5th Entry: Fall For You ~~ Literally

1.7K 48 3
                                    

5th Entry: Fall For You ~~ Literally

.

.

4:30 pa ang training namin, hmmp 3:36 pa lang eh hindi naman ako pwedeng mauna sa Razon kasi occupied ng ibang athletes yung gagamitin naming floor. Baka kung mamalasin eh makita ko pa ang mga MBT dun....

Hindi na ako pwedeng tumambay sa dati, san kaya ako pwede? Isip. Isip. Ay dun na lang kaya ulit sa lumang storage room malayo-layo yun sa ibang buildings kaya ibig sabihin malayo sa mga estudyante.. Sa likod lang naman yun ng library..

GAYA ng inaasahan ko, walang katao tao dito sa storage room, dito lang ako sa labas mukhang wala naman maliligaw na estudyante dito. Tsaka nakakatakot kaya sa loob nun mamaya may mumu pala hehe desperado lang ako kahapon kaya ko napasok yun.

Umupo ako dun sa may damuhan na malapit lang sa room. Tumalungko ako at nagmuni-muni.. aisshhtt kailangan ko nang makaisip ng pwedeng gawin. Maliit lang ang mundo namin at hindi forever ko silang matataguan dahil sa mga sumusunod:

1. Pare-pareho kaming student dito sa La Salle

2. Athlete din ako tulad nila

3. Ngayon nalaman ko pang classmate ko yung isa sa isang subject

4. Hahuntingin nila ako dahil for sure 'di nila palalampasin yung nagawa ko

5. Dahil mga bwisit at epal at bully sila

Nakakaasar lang, hindi naman totoo na "Everything happens for a reason" eh, minsan wala nang dahi-dahilan basta na lang nangyayari na parang nanggag@go lang ang buhay. Pero alam ko namang kahit walang "Why o bakit" sa problema ko sigurado naman akong mayroon "Sagot" para dun kailangan ko pa nga lang alamin. Haha anggulo nun ah...

Grabe kahit anong piga ko ng utak ko, wala pa rin akong maisip na magandang solusyon huhu.. TT.TT ay Thursday nga pala ngayon! Mamaya uuwi na ako sa Pampanga, bakit mamaya? Eh long weekend kaya, wala kaming pasok bukas ayon kay Mr. PNoy. Patapos naman na ang araw na 'to dun na lang ako sa bahay mag-iisip wala naman na sigurong mangyayari na hindi maganda ngayon.

Makapaglaro na nga lang dito sa iPhone ko, ahmmmm ano ba maganda laruin? Temple Run? Nope. Eto na lang kayang Candy Crush... nasa level 78 na ako, ilang araw na akong hindi makaalis dito baka today is my lucky day. Kahit dito lang sa laro swertehin ako...

Inumpisahan ko nang laruin, grabe 40 moves lang para sa level na to kaya dapat bawat galaw napag-isipang mabuti. "Sweet!" "Tasty!" "Divine!" haha sunod sunod yung mga combo ko! Pindot. Pindot pa more. Combo!

Naku may apat pang jellies na hindi ko naalis tapos five moves na lang, kaya pa kaya 'to? Syempre ako pa ba? Oi oi oi ayan naaaa kumombo ulit! Three moves at dalawang jellies pa. Inilapit ko na sa mukha ko yung iPhone, kailangan ito ng matinding concentration... arrghhh anung move kaya ang gagawin ko?

Parang huminto yung tibok ng puso ko, hindi dahil sa nilalaro kundi dahil may biglang nagpatong ng kamay sa balikat ko.

Nablanko na utak ko at ang naging initial reaction ko syempre pumalag ako at sinubukan lumayo dun sa salarin kung sino man sya.

Oooppps wrong move kasi hindi sya bumitaw sa balikat ko kaya nahila ko sya nung sinubukan kong lumayo at na-out of balance sya so in the end parehas kaming nabuwal at sya yung nasa ibabaw.

Syette Otso Nwebe!! Kalahati ng katawan nya yung nakadagan sa akin, then yung isang kamay nya na unang nakahawak sa balikat ko ay nasa braso ko na... tapos ang pinaka-epic sa lahat... yung mukha nya naksubsob sa leeg ko!!

Putek ano ba itey nag-freeze na yung katawan ko!! Waahhh Rape! Rape! Gusto ko sumigaw kaso parang natuyo yung lalamunan ko at walang lumalabas na boses kaya ang itsura ko ngayon ay parang isdang inahon sa tubig na bukas sara ang bunganga...

What does it take... (Thomas Torres - Ara Galang fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon