1st Entry: Ang alamat ng dalawang 'G'... the Goliath and Godzilla tandem

2.8K 52 1
                                    

1st Entry: Ang alamat ng dalawang ‘G’… the Goliath and Godzilla tandem

 

Ara’s POV

3:34 p.m.

“Good job girls” sabay pumalakpak ng dalawang beses si Coach Ramil para makuha ang atensyon naming lahat. “That’s enough for today.”

“Yes!”

“Wohooo gutom na ako!”

“Okay, makakauwe na din”

“Grabe kapagod”

Sabay-sabay silang nagsasalita samantalang ako naman dumiretso na sa bleachers kung saan nakalagay yung mga gamit namin… habang nag-aayos ako ng gamit nakita kong papalapit na sakin si Mika, yes as in the Great Wall of Mika Reyes kasama si Kim as in Kim Fajardo the setter pro.

“Ara!” sabay sigaw nung dalawa sa akin

Ayos. Ayos. Ayos lang ng gamit.

“Huy!” wave pa ni Mika

Sige lang Ara. Bilisan mo sa pag-ayos. Takte nasan na ba yung headphone ng iPhone ko?

“Number 8! Aaarra Galang!! Psst” inimitate pa ni Kim yung pagtawag sa akin pag may laro kami…basta hayaan mo lang, ‘wag mong pansinin baka sakaling sumuko na at tigilan ka.

“Eto kinakausap eh” dugtong pa ni Kim

Shet nasa likod ka na. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo Ara, kunwari hindi sila nag-eexist.

“Woi!” tapos pinoke ni Mika yung ulo ko, nako… no choice. Nakita ko na yung headphone na nahulog lang pala sa baba!

“Hmmmm?” sumagot na ako pero di ko pa rin sila inangatan ng tingin, nagbend ako para pulutin yung headphone.

“Ano, gusto mo ba…” panimula pa lang ni Mika pero pinutol agad sya ni Kim.

“oo nga.. oo nga” sabi ni Kim habang tumatanga tango pa.

“Ayoko.” Inunahan ko na sila, alam ko namang aayain nila akong kumain, ganon naman silang lahat palagi pagkatapos ng training eh. Tch mga P.G.!

“Grabe ka, patapusin mo muna ako” tapos papadyak-padyak pa muntanga lang parang bata “Sama ka! Kakain kami sa labas” Kitams, mga takaw.

“oo nga libre ni ate Abi dahil maganda daw ang kinalabasan ng training natin ngayon…” pangungumbinsi ni Kimi.

“Ayoko nga” haist sa wakas natapos na rin ako sa pag-ayos, sinarado ko na yung zipper ng gym bag ko at sinabit na yun sa kaliwang balikat ko.

“Ang KJ mo talaga kahit kailan! Why you like that huh? Bakit ba lagi mong nilalayo yung sarili mo sa ibang tao? Uhm I mean, wala namang mawawala kung try mong makihalubilo eh” Pinagsasabihan ako ni lola Mika. Ewan ko sa inyo.

“Hindi mo lang naman kami basta teammates, pwede mo na rin kami ituring na kaibigan.” Dagdag naman ni Kim

Okay this is my chance! Tinalikuran ko na sila tapos naglakad na papuntang exit habang sila tuloy tuloy pa rin ang sermon. Paanong hindi nila mapapansin na wala na ako eh daig pa nila ang pari kung manermon. Para lang silang nag-dedeclamation na may action pa yung bawat salita.

“Hay nako Ara, pinipilit kitang intindihin pero wala talaga eh, di kita magets kung bakit mo pinaparusahan ang sari… Ara? Ara!” sabi ni Mika at saka binatukan si Kim “Bakit hindi mo sinabi na wala na si Ara?!”

What does it take... (Thomas Torres - Ara Galang fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon