Medyo nahirapan pa ako dahil sa suot kong four inches heel at sumabog ang buhok ko sa hangin nang malaglag ang pantali ko. Ang malamig na hangin ng gabi ay humahaplos sa maputla kong balat. Nang malapit na ako ay nauwi sa lakad ang pagtakbo ko. Nasa likuran niya lamang ako sa kabilang bahagi, pinagmamasdan siyang matiwasay na naglalakad habang pakaliwa't kanan niyang dinadampi sa semento ang kanyang eye stick.
Habang sinusandan ko siya ng palihim ay naisipan kong kunin sa bulsa ang earphone at makinig sa paborito kong musika. Isinuksok ko ang magkabilang kamay sa bulsa at napapangiti dahil sa bawat paglakad niya ng isang minuto ay napapahinto siya pagkatapos ay magpapatuloy ulit. Para bang binibilang niya ang kanyang mga hakbang.
I just wonder, hindi naman siya siguro lumayas sa bahay, hindi ba?
Mukhang hindi naman. Nababagot lang siya siguro sa bahay kaya naisipang lumabas. Tama lang yata kanina na pagkaalis siguro ni Amber ay lumabas siya.
Tanga lang ang lalayas ng walang may dalang damit ni isa, ano.
Minsan ay may napapatingin sa kanya na mga tao na dinaraanan niya. Buti naman dahil mukhang hindi naman nila hinuhusgahan si Demin dahil sa bulag siya. Ang ibang babae pa nga eh napapakilig at isa'y lumapit pa talaga sa kanya para lang matitigan siya ng malapitan at kinikilig na umalis kasama ang kaibigan nito.
Wow lang, ha? Ganoon ba talaga kalakas ang dating niya? Nai-kuwento sa akin noon ni Amber na dating bakla itong si Demin. Paaano ba 'yan, ang mga bakla naman ngayon ang nakakatipo sa kanya.
I chuckled at that thought. That was like 'duh'?
Ilang minuto pa ay napapalayo na talaga kami. Kailangan ko na yata siyang lapitan para makauwi na kami. So, I came near him and was about to touch his shoulder but he turned around. My eyes widened a bit at his sudden move. Natamaan pa ako sa paa ng eye stick niya dahilan para matigilan siya. Hindi naman masakit pero napaatras ako ng dalawang beses.
Shit, sana hindi niya ako maramdaman!
Ano ka, multo ka, Amby? Multo ka para hindi niya maramdaman? Multo ka?
Shut the fuck up, mind!
"Pasensiya na po." He apologized and continued to walk.
Nakahinga ako ng maluwag doon, ah! Shit lang. Ba't ba ako kinabahan? Ano ba'ng kakaba-kaba roon?
I just shook my head and continue to follow him. Hanggang sa makarating na kami sa harapan ng bahay. Namamangha ako sa talino niya para makabalik dito gamit lamang ang kanyang isip. Siya na yata ang magpapatunay na hindi hadlang ang kakulangan para sumuko sa buhay. Nang makita kami ng security Guard ay babatiin na sana kami nito ngunit sinenyasan ko itong manahimik at buksan na lamang ang gate. Kaya ang nangyari ay nakabukas ang bibig ni Manong guard na tumango sa akin. Muntik na akong matawa sa itsura nito.
BINABASA MO ANG
Embrace Me (COMPLETED)
Short StoryAMETHYSTxDEMINTRI Highest rank achieved #1 in tragicending Highest rank achieved #1 in sorrynotsorry Highest rank achieved #1 in tragiclovestory Highest rank achieved #6 in sorrow Highest rank achieved #7 in sister Highest rank achieved #10 in blind...